*Meeting Marry.
"Ammm... ah-ano kase..... UGHHHH!" ginulo ko ang buhok sa pag kainis. Anak kase ng pusang kinalbo na buntis. ewww san galing yun? =_=
Eh kase naman, nagdadalawang isip ako kung tama bang maniwala ako sa Bestfriend kong maluwag ang turnilyo sa utak.
"Sigirado ka ba na totoo yon?" tinaasan ko sya ng kilay habang hinihintay ang isasagot nya.
"Oo Sis!! Marami nang nagtry, tsaka lagi kayang trending sa tweeter si Marry!!!" kampante nitong sagot.
Mas lalo kong itinaas ang kanang kilay ko "eh ikaw ? Natry mo na ha?"
"Am-ano... Hindi pa! Pero-"
"Pero gusto mong itry ko muna bago mo subukan ha?" pagputol ko sa sinasabi nya.
"Eh kase eh... Wala namang masama kung itatry mo! Tsaka sino ba may problema sa pag ibig saten ha? ha? Ikaw lang naman ha!"
Andito na ako sa harap ng pader kung saan nakaipit ang sari saring sulat. Sa harap nito maraming benches at may iilang nakaupo. Pero kapansin pansin na puro babae lang ang dumudulog kay Marry, pero di maitatanggi na may iilang kalalakihan ang sumusubok na sumulat sa kanya.Si Marry, oo almost a month na syang trending sa tweeter at kung saan saan mang social networks. Si Marry ay walang pinagkaiba kay Papa Jack sa radyo, kay Marcelo sa novela at mga kwento nito o kahit kanino mang taong nag aadvice at tumatalakay sa kwentong pag-ibig.
Medyo iba nga lang kay Marry, kase walang nakakaalam kung sino ba sya. Madami ngang nagsasabi na isa lang talaga syang kongkretong pader na brokenhearted. LOL.
At dahil wasak na wasak ang puso ko ngayon, itatry ko.... "Wala namang masama eh"
Halos mapatalon ako sa isang lalaking nagsalita na nakaharap na din kay Marry na nakapikit pa habang hawak ang hawak hawak ang kanyang papel.
Medyo natawa ako sa ekspresyon nya, pero pinigilan ko since magkatabi lang talaga kame.
Yeah, wala namang masama.
Isinuot ko na ang papel na hawak hawak ko sa maliit espasyo ng pader.
"Nice meeting you Marry" nakangiti kong sambit saka umalis.
Ewan, mukha mang tanga pero tanga na talaga , nagpakatanga na ako. So bakit hindi ko pa sagarin? Wala akong pakelam kung may nakakita saken or what.
Tsaka habang sinusulat ko ang letter kay Marry gumaang ang pakiramdam ko. Sa pananaw ko kahit na hindi ako makakuha ng reply kay Marry ok na, masaya na ako. Atleast nailabas ko ang sama at hinanakit ng loob ko.
Si Marry ay walang pinag kaiba sa pelikulang "Letter's to Juliet". Parehong pareho ang istilo ng pagdunog at pagsagot sa mga tanong na tungkol sa pag-ibig. At sa pader din nilalagay ang mga letters. Minsan kong naisip na baka sa pelikula galing ang konseptong Marry. Ngunit nung chineck ko sa blog nito napag alaman ko na hango ang "Letter's to Juliet" kay Marry mismo. Yeah. Dito sa Pilipinas. Nakakapround nga eh.
Si Marry pala ay almost 200 years old na. Yeah, isang espanol daw ang nagpatayo ng pader na ito upang gawing libreng telegrama. Na kalaunay naging ganap na pasyalan. Nang namatay daw ang hindi kilalang espanol ang anak nito na hindi rin kilala ay sinubukang sagutin ang mga telegramang inilagay ng nga tao sa pader. At that's it. Everything now is a history. *slow clap*
Hmmm.. Sana talaga mabasa ni Marry yun! Excited nako!!!! Ngayon palang kumbinsido na ako na malulutas ang problema ko! Hayss... pang palakas loob =_=
Pasakay na sana ako ng taxi nang maagaw ang pansin ko sa isang lalaki na tumatakbo papalapit sa dereksyon ko.
"Misss!!" sigaw nito at tumigil sa harap ko na hingal na hingal pa mula sa pagkakatakbo.
"Hoo.. nakakapagod yun ah" sambit nya sa pagitan ng malalim nya paring paghinga. Nakahawak sya sa dibdib nya.
Ay tekaa.. Sya yung..
"Miss sa tingin ko sayo tong notebook na nakita ko sa upuan?" inabot nya sakin ang puting notebook at oo nga akin nga yun! Nako nako naman Francine napaka malilimutin mo talaga!
"T-thanks" nakangiti kong kinuha ang notebook ko sa mga kanay nya. Dahilan para mas maging malinaw sa akin ang presensya nya.
And what the effin hell! Nagyon ko lang narealized na napakagwapo ng lalaking ito. Brush up ang buhok na bagay na bagay sa mala Daniel Matsunaga nyang pagmumukha. At oo, kamukhang kamukha nya talaga si Daniel!! Shit! Pero medyo nagkulang lang sya sa height dahil ilang inch lang yata ang tangkad nya saken eh nakaflats pa ako.
Yung katawan nya oh shit! Humahapit ang nga muscles nya sa manipis nyang plain white shirt habang nakasoot sya ng..... ay oopsss jersy short?
"Hahahaaahahah" di ko napigilan ang tawa ko. Tae ang baduy!
Habang sinusubukan kong pigilan ang tawa ko napansin ko na nakatitig lang sya sa akin na suot suot ang wirdong pag titig sa mga mata ko.
Nakakunot ang noo nya at medyo bakataas ang kanang kilay nya na sobrang kapal, pero bagay sa kanya. Ooopss.
Teka nakamove on na ba ako sa bestfriend ko agad agad? Bakit ganito
ako makadescribe ng lalaki ngayon! Ammp ! Nope Loyal akooo!"AH! Am- ay sorry! btw salamat dito" itinaas ko ang notebook ko at kumindat.
"Wala yon." maikli nyang sagot saka umalis na sa harap ko.
Patay! Naofenned ko yata!! =_= Oh well its not my business at all.
Pero ang pogi nya talaga ah, di ko yun napansin nung nakatabi ko sya kanina sa harap ni Marry. Pero ughhh!
Ewan pero nag-eexpect ako na hindi yun ang huli naming pagkikita.
Well back to letter, ano kayang isasagot ni Marry? Kase kung sasabihin nya na aminin ko na kay Anthony ang feelings ko, paghahandaan ko na ngayun palang.
Ay wait! Bakit nga ba ako sumulat kung alam ko naman pala ang sagot? Timang lang ehno! pshhh.
Dear Marry,
Ako si Francine Montealegre, nais ko po sanang idulog sa inyo ang problema ko sa pag-ibig. May lihim na pagtingin po ako sa malapit kong kaibigan at kababata ko na hindi ko na ipapangalanan. Halos sampung taon ko na syang gusto at sa pagdaan ng panahon lumalalim ito. Sa kadahilanang lihim nga ang pagtingin ko sa kanya, palihim rin ang nasasaktan. May pagkakataon kase Marry na pakiramdam ko mahal nya rin ako, pero halos madalas na pagkakataon binabalewala nya lang ang nararamdaman ko. Minsan ko nang sinubukang aminin sa kanya, ngunit umuurong ang dila ko nawawala ako sa sistema ko. At sa pagkakataong ito mukhang imposible nang magkapag-asa ako sa kanya sa kadahilanang may mahal syang iba. Nagsisise ako na hindi ko sinabi sa kanya noon pa, noon pang wala pa syang ibang minamahal. Sa ngayon kahit may mahal syang iba hindi ko mapigilan sarili kong hindi umasa. Bakit pakiramdam ko mahal nya ako? Niloloko ko lang po ba ang sarili ko? Ano po ba ang totoo? Ang pakiramdam ko o ang nakikita ng mga mata ko? Naghihintay po ng kasagutan ang puso ko. Ipagpapasalamat ko po kung bibigyan nyo ng sagot ang mga tanong ko.
- Friendzoned.-------
≈DEAR MARRY≈
by: MadyosaDiwata.
AN///
Hellowsszz. My first story hihi. At dahil Fiction to iexpect nyo na ang mga bagay na sa kathang isip lang matatagpuan. HAHAHAHA. Talamatsss. :)