Chapter 2

33 2 0
                                    


Chapter 2

•••••••••••••••

"Aaaah! Shit talaga! Shit! Shit" malakas na sigaw ko.

Inis! Nakakainis! Hanggang ngayon di parin ako maka-move on sa nangyari. Ba't ba kasi siya sumali. Hindi naman siya kailangan!

Bwisit lang.

Sumigaw ulit ako ng malakas. Wala akong pakialam kung magreklamo mga kapitbahay namin.

"Julianne! Tone down your voice!"

Oh shit. Andyan pala si kuya.

Mabilis ako pumunta sa pinto para buksan ito. Pababa ng hagdan si kuya Adrian nang tinawag ko siya. O ha! Ang gwapo ng pangalan.

"Kuya Adrian!" tumakbo ako papunta sa kanya.

"What?"

"Ang sungit." ngumuso ako saka ngumiti. "Namiss kita!"

"Shut up, Julianne. Don't act as if I live far away from you." masungit niyang sagot. Nilamukos niya yung mukha ko gamit ang kanyang kamay.

"Minsan na nga lang maging sweet, panira ka pa."

"Bumalik kana don sa hawla mo at manahimik." utos niya na nakataas ang kilay.

Tatalikod na ulit sana siya nang pinigilan ko siya.

"Si Mommy?" tanong ko.

"Shopping." sagot niya.

"Wala siyang kasama? Si dad?"

Tiningnan niya ako as if may nasabi akong mali. Tinanong ko lang naman kung nasan si dad- oh.

"Sorry. I forgot."

Hindi na siya sumagot. Mabilis siya tumalikod at lumayas sa harapan ko.

Pagpasok ko, saktong nag-beep yung phone ko. Chineck ko kung ano, notification lang pala na nag message si Jarred sa Facebook.

Jarred Montano sent you a message.

Jarred: Hoy Hernandez, ang ingay mo. Rinig na rinig ko dito yung sigaw mo. Lema?

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kanina sa school. Che!

Ma-replayan nga.

Julianne: Paki you? Ang late ha. Kanina pa yun, ngayon ka lang nagreklamo. Hanep sa late reaction.

Jarred: Ang sama mo talaga.

Jarred: Gala tayo.

Julianne: Hapon na.

Seen 5:26pm

Watdapak?! Anong karapatan niyang i-seen ako?

Hinintay ko siyang magreply pero pucha wala parin. 1 minuto... 3 minuto... 5 minuto. Walanghiya yun. Humanda talaga siya sa kin-

"Hoy, Juls! Bago ka lumabas, magbihis ka muna ng maayos!"

Rinig ko yung sigaw ni Jarred sa labas ng kwarto ko habang kinakatok katok niya yung pinto.

Tiningnan ko yung suot ko. Naka V-neck shirt lang ako saka sweatpants. Maayos naman.

"Ikaw pumasok dito!" sigaw ko ulit.

Wala pang isang segundo, agad na pumasok ang gago. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung sapatos ko sa may shoe rack at pwersahang sinuot sa akin.

"San lakad?" tanong ko habang hinahanap yung wallet ko.

"Gagala nga." sagot naman niya.

Nakita ko siyang pumunta sa may walk-in closet ko. Bumalik siyang hawak-hawak yung oversized sweatshirt ko. Binati niya ito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puzzled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon