Here goes nothingguys! Enjoy sa mga makakabasa. :)
-------------------------
CHAPTER 7
KATH’S POV
Dahil Monday ngayon, ibig sabihin Hello, school kami ngayon at Goodbye, weekend. Huhuhu nakakatamad pa kayang pumasok. :D
Pagkatapos ng mga nangyari kahapon, parang ayoko na ulit pumasok sa school. XD Pero syempre, kailangan no. Bawal ang tatamad tamad sa school. J
“DJ. Gising na huy. May pasok tayo ngayon. Bangon na dyan.”
“Hmmm…”
Aba! Tinalikuran lang ako. >.<
Bumangon na ako at pumunta dun sa side kung saan humarap si Daniel.
Tinapat ko yung mukha ko sa mukha nya. Hihipan ko na lang yung mukha nya para magising sya. Hehehe. Ops, wag kayong mag-alala. Hindi naman ako bad breath eh. >:D
Hihipan ko n asana yung ilong nya nang bigla syang dumilat.
Nagkatitigan tuloy kami.
Oo, alam kong gwapo ang bestfriend ko. At madalas ko naming nakikita ang pagmumukha nya sa malapitan. Pero parang iba yung titig nya ngayon kaya napatitig na rin ako.
Napansin ko na naman ang kagwapuhan nya. Medyo nakatakip yung konting buhok nya sa mukha nya. Pero kita pa rin naman yung itsura nya. Makapal yung kilay nya, pero gwapong pagkakapal. Pati yung mga pilik mata, ang kakapal din at ang hahaba. Yung ilong naman nya, ang tangos. Tapos yung mga labi nya, kissable lips sya, amp! Kung di ko lang ‘to bestfriend baka matagal ko na syang hinalikan.
Ay shete. Nakatitig pa din pala kami sa isa’t isa. Nakakahiya. >///////< Pero di ko maalis yung tingin ko sa mga mata nya.
“Huy, Kath. Ang aga aga tinutunaw mo ko.”
*lub dub. lub dub.
Napatayo naman ako agad nung marinig ko yung sinabi nya at yung tibok ng puso ko. Bakit naman kasi bigla bigla na lang bumilis yung tibok nito? Asar. >__<
“B-bumangon ka na nga d-dyan. Baka malate pa tayo dahil sa’yo.” Sinungitan ko na lang sya para hindi nya mahalata yung pagkautal ko.
“Oo na. Babangon na po.”
Bumangon naman sya pagkasabi nya nun.
Sa wakas ay kumalma na yung heartbeat ko. Bumalik na sya sa normal nyang bilis. Haayy. -_- Baka naman nagkakaron na ko ng sakit sa puso. Makapagpacheck up nga next time.
“Ako muna maliligo. Pagkatapos ko ikaw na. Sa labas na lang tayo magbreakfast. Drive thru na lang” sabi ko kay Daniel na ngayon ay nag-uunat ng katawan.
“Okay. Bilisan mo. Nagugutom na ko eh”
“Oo na. Dyan ka lang.”
Natapos na kong maligo. Sumunod naman sya.
At heto kami ngayon sa kotse nya nagdadrive papunta sa Starbucks. May madadaanan kasi kami nun papunta sa school.
“Ako na mag-oorder. Ano sa’yo?” tanong ni DJ.
“Kung ano na lang sa’yo.” Lagi kong sagot sa kanya. Ewan ko ba bakit tinatanong nya pa din yan. Hahaha. XD
Lumabas na sya ng kotse nya. After ilang minuter lang nakabalik na sya.
Kumakain ako habang nagdadrive sya.

BINABASA MO ANG
The Casanova's Bestfriend (KathNiel)
Teen FictionBestfriend ko sya. Bestfriend nya ko. We were bestfriends for how many years. Pero bigla na lang nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Sya rin kaya? Can we take our feelings for each other to the next level? O hanggang magbestfriends na lang talaga kam...