Right Here Waiting For You

4.7K 80 29
                                    

We were once happy...

We were once in love...

I was once his princess...

And he was once my prince...

All was like a fairytale...

That I thought will have a happy ending...

But I was wrong.

Anong nangyari?

Bakit siya nawala?

Bakit niya ako iniwan?

Sobrang saya pa namin noon. Sobrang mahal namin ang isa't isa.

Naalala ko yung unang araw na nagkita kami.

Flashback...

Pauwi na ako galing sa magiging school ko. First year college na ako sa pasukan and pumunta ako sa school para mag-enroll. Pumara na ako ng jeep at sumakay.

Magbabayad na sana ako sa driver kaya lang mukhang may problema. Nasaan yung wallet ko?!

*hanap*

Wala!

*hanap*

Wala pa rin!

Nasaan na yun? Alam ko nasa bag ko lang yun e. Huhuhu! Paano ako makakapagbayad sa driver niyan?

Mag 123 na lang kaya ako? Kaso tinignan ko yung driver sa rearview mirror ng jeep at nakita kong nakatingin siya sakin. Inaabangan siguro kung kailan ako magbabayad. Tss. Bakit naman kasi nawala yung wallet ko e.

Alam ko na.

*inhale* *exhale *

"Ah... kuya may 8 pesos ka ba?" tanong ko sa lalaking katabi ko sa jeep. Medyo mahina lang yung boses ko kasi baka marinig ng ibang pasahero. Nakakahiya.

"What?" sabi sa akin nung lalaki.

"Bingi ka, este kung may 8 pesos ka?" Pwe! Muntik na ko dun ah. Ang bingi niya kasi. Ang lapit lapit ko na nga sa kanya hindi niya pa rin narinig yung sinabi ko. Pero dahil ako ang may kailangan sa kanya, magpapakabait muna ako.

"Why? Bakit mo tinatanong kung may 8 pesos ako?"

"Nawawala kasi yung wallet ko. Wala akong pamasahe. Baka pwedeng pautang muna ng 8 pesos. Please."

"I don't know you so bakit kita papautangin?"

Tss. Hindi lang pala to bingi, masungit din. Madamot pa. Mukha naman siyang rich kid. Parang 8 pesos lang e.

Ayaw mo akong pautangin ha? Pwes makikita mo. Bwahahaha!

Hinintay ko kung kailan niya iaabot yung bayad niya. Magkasabay lang kaming sumakay kaya hindi pa rin siya nagbabayad. At nung iaabot na niya...

"Bayad." sabi nung lalaking katabi ko habang inaabot yung bayad niya sa driver.

"Babe! Bakit pang-isahan lang yung bayad mo? Dalawa tayo diba? Kulang yung bayad mo. DAGDAGAN MO PA NG 8 PESOS." sabi ko sa kanya. Nilakasan ko talaga yung pagkakasabi ko para marinig ng mga pasahero pati na rin ng driver.

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Ano ba yan babe! Napakakuripot mo talaga! Pamasahe lang sa jeep ayaw mo pa akong ilibre! Lagi ka na lang ganyan. Hmp!" nag cross arms ako at tumalikod sa kanya. Umarte na parang nagtatampong girlfriend.

Right Here Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon