CHAPTER 3: ONE

39 2 3
                                    

                  

Maxi's POV:

Papunta ako sa banyo ng makarinig ako ng malakas na hiyaw.

Tiningnan ko ang screen sa hallway at nakita kong umuusok ang gilid ng R8 ko. Sa isang close up shot sa screen nakita kong nakipagkamay si Iggy sa driver mula Shibuya, maya-maya pa ay iniabot niya rito ang susi ng kotse. Yup, you heard me, the keys, of my mother effin' car!

"Tangina, natalo na naman ang baliw na iyon!"

Umikot ang paningin ko at unti-unti ko nang naramdaman ang sipa ng alak na ininom ko. Madali akong pumasok sa comfort room pero may biglang sumigaw sa harap ko pagkabukas ko ng pinto.

"Whoah! Missy, it's either hindi mo nakita ang sign sa labas na men's room 'to o stalker kita."

"Stalker?!" aba, at ang kapal naman ng mukha ng batang 'to. Yup, bata, mukhang mas bata siya sa aking ng dalawa o tatlong taon. Nakasuot siya ng malaking salamin at may hawak na laptop, great a techno nerd. He was wearing a black shirt na may nakasulat na malaking "ONE" over a pair of black ripped jeans. Sobrang gulo ng buhok niya, kala mo nakipagsabunutan and he had black eye liner on his eyes. Great, a nerd and a punk too.

"Yeah, kayong mga babae talaga, can't get enough of me, I told you, I don't do autographs."

Aba, the nerve of this brat.

"Labas." Malamig kong wika.

"Yup, that's right, lumabas ka na, 'yun ang tama mong gawin."

"I mean you. Idiot!"

"Ba't ako ang lalabas eh men's room nga 'to."

"Labas sabi eh!" I went to him and grabbed him by the collar, but then, shit happened.

"Eeeew!!!! Anong ginawa mo?!" gulat niyang tanong. I just threw up at him and his precious laptop. "Do you know how long it took me to build this bad boy over here?! Bayaran mo to!"

Asar... bayaran ba kamo? Gusto niya ibili ko pa siya ng isang factory niyang lintik na laptop na iyan. Pero siyempre, hindi ako basta nagtatapon ng pera.

"Bakit ko iyan babayaran?! Kasalanan mo iyan at ng laptop mo, nakaharang kasi kayo."

"Wow, you could have just said sorry, baka napatawad pa kita, pero ikaw pa 'tong maangas. Hoy miss, hindi dahil sa maganda ka at super hot ka palalampasin ko na 'tong ginawa mo!"

Maganda at super hot... kahit naman pala engot 'tong nerd na 'to, hindi naman pala siya bulag.

"Hoy kid!"

"Sinong tinatawag mong kid, eh pareho lang naman tayong high school student?"

"Hoy kid!" bwisit, inuubos niya pasensiya ko, "I just lost 200 grand and my fucking car, I'm very drunk at masaskit ang ulo ko, kaya kung ayaw mong sayo ko ibuhos ang inis ko, lumabas ka na!"

"Aba talagang-"

Bigla siyang natigilan ng may pumasok sa loob ng men's room.

"BT, pre, panalo na si Aki, kung saan-saan ka pumupunta kanina ka pa niya hinahanap, icheck mo daw yung bagong kotse, wait lang napano ka?" tanong ng isang pulang buhok na mukhang tropa ni Nerdy boy.

"Eto kasing stalker na 'to eh, bigla na lang akong sinukahan, sinisingil ko nga eh, mukhang sinira niya 'tong si Chappie."

Ay ok, may pangalan ang laptop niya.

"Stalker, sino?"

Lumingon sa akin ang may pulang buhok, seeing me for the first time. Nalaglag ang panga niya ng makita niya ako.

"BT, gago ka talaga, kilala mo ba 'yan? Halika na, sumibat na tayo kung ayaw mong mamatay!"

Good, he knew me, buti pa tong may pulang buhok kahit papaano may utak.

"Bakit, sino ba 'to?"

"Tara na pre! Halika na." kinaladakad niya palabas ang kaibigan niya kasama ang walang kwenta niyang laptop na may pangalang Chappie.

BT pala pangalan niya ah, humanda ka sa akin nerd boy, ipapapatay kita.

The ONE RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon