Chaepter 1
•••••••••••••••
"We're going to perform."
Nakuha ang atensyon namin sa teacher na nasa harap. Nasa club room kami dahil sabi may meeting daw ang Glee club.
"Our school volunteered to perform para sa nasalanta ng bagyo. Kayo ang napili since yung nga, magagaling kayong kumanta't sumayaw."
Tiningnan niya kami as if naghihintay ng sagot namin. Lumingon ako at hinanap ang bestfriend ko. Nahuli niya kong nakatingin sa kanya kaya nag thumbs up siya.
"Mag ready kayo dahil we only have one week to practice. So, that's all."
Lumabas na siya at iniwan kami sa loob ng room. Maraming nag ingay at nagdaldalan pagkalabas ng teacher.
Pinuntahan ko si Jarred sa pwesto niya at ang gago, ngiting aso habang hawak ang cellphone. Tumingala siya sa akin at tinapik ang tabi niya, senyas na umupo ako doon.
"Juls." pagtawag niya sa akin.
"It's Julianne."
"Whatever."
"Problema mo?" tanong ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.
"Diba magkaibigan kayo ni Loren?" Napalingon ako sa kanya. Anong meron? "Marami ka bang alam tungkol sa kanya?"
"Wala. Hindi naman kami nakakapag usap ng personalan."
"Huwag mo kong ululin, dude."
"Wala nga! Kulit naman nito. Kung may tanong ka edi sa kanya mo itanong!" sigaw ko sa nya.
"Galit ka na nyan?" mapang-asar na sabi niya habang sinusundot yung pisngi ko.
"Gago." mura ko sa kanya. "Tabi nga!" saka ko hinawi ko yung kamay niya at tumayo.
Papalabas na ako ng room pero rinig ko parin yung boses niya. Hmmp! Bahala siya sa buhay niya.
"Juls!"
Nyenye.
"Julianne!"
Hindi ko siya nilingon at nagtuloy tuloy lang ako. Naisipan kong pumunta sa cafeteria dahil gutom na ako. Nasa counter na ako at mag oorder na sana nang may naunang magsalita sa akin.
"Ate, isang order nga ng carbonara at pineapple juice. Thanks." inabot niya yung bayad sa babae at tumingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ba't ka nandito?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya yung inorder niya at hinila ako papunta sa may table. Sapilitan niy akong pinaupo.
"Bitaw nga! Di pa ako nag oorder!"
Di niya ko pinansin. Nilapit niya sa akin yung inorder niya.
Tiningnan ko siya na nagtataka saka nagtanong, "Gagawin ko dito?"
"Titigan mo baka sakaling maubos." pabalang niyang sagot. Aba't! Babatukan ko na sana siya kaya lang hinarang niya agad yung kamay ko.
"Joke lang."
Hindi ako umimik.
"Sorry na." paghingi niya ng tawad.
"Sorry din." biglang sabi ko.
"Ha? Bakit?" tanong niya.
"Naasar ako nang dahil lang don. Ang babaw ko." kinagat ko yung labi ko at umiwas ng tingin.
Narinig ko siyang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Kita na nagso-sorry ako dito tas tatawanan ako. Ang gago talaga.
"Eto na, titigil na. Magagalit ka nanaman eh." sabi niya nang makitang masama ang tingin ko.
"Pero seryoso, okay lang. Sanay na ako. Para saan pa na bestfriend kita, diba?"
ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
"Ano ba! Huwag mo nga guluhin yung buhok ko. Tss." inis na sabi ko sa kanya. Inayos ko yung nagulo kong buhok at tiningnan ulit siya ng masama.
"Arte mo, Juls. Kainin mo na yang carbonara mo." Aba't!
Hindi ko na siya pinansin sa pang- aasar niya. Nilamutak ko nalang yung pagkain ko. Shet! Heaven!
On the way kami papunta sa club room namin. Pagkadating namin, nakita ko si Loren na nasa tapat ng club room namin. Mabilis kaming lumapit sa kanya.
"Hi, Loren." agad na bati ni Jarred.
"Hi, Jarred." bati niya pabalik.
Tumikhim ako. Binalingan ako ni Loren.
"Hi din sayo, Julianne."
Ngumiti ka, Julianne. Ngumiti ka. "Hello."
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jarred. Mukha siyang aso dahil ngiting ngiti siya.
Ba't pa ba ko nagtataka eh alam ko namang may gusto siya kay Loren. At ano bang pake mo, Juls- este Julianne?
"Si Ms. Asuncion kasi. She wants me to join the Glee club. She accidentaly heard me singing sa may CR, sabi niya may potential daw ako." she explained.
"So, anong desisyon mo?" tanong ulit ni Jarred. He seems excited dahil sa sinabi ni Loren.
"Well, I want to join Glee club." she smiled.
•••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Puzzled Love
Teen FictionYou're my bestfriend. You're my soulmate. You're the only person in the world who knows me better than anyone else. You are somone who makes me a better person. No, actually you don't make me a better person. I do that by myself because you inspire...