Ang likod bakod ng school building namin, dadaan ka muna sa makipot na iskinita sa pagitan ng dalawang naglalakihang building ng school. Isang maliit na katawan lang ng babae ang ang magkakasya rito, syempre kanino pa bang katawan? Edi sakin lang naman. May harang pa nga ito eh pero syempre ako gumawa nun, haha paalala na isang restricted area ang lugar na yon. Isa lang naman ang nakakaalam ng secret place ko, si manong nog. Ang pangalawang tatay ko, sya kasi ang tumulong saken para gawin yun, at minsan pa nga nakikitambay pa yun saken dun sa lugar ko. Kung paano sya nagkakasya sa eskinita ay hindi ko alam. Siguro ay may katawan din sya ng babae, pero hula ko lang yon.
Umaga, 10am pa ang pasok ko pero 8am palang nasa school nako. Syempre tambay muna sa lungga ko nakakabato kasi sa bahay at nakakainis kasing makita ang pagmumukha ng bago naming miyembro ng pamilya. Ayun higa muna sa bench, muni muni hanggang sa nakatulog.
Paggising ko 12pm na, patay! 2hrs late sa unang subject. Pero parang naiba ang ayos ng paligid ko, teka bakit may nakakumot sakin na isang balabal? Kulay pula ito na may stripe ng itim, siguro kay man0ng nog ito, pero alam ko wala namang ganito kabonggang gamit si mang nog. Hay bahala na makakain na muna ng tanghalian, buti at may baon ako. Pagkatapos ko kumain ay tinupi ko nang maayos ang malaking balabal saka inilapag sa upuan inaasahan ko kasing babalikan ni mang nog iyon at dumiretso na akong pumasok sa 2nd subject namin. Trigo. Tatlong oras na pakikipagsapalaran sa malupit naming professor at bagsik na dala nang pinakapaborito kong ayawan na subject simula pa ng bata. Math. Sanga nang math ang subject na trigonometry kung saan hihiluhin ka nang mga equations at formula nito.
Panay ang dakdak ni mam sa whiteboard, samantalang ako naman panay ang hikab, parang sleeping pills kasi ang dating saken ng math lakas tama pangpaantok. Kahit na kakagaling ko palang sa mahabang tulog, inaantok na naman ako. Pero teka bigla nanahimik si mam? Anu yung hawak nya? Mga index card? Ibig sabihin may graded recitation na naman? Teka anu yung sasagutan? Anak ng tipaklong napakahabang problem. Mukang napansin yata ni mam na walang nakikinig sa mga pinagsasabi nya kanina. Isip isip. Paano ako makakatakas sa impyernong classroom nato? Mukang kelangan ko nang tawagin si goku para iteleport ako sa ibang dimensyon nang daigdig, tatawagin ko na lahat ng superhero sa anime at mga santo, pinagpapawisan nako ng malagket, shet. Sa lahat ng mga classroom activity eto ang pinakaayaw ko, graded recitation. Halata naman siguro.
Nagising ako sa mahabang pagdarasal ko nang mapansin kong lahat na pala ng mga classmate ko eh nakatingin na pala saken pati ang nanglilisik na mata ng prof namin, tatlong beses na pala nyang tinatawag ang pangalan ko hindi ko pa alam. Tumingin ako sakanya sabay tingin sa white board at dun sa pinapasagutan nya, hindi naman ako nagpapatawa at sincere talaga ang binitawan kong salita, at bu0ng puso kong nasambit sa harap nya ang katagang, "mm-ma'am, mmay i-i go out?" Nagtawanan ang mga classmate ko, as in LOL talaga. Lalong umitim ang aura ni mam at feeling ko anumang oras ay isasahog na nya ko sa minudo at kakainin kahit buhay pa.
Tinawag nya ko sa apelyido ko sabay sambit ng mga salitang nakakadugo sa tenga pagpinakinggan
"it seems that my subject didn't interest you any more, you can go out and i don't wanna see your face in my class. You have two choices, You can go back nextyear or bring your parents here and prove me that you want to learn my subject."
Na warshock ako sa sinabi nya, na one hit combo kumbaga. Ang sakit sa tenga at ang sakit pakinggan. Naging istatwa ako sa pagkakatayo kaya sinigawan nya pa ako ng
"get out now!! Walang modo! Kanina pa kita napapansin na naghihikab, pagkatapos babanatan mo pa ako ng ganun palusot? Kababae mong tao wala kang paggalang,"
At dahil dun lumabas na nga ako ng room namin, nakakabadtrip tong araw nato. Pinahiya ka na nga hinamak kapa. Leshe ang sarap maglitson ng tao. Yung matabang menopause na babae na yon, palibhasa purely virgin but totally damage.
Anong gagawin ko? magulo na nga sa bahay, tpos dadalin ko pa parents ko sa school? Sinung dadalin ko? Yung kabit ng tatay ko? Arrggggghh! Nakakainis talagaaa..
Patuloy ako sa paglalakad na parang may sariling buhay ang mga paa ko, namalayan ko nlang na nasa harap na pala ako ng eskinita papasok sa sikretong lugar ko. Pagkapasok may nakita akong isang lalakeng nakahiga sa upuan ko, mukang natutulog yata.. hindi naman sya si man0ng nog, lalong dumilim ang pagiisip ko lalo na't malalaman m0ng may iba na palang nakakaalam ng private place mo, Tinitigan ko sya at parang ngaun ko lang sya nakita dito sa school, lalo ko pa syang hinagod ng tingin mula hanggang baba este paa. May kahabaan ang buhok, kayumanggi ang kulay nya at may kagwapuhang taglay pero walang ako pakielam kaya inilapit ko ang ulo ko sa tenga nya para sigawan sana nang bigla itong nagsalita..
"May balak ka bang halikan ako? O mas higit pa dun ang gusto mong gawin?"
Nagulat ako sa narinig ko, tinignan ko sya napakapikit parin pero biglaang dumilat, sabay bangon.
"Kung yun pala ang gusto mo? Hayaan mo namang gising ako para masaya."
Lalo akong nainis sa mga pinagsasabi nya, napakahangin ng lalaking ito at nakakasura sya.
"Lul!! Sino kaba? At bakit nandito ka sa lugar ko? Pwede kitang kasuhan ng tresspassing!" Sabi ko.
Tumawa sya ng malakas sabay sabing 'lugar mo? Pwede palang magkaron ng isang private place sa loob ng public school? Kung ganun, lugar ko narin to'
Sinagot ko sya nang, "alam mo kung sinu ka man, medyo hindi makapal ang mukha mo, at pwede ba wag ka ngang ngumiti ng ganyan! Konti nlang mabubura ko na yang mukha mo" saka ko sya nilayasan.
Jerry: i found this girl, too amusing. (Smirk)
.....
Yun ang unang pagkikita ng babaeng wala pang pangalan at ni jerry. Oo si jerry yung mahangin na boy. Malapit na magkakapangalan na yung girl. Hahaha xD
__The author
YOU ARE READING
DAPLIS(The place) to fall inLove
Romancemay mga lugar para sa lahat ng bagay. may lugar para magaral, magluto, magasawa at umibig. lahat yan may appropriate na lugar at kalalagyan. parang panahon, may panahon para magaral, magluto, magasawa at umibig. saan ba ang lugar para magaral? pwede...