Magiisang lingo na kami dito sa Baguio at dahil sa tamad kaming gumala sa umaga, sa Burnham at Camp John Hay palang ang napupuntahan namin. Pero halos napuntahan na namin lahat nang gimikan at resto bar dito. Mas gising pa nga ata kami sa gabi. Pero infairness ang hot ng mga tao dito kasing hot ng panahon ngayon, bakit kaya mas bet ko ang nature ng mga taga dito kesa sa Manila?
Tulad nalang yung mga engineers na nakilala namin sa 2600. Kapag talaga mga inhinyero bet na bet namin nila Karen at Anne eh.
Ang nangyare kase noong monday night, after naming kumain ng dinner, nagchill lang muna kami sa 2600 at napansin ni Anne ang apat na kalalakihan sa may bar na tingin ng tingin saamin. Aba expected na pagtitinginan kami sa ganda at alindog naming ito? Magka-alipunga ang aangal!
Ang apat na kalalakihan na yun ay nakiupo saamin, syempre dahil mabait kami pumayag na kami. Nagkakilalanan kami, nagkwentuhan, nagtawanan nang tumagal nang halos 2 oras...in short nakipaglandian na kami doon.
Wala namang masama kung lahat kami single eh. Sabi nga ni Karen, flirt all you want but only the singles are qualified. After sa 2600 umuwe na rin kami, nagoffer nga sila na ihatid nalang kami pero syempre maria clara kami kaya hindi kami pumayag. Feeling naman nila magpapatake-out kami sakanila. Play the game muna before the awarding.
Ngayon namang saturday night pupunta kami sa The Camp. Sabi ni Anne andoon daw yung Ampersand na hit club din sa mga college students dito. Kaya eto nagaayos na kami, pero kahit kelan talaga napakabagal nang dalawa kong kaibigan!
10:00 pm, The Camp.
This place is so nice, may dalawang restobar sa first floor, the second floor is where the Ampersand Club is located and there is also a rooftop restobar sa third floor called Hardin. We decided to drink muna dito sa Hardin because were still waiting for an unoccupied vip table sa club.
"Girls, wait lang tayo okay? I didn't expect kase na maooccupy agad yung mga VIP tables eh. Di rin ako aware na may event ngayon."
"It's okay Anne. Dont worry about it. And if wala man tayong vip table tonight, we can still try the regular tables. There's no harm in trying that right?"
"Oo nga naman. Palagi nalang tayong VIP. Try naman natin yung table-table lang. Malay mo mas madami palang cute boys doon? Ano ha? Naeexcite kana ba Day?"
"Shut up. Im not in the mood tonight"
"Oh why?"
"Are you still not over to the guy who push you to your code red?"
Naibaba ko ang glass ko. Argg! Panira ng mood talaga pag naaalala ko yun! Tapos tong dalawa na ito pa ang magpalaalala.
Bitches talaga.
"Bingo! Hahahaha!"
"Hahahaha!" Sabay silang tumawa nang makita na madilim ang mukha ko ngayon. Obvious na tama sila.And that hit the red button. Inirapan ko nalang sila. Langya tong dalawang to tinatawanan pa ako.
"What happen pa pala afterwards? Did he not asked for your number? Or kahit man lang binalikan ka sa restroom?"
"We're not in some kind of movie here Karen. And you still believe may ganung pang kalalakihan ngayon? Yung tipong babalikan ka at ibaba ang pride para humingi ng sorry sayo? Ang trend ngayon, pataasan na ng pride."
BINABASA MO ANG
Blockmates With Benefits
ChickLitNew update coming soon! (2022) Blockmate Series #1 Day Montehermosa, kinikilala siyang aphrodisiac sa sistema ng mga kalalakihan. Hilig lang naman niya ang isang laro...a game between any guy she had her eyes on. But this game only last for one nigh...