Prologue

542 23 0
                                    

Prologue

Sorry


Akala ko siya na talaga 'yung makakasama ko habang buhay.

Akala ko siya na 'yung taong hinding hindi mananakit sa akin.

Akala ko siya na 'yung taong magpaparamdam sa akin ng kasiyahan.

Akala ko siya na 'yung magbabago sa mga maling prinsipyo ko sa buhay.


Ngunit lahat ng 'yon ay... akala ko lang.


Alam kong sa simula pa lang ay hindi ko na siya makakasama habang buhay dahil marami na ang mga tumututol sa relasyon naming dalawa. Sa sobrang dami ay hindi ko na nabilang.


Alam kong imposibleng hindi niya ako masaktan o hindi ko siya masaktan. Sino ang hindi masasaktan kapag nagmamahal? Kakambal ng pagmamahal ang masaktan.


Alam ko ring hindi lang puro kasiyahan ang mararamdaman ko kapag kasama ko siya dahil hindi lang naman kasiyahan ang nararamdaman natin. Kahit ayaw nating malungkot... malulungkot pa rin tayo kapag may mga bagay nang nakasakit sa atin.


Alam ko na rin na hindi niya na mababago ang mga maling prinsipyo sa buhay ko dahil una sa lahat, hindi naman siya nagtagal sa buhay ko at pagalawa, isa siya sa mga maling prinsipyo ko sa buhay.


Akala ko talaga siya na 'yung tama para sa akin... hanggang akala lang pala.


He was my Romeo but I was never his Juliet.



SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon