Pasasalamat (part two)

1.9K 31 2
                                    

Pasasalamat (part two)

Sa buhay natin, halos paulit-ulit lang ang nagaganap. Magkakaproblema ka, malulutas mo at di magtatagal ay magkakaproblema ka na naman. hindi naman natin maiiwasan ang problema storya ng buhay natin. Pero malulutas rin naman iyon diba?

Nagdesisyon ang barakada na lumabas with their kids. Well not really “lumabas” nasa garden lang sila ng resort nila Sath sa  Batangas, kung saan nag debut si Jersey at unang nagkita ang dalawa nung bumalik si Kevin mula sa Germany. Si Phoebe naman namangha dahil unang beses pa lang niyang nakapunta doon kahit matagal na silang magkakakilala.

7 years na ang lumipas simula noong nagkita sila sa kasal ni Icelle at Chris na ngayo’y may dalawang chikiting na. Si jersey naman  nanganak na rin noon kay baby Krishna na ilang mag-iisang taon na.

“Phoebe, Tara na!” tawag ni Kent kay Phoebe. Nakatayo pa rin kasi ito malapit sa entrance ng maze.

Nauna naman na ang iba, si Kevin at Jersey na lang ang natira kasama nila Kent.

“yaan mo pare, masyado atang naamaze sa maze,” biro ni Kevin kay Kent.

Si Kent ay good terms na rin samin. Medyo nagbago na rin ang pagiging masungit dhail sa mga kalokohan nila Kevin. Well, what can I say?  Oo nga pala, nandito si Jill! Pero si Ken, wala. Busy masyado sa trabaho nito.

“Kuya Kev naman eh!” nakapout na sabi ni Phoebe.

“What?” siniko ni Jeysey ang asawa. nagsisimula na naman kasi sa pagiging alaskador nito. Nakahawak sa kamay nito si Atom at si Jersey naman ang may karga kay Krishna.

Naglakad naman na papalapit si Phoebe papunta sa kanila at makapasok na sa mga kwartong nakareserba sa kanila.

***

“oh ano, Phoebe, do you like it here?” tanong ni Sath.

“yes Ate Sath. Ang ganda ng view at ng maze,” natawa naman ang barkada kay Phoebe. For some reason, ganun rin kasi sila noong una silang makapunta roon. Maganda naman kasi ang resort. Tanaw pa ang taal volcano.

“halata nga,” natatawang sabi ni Amae.

“nga pala, Phoebe, Kent, This is Jill,” pagpapakilala ni Jersey sa kaibigan, “she’s here for vacation only. Libre raw kasi.” Pinalo naman ni jill si Jersey sa braso nito. “ joke lang. she’s living in Australia. Doon din nakabase ang asawa nito. And obviously, wala dito. Busy kasi sa trabaho,”

“ito namang si Je, para mabuhay kami ng anak namin noh!” humarap si Jill kay Phoebe at Kent, “nice meeting you two. Don’t mind that girl. Tama naman ako diba?” saka ito nakipagshakehands sa dalawa.

“Wuuu! Nakahawak sa kamay ng artista si Jill!” sigaw na biro ni Keith.

Secretly Married + The Despicable Guy = MY FAVORITE! <3 (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon