Sa rooftop ng GUSALI NG MATEMATIKA AT SIYENSYA laging tumatambay si KISLAP. Ito kasi ang pinakamataas na gusali sa ESCUELA at sa buong BAGUMBAYAN. Hindi to kasing taas ng mga gusali sa KANLURAN pero sapat na para makita mo ang maraming lugar, ang mga karagatan ng HILAGANG KANLURAN at HILAGA, ang mga palayan ng HILAGANG SILANGAN AT SILANGAN, ang mabundok na TIMOG SILANGAN at TIMOG, ang madilim na TIMOG KANLURAN at ang napakaunlad na KANLURAN. Sa mga panahon na nag-aaral siya ay dito na lamang siya lumalagi. Dito nakakaramdam sya ng kapayapaan at kapanatagan. Dito sya nagiging malaya.
"Marami bang lamok sa inyo?"
Nagulat si Kislap nang marinig nya ang nagsalita. Hindi niya inaasahan iyon dahil sa tagal na nyang tumatambay dito, ngayon lang nagkaroon ng ibang tao. Lumingon sya at nakita si ALAB. Mga dalawang araw nadin nang una syang pagtuunan ng pansin nito. Hindi nya alam ang gagawin o ang sasabihin.
"Bakit?"
"Nag-aalala lang ako, baka dahil sa lamok kaya nagkasakit ang nanay mo."
Hindi nakaimik si KISLAP. Bakit nga ba naman kasi biglang nagkaroon ng pag-aalala sa nanay nya si ALAB. Ano nga ba ang nakain ng taong ito at bigla na lamang syang kinakausap. Pero kahit na pigilan nya ay hindi maalis sa loob nya ang matuwa. Sa wakas may nakapansin nadin sa kanya sa eskwela.
"Subukan mo muna yung dahon ng tawa-tawa, baka kayanin pa. kapag hindi kailangan mon a talaga syang dalhin sa mga ospital sa KANLURAN."
"Sige susubukan ko"
"Maganda pala dito no? Madalas ka ba dito? Kitang-kita pala halos ang buong BALANGAY dito."
"Oo, maganda talaga dito. Tahimik saka malamig."
"Pwede bang tambayan ko nadin ito? Kailangan ko din kasi ng mapupuntahan na lugar kapag gusto kong mapayapa. Nakaka-stress din ang mag-aral di ba?"
"Ikaw mai-stress?"
"Oo naman ang hirap kaya, saka nga pala ikaw si KISLAP di ba? Ako nga pala si..."
"Ikaw si ALAB, ang susunod na PUNONG LIYAB!"
"Nakakahiya naman..."
"Sino ba naman kasing di nakakakilala sayo? Ikaw ang pinaka-sikat sa lahat dito."
"Nagkataon lang siguro."
Hindi na alam ni KISLAP kung ano ang sasabihin o kung ano ang gagawin. Nanlalamig ang buo nyang katawan kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag at nagtangkang umalis.
"Mauuna na ako, may kailangan pa akong gawin."
"Saglit lang, nagmamadali ka ba? Baka naman pwede mo akong samahan saglit. Gusto ko lang ng taong makikinig sa akin."
"Ganun ba? Sige pagbaba ko, tatawag ako ng mga taong pwedeng kumausap sa'yo. Ilan ba ang gusto mo?"
"Isa lang. Ikaw!"
Natigilan si KISLAP. Gustong-gusto nya na makausap at makasama si ALAB pero natatakot sya. Gusto nyang magsalita pero walang lumalabas na boses galling sa kanya. Gustong mapako ng kanyang mga paa upang huwag umalis ngunit pinilit nyang humakbang para makaalis na at matapos na ang kanyang hiya. Habang naglalakad sya papalayo ay narinig nya ang boses nito.
"Tatambay nadin ako dito ha? Maghihintay ako hanggang gusto mo nang making sa akin.Hihintayin kita dito."

BINABASA MO ANG
MUNISIPYO
RomanceSa tuwing mamamatay ang PINUNONG LIYAB ay kailangang mamili ng magiging bagong pinuno mula sa mga BAYANI ng mga bayan. SI KISLAP at ALAB ay manggagaling sa mgkalabang mga bayan. Sabay nilang haharapin ang mga pagsubok at matututunang magmahal. Ano...