Chapter 1

5 0 0
                                    

Tatlong taon na ang nakakalipas, simula ng kami ay magkakilala. Tandang tanda ko pa Abril 21 taon 2012 alas 8:34 ng gabi, kasama ko nun yung mga barkada ko, nung bigla siyang dumaan sa harap namin. Di ko siya nun pinansin, dahil di ko naman siya kilala.

"Oh my! Si Peter yun di ba?" sabi ng isa sa mga barkada ko.

Lumingon ako para tingnan siya. Tss yabang, matangkad lang naman. Sabi ko sa sarili ko. Ayoko kasi sa aura niya, ang yabang kayang lumakad. Pero dahil sa isa akong dakilang tsismosa, tinanong ko pa rin ang kaibigan ko kung sino ba siya.

"Sinong Peter? Yung naka violet na matangkad na mayabang? Pangit naman."

Tinawanan lang nila ako dahil sa mga sinabi ko. Wala naman akong pakialam dahil iba ang hinanap ng mga mata ko ng panahong iyon. Yung taong dahilan kung bakit ako pumunta sa event na yun.

"Hahaha. Gwapo naman si Peter ah? Tsaka di yun mayabang. Sikat kasi! Heartthrob kaya yun! Ang galing galing sumayaw. Sa tingin ko nga sasayaw sila mamaya eh." -tili ng kaibigan kong bakla.

Pake ko ba kung sasayaw sila mamaya? Si Dave lang ang gusto kong makita! Asan na kasi yun?

"Babae ka! Andun si Dave! Para kang giraffe dyan, maputol sana leeg mo!"

"Si Dave?! Asan? Tangna nyo naman! Bakit di niyo sinabi?!" di ko nalang pinansin ang panglalait nila dahil sa gusto kong makita si Dave.

"Ayooown 'teh! Kasama ni Fafa Peter!!"

Asdfghjkl. Tae. Fafa? Nakita ko nga si Dave, kasama si Yabang. So, magkaibigan pala sila?

"Matagal na silang magkaibigan, Ateng. Yung kilaaay mo oh!" Sabi ng isa sa mga barkada ko.

Ng biglang...

-------------

Feeling A/N

Alam kong di maganda, binasa mo siguro kasi akala mo. Sorry, pero di ako magaling magsulat eh. Pero itutuloy ko ang story na ito dahil gusto kong mabasa NIYA 'to. :)

✖Amarie✖

Para kay PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon