[C: 16] Paghahanap

6.5K 90 7
                                    


[C: 16] Paghahanap


"Damn it! Damn it!" mura lang ako ng mura dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin mahanap si Gabriella. Tinawagan ko na din sina Tito at Tita pati na din ang parents ko at tumutulong na din sila sa akin pero kagaya ko ay hindi din nila mahanap si Gabriella. It's been one day at buong araw na kaming naghahanap kaso wala talaga.


Pinuntahan ko na ang resort pero wala na doon si Nicole, I already alerted the PNP and other Police section para hanapin sina Glen at Nicole. Dahil alam ko naman na sila lang ang gagawa nito at wala ng iba.


"Hijo, wala pa bang tumawag sa'yo?" tanong sa akin ni Daddy. Sasagot na sana ako kaso bigla na lamang may tumawag sa akin. Tinignan ko ito at halos mapuno ako sag alit ng makita kong si Nicole ang tumatawag sa akin.


"I'll just answer this dad" tumango naman si daddy at hinayaan na muna ako. Napapikit ako ng mariin bago sinagot ang tawag ng walang hiyang babaeng iyon.


"Where the hell is she?!" Asik ko pagkasagot ko sa tawag niya. Hindi ko na kayang timpiin ang galit ko, she just kidnapped my love of my life and I cannot afford to lose her.


"Oh, hi dear hubby. Gusto mo bang malaman kung nasaan ang asawa—I mean your mistress? Well to tell you, she's with me and now. She's asking for your help" Hindi ko naman kailangang paniwalaan nawala siyang ginagawang masama dito dahil alam ko naman na sa oras na ito ay maaring may ginawa na sila sa kanya.


"Damn!" nadinig ko siyang tumawa kaya napahigpit ang hawak ko sa telepono.


"Tell me, where the hell are you?!"


"Do you think that I will tell you? Of course not! Find it for yourself but II want to tell you that It's not my fault anymore if you cannot find her" napamura ako ng binaba na niya ang tawag. Konontact ko siya ulit pero wala na hindi ko na siya matawagan. Mura lang ako ng mura at lumapit kay daddy.


"What happened?" Tanong niya ng makitang nakakunot ang nook o. Napapikit ako ng mariin. I need to be strong especially when I know that they are in danger. Ang anak at ang magiging ina ng anak ko ang nasa kapahamakan.


"N-nicole got her" nanlaki ang mata ni daddy. I know why--- he know that Nicole is a psycho at alam naming pareho kung ano ang magagawa ng isang psycho.


"I will call the police" tumango na lamang ako at napa- upo. Pagod na ako pero hindi pwedeng hindi ko siya hanapin. Kasalanan ko ang lahat ng ito pero matagal ko na iyong binawi, mahal ko na siya eh pero bakit ganito? Gayong masaya na kami tsaka naman siya mawawala sa akin? Isn't it unfair?


"Son, be strong I know na mahahanap din natin sila. I already instructed them sa gagawin nila at iyon nga they already search for her tayo naman ay maghahanap din tayo okay?" Tumango ako at tumayo na. Gabriella's father is also with us though hindi siya tumitigil sa paghahanap sa anak niya. Of course, kahit na nagawa niya iyon ay hindi niya inakala na sa ganito tatakbo ang lahat. They don't have any idea why everything turns in this way.


"See you dad" paalam ko dito at agad na sumakay sa kotse ko. Hindi ko alam at wala akong idea kung saan niya maaring dalhin ang mag- ina ko but I am hell sure that I will find them even if that place is in the hell.


Nilibot ko na ang buong Manila, pero hindi ko parin mahanap. Gusto ng sumuko ng katawan ko pero ayaw ko dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nahahanap.


"Damn!" Muntik ko ng maibangga ang sasakyan ko sa isang kahoy buti na lamang ay napatigil ako. Tinignan ko ang phone ko at sinagot ang tawag ng makita kong tumatawag si daddy.


"Hello dad?"


"We find them" Tila ba bumalik ang lahat ng sigla na meron ako ng marinig ko iyon kahit na may lungkot sa boses ni daddy ay hindi ko na iyon ininda dahil ang importante ngayon ay mahanap ko siya.


Pinaharurot ko ang kotse papunta sa lugar na sinabi ni daddy. Habang nagmamaneho ay lagi kong dinadasal n asana ay okay lang ang mag- ina ko. It's already 5 in the afternoon kaya kahit ramdam ko na ang pagod ay pinagpatuloy ko na lamang.


Maraming pulis akong nadatnan ng makita ko na ang kotse nila daddy. Nandito na din sina tito at tita tsaka si mommy. Bumaba na ako ng kotse at doon ko nakita sina Nicole at Glen na nakaposas.


Agad kong sinuntok si Glen sa mukha ng makitang nakangisi siya.


"Where is she?!" galit na sigaw ko dito pero tanging ngisi lamang ang binigay niya sa akin.


"Son, calm down. May mga police na sa loob ng building at hinahanap na nila si Gabriella" tinignan ko si Nicole na nakatingin sa akin ngayon. Nilapitan ko ito at walang sabi- sabing sinampal, pinigilan naman ako ng ibang mga police na nandito.


"Bakit Nicole? Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka pero ngayon? Ito pa ang igaganti mo sa akin?! Fuck! Sana makulong ka na talaga!" halos lumuwa na ang ugat sa leeg ko sa galit ko sa kanilang dalawa pero wala parin, nakangiti lang ang dalawang nakatingin sa amin na tila ba ay masaya pa sila sa tagpong ito.


Tumalikod na ako upang puntahan si mommy na ngayon ay umiiyak na pero agad din akong napatigil ng magsalita si Nicole.


"Know what? Konting oras nalang sasabog na ang bomba na inilagay namin sa loob" nanlaki ang mata ko at nilingon sila, pero parang wala lang iyon sa kanila.


"Damn! Call the police to get out in that place" sigaw ng officer nila pero nanatiling nakapako lamang ako habang kaharap ko si Nicole at Glen, hindi ako makagalaw lalo na ng magsimulang mag count down si Glen.


"10..." panimula nito. salit- salitan lamang ang pagbibilang nilang dalawa na tila ginaganahan sa maaring mangyari sa lugar na ito.


"1..." At lalo akong nalumo ng nakita ko din kung paano silang dalawa umalis ng lugar ni hindi ko na sila napigilan dahil sa lakas ng pagsabog na narinig ko.


--**--

Alam ko na nasabi ko sa last update na babalik na tayo sa present pero naisip ko na iyong present scenario ay iyong pagkatapos na ng pagsabog kaya sa next update na lamang. Thanks. 

Tsaka isa pa, baka sa thrusday or saturday na ang update ko next week. Either one chapter or two per week. Depende lang iyon sa takbo ng utak ko lalo na pag inspired ako kaya sana ay hindi niyo makalimutang mag VOTE. COMMENT. and RECOMMEND. Thank you again sa inyong lahat na bumabasa nito. You keep on inspiring me to go on. 


Apprentice in Bed [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon