FOREVER

13 0 0
                                    


May FOREVER nga ba o wala ?

Minsan ko na ring natanong sa sarili ko yan.

Minsan nakong naniwala, minsan nakong umasa, minsan nakong naloko ng FOREVER na yan.

Ganyan naman talaga tayo diba ?

Kapag may lovelife ka, may FOREVER.

Kapag wala, nga-nga ! Isa ka sa mga "Bitter" na sumisigaw ng "Walang Forever".

Lahat tayo umaasa na sana mahanap na natin yung makakapagpatunay na may FOREVER talaga.

Akala ko nahanap ko na yung sakin.

Akala ko FOREVER na talaga kami.

Akala ko, akala ko. Akala ko lang pala.


Ako nga pala si Alyssa Flores. Isa sa mga naghihintay ng FOREVER. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Niel Gonzales. Transferee sya noon sa school namin. Aso't pusa kami nung una. Sigaw doon, sigaw dito. Asaran doon, asaran dito. Pero di ko akalain na tatablan kami ng kasabihan na, " The more you hate, the more you love." Hindi ko alam kung kailan nagsimula, saan, paano ako nagkagusto sakanya. Parang kailan lang nung inaasar nila kami na baka daw magkatuluyan daw kami. Sabay lang kami sasagot ng,

"in his/her dreams ! Ano sya ? Sinuswerte ?" saka kami tatawa.

Pero ginulo kami ng tadhana at unti- unting nagkalapit at naging close. Hanggang sa nagkaaminan , nagligawan, at naging kami. As the time goes by, we're very happy. Umabot kami ng first monthsarry,second, third hanggang sa mag anniversarry kami. Sabi nila habang tumatagal kayo sa isang relasyon, maraming pwedeng magbago.

Pwedeng magkasawaan, mapadalas yung away. Siguro nga may nagbago sa amin, pero in a better way. Mas minamahal namin ang isa't isa. Give and take kasi kami. Open pa sa isa't isa. Pero sa part ni Niel, medyo hindi. Dahil nasa ibang bansa yung family nya. Kaya di pa kami nakakapag usap ng personal. Through facebook lang.

Nung birthday nya, I decided na ako naman ang gagawa ng effort. I want to surprise him. Nagpatulong ako kina papa at sa mga kaibigan ko. I told them to help me  decorate his apartment Sinundo kasi ni Niel yung mama nya sa NAIA Airport. And it will took 5 hours before getting here. Kaya may enough time kami para magprepare.Nung natapos na kami. Nagpasalamat ako sakanila at hinintay yung text ni Niel kung malapit na sila dito. Di naman nagtagal nagtext na rin sya.

Papunta ako nun sa PARTAS para salubungin sila. Habang hinihintay sila,bigla kong nilabas yung regalo ko sakanya, isang bracelet. Na minsan na nyang sinangla noong anniversarry namin. Gusto kong ibalik sa kanya yung bracelet dahil importante sakanya yun. Kaya pinag ipunan ko tska ko tinubos. Kaya lang may biglang kumuha nung pinagipunan ko.

" Snatcher !! " sigaw ko.

Hindi ako nagdalawang isip na habulin yung snatcher na yun. Oo babae ako, pero wala akong pakialam. Basta ang gusto ko mahabol ko at makuha yung bagay na alam kong makapagpapasaya sa taong mahal ko. Pero siguro nga wala ng pas-asa dahil may sumalubong sa akin.

Isang malakas na busina at nakaramdam ako ng isang malakas na impact sa katawan ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay. Kasabay ng isang sigaw ng pangalan ko.

" Alyssa ! "

Nagising ako at nakitang inaabangan ng pamilya at mga kaibigan ko ang pagmulat ko. Wala si Niel. Tinanong ko kung nasaan si Niel. Pero di nila ako sinagot. Binalak kong tumayo pero nagulat ako sa nakita ko.

" P-paanong ? B-bakit ? A-anong nangyari ?! "naiiyak na ako ! Hindi to pwede !

" Pa, anong nangyari ! Bakit isa nalang paa ko ?! " humagulgol na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nahanap mo na ba si Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon