Oo wala na lahat, waaah naiiyak na ako, hindi ko kasi ineexpect eh. Habang hinihintay ko yung kuya ko para sunduin ako at dalhin sa bagong bahay nagpunta na lang muna ako sa bahay ng lola ko dahil isang compound lang kami.
"Mari,pasensya ka na ah,pero kailangan talaga umalis kayo eh,pero gusto mo dito ka na lang sa akin,pagaaralin kita,ano ba gusto mo kainin? "
yan ang sabi ni titang impakta. Wala ako masagot dahil ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Mix emotion ba."ayaw ka paalisin ng mga pinsan at pamangkin mo oh, gusto mo ice cream? Bigyan niyo nga ng icecream ate niyo, dito ka na lang pag aaralin kita." si impakta na naman.
"Hindi na po,sige po alis na po ako baka andyan na po si kuya " yun na lang ang nasabi ko,kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nakakainis kasi eh,nagbabait baitan hindi naman bagay,haaaay ... --end of flashback--
back to reality,ayun andito ako ngayon sa bagong bahay namin,nasa terrace ako,wala pa kasing kuryente eh,pero infairness maganda dito yun nga lang nakakatakot.
BINABASA MO ANG
BEHIND THE WALL
RomansaDestiny o Fate.? Paano kung lumipat kayo ng bahay at sa paglipat niyong yun dun mo pala makikila ang magpapatibok ng puso mo. Ang itinadhana sayo.Tinadhana nga ba. Handa ka nga bang alamin ang lahat,at gibain ang mismong pader na harang niyo? Litera...