7.1 Boyfriend Daw?
Andito na kami sa mall. Hindi naman sya ganun kalaki. Sakto lang. Akalain mo yun may mall na pala dito. Ang dami naman pala nagbago dito sa lugar namin parang kelan lang.. hays.
Anyways ang dami din mga chicks pero wala ako paki sa kanila kahit lumuwa pa yun mga cleavage nila na parang pwet ng bata na nakalagay sa dibdib. Wala akong paki kasi kung titignan mo yung mga pagmumukha nila parang sinubsob sa espasol tapos magpapacute sila sakin? How cheap.
Nakakita lang ng gwapo parang gusto na ibigay sakin mga buong pagkatao nila at pagkababae. Oh well sorry nalang sila. Hinding hindi ako bibigay sa mga ganyan..
"Uy Nigel. Ang Pogi mo talaga haha. Tignan mo oh pati mga beki tinitignan ka.. hala lagot ka. Baka mamaya lumapit yan sayo at sabihing..."
Hindi na natapos ni Mari yun sasabihin nya dahil may lumapit nga na lalaki sakin. Ay hindi pala sya lalaki. Beki pala. Shete. Ano ba to? Ang laki laki ng katawan tapos nakamaiksing short.
"Hi Fafa. Can I get your number pliiiish?"
Aba nagpapacute pa sya sakin.Sapakin ko yata to. Eeew hindi bagay. Ang macho ng katawan tapos beki lang. Sayang may itsura pa naman.. Gwapo din kasi eh maputi pa.. sa bagay hindi pala lahat ng gwapo babae ang hanap, yung iba lalaki din ang hanap. Psss.
Tinignan ko naman si Mari na nakaupo sa may lamesa sa loob ng ice cream house. Tsssk tignan mo tong babaeng to iniwan ako sa baklitang to. Nakatingin lang din sya samin at naghihintay ng susunod kong gagawin.
"Baby.. ano bang pangalan mo? May Girlfriend ka ba? Pwedeng ako na lang? Sayang ka naman. Mukha ka pa naman kpop star. I think I like. Ano ba number mo dali. Papaloadan kita.".sabi nung beki..
Tsssk Hindi rin sya mapilit ah. Ang kulit nya. Nakakairita na paano ba ko makakatakas dito... I have a briliant idea para lubayan na ako nito...
"Ah I'm sorry hindi ko kasi basta basta binibigay yung number ko eh.. tsaka para pala dun sa isa mo pang tanong yes I do have a girlfriend. Actually magkikita nga kami ngayon." Sabi ko sabay ngiti sa kanya na parang nang iinis..
Sana gumana naman yun palusot ko..Sana.
"Uy.. kanina pa kita hinihintay sa loob. Ang tagal mo naman. Lumabas na ako. Naiinip na kasi ako eh ano ba kasi ginagawa mo dito?"
Yes buti dumating ka Mari.. Sorry pero gagamitin muna kita sa Alibi ko..
Napatingin sya dun sa beki at syempre yung beki. Tinitignan naman sya mula ulo hangang paa.
"Ah sorry Hon. Natagalan. Kanina ka pa ba dun sa loob?"
Hinawakan ko siya sa bewang at inilapit sakin. Woooh shete baka sabihin nya pinagsasamantalahan ko sya at hinihipuan. Nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya at may ibinulong...
"Ah oo Hon ang tagal mo kasi kanina pa nga kita hinihintay eh. Andun na ako sa meeting natin.. tinitext nga kita hindi mo naman ako nirereplyan." Sabi nya sabay tangal ng kamay ko sa bewang nya.
Aba galing umarte nito ah parang totoo lang.. muntik na din nya ako mapaniwala. Nag galit galitan pa sya ah. Well the show must go on..
"Hon sorry na. Kasi ito oh." Yinakap ko sya mula sa likod. Sabay turo ko dun sa beki..
Oh diba para makatotohanan. Sana lang mapaniwala namin sya.
"Ahm excuse me... Do I know you? Para ka kasing familiar sakin.. nagkita na ba tayo? ".
sabay tingin sa kanya ulit ng beki na parang tinignan sya mula ulo hangang paa na para bang sinusuri buo nyang pagkatao.
Teka baka naman isa to sa mga ex nya. Nagpapangap lang na beki. Yung PAMINTA kung tawagin nila.
BINABASA MO ANG
BEHIND THE WALL
RomantikDestiny o Fate.? Paano kung lumipat kayo ng bahay at sa paglipat niyong yun dun mo pala makikila ang magpapatibok ng puso mo. Ang itinadhana sayo.Tinadhana nga ba. Handa ka nga bang alamin ang lahat,at gibain ang mismong pader na harang niyo? Litera...