CHAPTER 4: THE MECHANIC

34 2 1
                                    

                  

BT'S POV:

Hindi ko alam kung anong problema nitong si Army at bigla na lang ako kiladkad palabas ng banyo. Kinakausap ko pa yung lasing na hot chick na sumuka sa laptop ko eh.

"Hoy Army, problema mo? Kinakausap ko pa 'yung babaeng iyon sa banyo tapos bigla ka na lang nanghatak, so sino magbabayad ng pang-ayos kay Chappie aber? Ikaw ba?"

Kinutusan ako ng baliw and I swear, babawian ko tong mokong na 'to maya-maya.

"Nagpapakamatay ka ba ha? Kilala mo ba kung sino 'yung tinatalo mo?" napansin ko ang panginginig sa boses niya.

"Bakit, sino ba yun?"

"Maxi Archibald, alamat iyon sa underground racing, at siya ang pinkamahusay mag-drift sa bansa. Stellar records, wala pang talo kahit minsan, at bukod pa dun saksakan iyon ng yaman!"

"Eh yun naman pala, 'di tapos usapan, kaya niya pala 'tong bayaran eh."

Kinutusan niya ako ulit.

"Oy sumosobra ka na ah!"

"Hindi mo ba ako narinig, alamat iyon dito. Pamilya Venezia ang backer nun, kilala mo naman sila di ba, mafia 'yun, pasalamat ka nakalabas ka pa ng buhay sa banyong iyon. Kapag umabot 'to kay Tracy Venezia, sigurado akong paglalamayan ka na."

Maxi Archibald pala ah. So siya pala yung legendary goddess na nagpapataob sa lahat ng batikang racers sa bansa. Hindi ko akalain na bata lang pala siya. At naka sailor uniform pa siya, wow, nagcocosplay ba siya?

"Eh hindi naman kasi siya mukhang alamat, nakita mo nga naka-uniform pa."

"Balita ko kababalik niya lang galing boarding school. Dalawang taon siyang nawala sa karera, tapos ngayon natalo pa kotse niya, maswerte ka talaga hindi ka niya binanatan kanina."

Teka lang, natalo kotse niya?

"Paanong natalo, siya ba 'yung baliw na nagmamaneho nung R8 na nakalaban ni Aki?"

"Hindi, si Iggy Vanderson, isa sa mga alipores niya. Hay dami mong tanong, puntahan na natin si Aki."

Huminto kami sa harap ng isang black na van na napipinturahan ng graffiti at sumakay doon. Pagdating sa HQ nandun na si Aki at ilan sa tropa namin chinecheck ang bagong kuhang kotse.

"BT, where have you been man? Eew, napano ka?"

"Don't ask." Inis kong sagot. Dumiretso ako sa shower at mabilis na nagpalit. Itinabi ko muna si Chappie at gumamit ng ibang laptop.

"Maganda ang specs nitong kotseng nakuha mo, mahusay ang pagkacustom-built, mukhang first class ang mekaniko nila."

"Pagdating sa paggawa ng mga sasakyan, mukhang pantay kayo ng galling ni Maxi."

"Maxi? Yung chick na iyon marunong gumawa ng kotse?"

Hinawi ni Aki ang buhok niya na ikinatuwa naman ng mga babaeng kasama namin. Bukod sa akin, isa siya sa pinakapopular sa team pagdating sa mga babae.

"So, nameet mo na pala ang diyosa?"

"Well, you can put it that way, pero sa ginawa niya sinigurado niyang hindi ko siya makakalimutan."

Nagulat silang lahat sa sinabi ko.

"Whoa, hold it right there, you nailed her? The Maxi Archibald?! May nagyari sa inyo?!" tanong ni Aki sa akin.

"Hay nako, hindi man lang ako nagpakahirap, siya mismo ang lumapit sa akin."

Technically, siya naman talaga lumapit sa akin.

"Oo tama, siya ang sumuka diyan kay BT." Sabat ni Army.

Kaasar, panira talaga 'tong isang 'to kahit kailan.

"What?! You mean siya gumawa sa 'yo nun?" tawang-tawa si Aki sa kanyang narinig.

"Army kahit kailan talaga hindi mo maitikom ang bibig mo."

"Sorry pre, I'm just being honest."

"So how was she? I heard she's smoking hot." Umupo si Aki sa tapat ko at nagsimulang magbukas ng can ng beer.

"Hot? Sobra."

Yup, she really was a goddess. All the stories about her, being so drop dead gorgeous were all true.

"Pero mas mainit ang ulo niya." Unfortunately, even the stories about her being a bitch were very true. Naka pulang ribbon headband pa siya, lakas maka-Snow White, pero disguise lang 'yun dahil ang totoo she's more like the Evil Queen.

"Wow, akala ko nga siya makakalaban ko eh, I even flew from Japan para lang makita siya pero I end up racing with her loser minion."

Matagal nang gustong makaharap ni Akito or Aki, ang drift queen dito, kaya naman ng maglabas ng imbitasyon ang pamilya Venezia para sa isang underground race, hindi siya nagdalawang isip na lumipad galing Japan para lang makaharap ang pinakamagaling sa lahat. At siyempre, isinama niya ako, ang paborito niyang mekaniko.

"Balita ko hindi basta-basta lumalaban si Maxi sa karera, masyado siyang mapili sa kalaban. Sa susunod na linggo may karera pa, baka roon, makalaban mo na siya, sigurado akong hindi niya palalampasin ang pagkawala ng R8 niya."

Natuwa si Aki sa sinabi ni Army. Mukhang hindi naman mababalewala ng paglipad namin mula Japan.

"Kaya pang imodify ang kotseng 'to, pwede kong reconstruct ang body kung 'di ka masaya, padadalhan kita ng designs bukas."

"Thanks BT," tinapik niya ako sa balikat at inofferan ng beer, "balita ko babalik ka na sa school?"

"Oo eh, 'yun ang kondisyon ng matanda kaya pinayagan akong umalis ng Japan."

Tatlong buwan na ang nakalipas nang mag-quit akong mag-aral at magsimulang gumawa ng mga race cars. Hindi ako tumigil dahil mahina ang ulo ko. Sadyang lapitin lang talaga ako ng gulo kaya naman madalas akong mapatalsik sa school.

Pero para makalipad ako palabas ng Japan, kinailangan kong makipag-deal sa tatay ko na susubukang kong mag-aral ulit.

"Kung 'di ako tutupad, tatanggalan ako ng mana kaya kailangan kong bumalik sa high school."

"What?! May eskwelahan pa bang tatanggap sa'yo?" pang-aasar ni Army.

Twelve schools, at lahat iyon, kinickout ako. Itong huling napili ni Daddy mukhang ganun din naman ang kahihinatnan, pero siyempre naniniwala pa rin siya na may pag-asa pa ko. He said, a new country and a new school, clean slate for me.

Pagbibigyan ko siya, masyadong magastos ang napili kong bisyo at kailangan ko ang pera niya para masustain ito, so I guess I'll give this last school a shot.

"Where did he enroll you?" tanong ni Aki.

I popped the beer open trying to remember the name of that school he tried to get me in, "I think it sounded like Aslan or something, basta something AU."

"Fuck-sa Asplund pare?" gulat na tanong ni Army.

"Ah tama, tanda ko na, Asplund, yup, that's the one, Asplund University."

�Ԭ�rg

The ONE RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon