Hindi Pa Pala [One Shot Story]

505 27 12
                                    

Property of © ForgetMyNameParis

 

No part of this book can be transmitted nor recorded by any means without the permission of the Author.

 

 

---------------------------------------------

 

All rights reserved 2013

 

---------------------------------------------

Unang araw ng klase, uwian na pero sayo parin ako nakatingin. Siguro talagang miss lang kita kaya ganun.. Dalawang taon na ang lumipas kaya siguro’y ngayong nakita na kita ulit ay hindi ko na ma-ialis ang tingin ko sa iyo.

2 years. 2 years na walang pagkikitang naganap o kahit anong kumunikasyon. Ang hirap nun, ni walang minuto, oras o kahit araw na hindi ka sumagi sa isip ko.

 

 

Kumain ka na ba? Natutulog ka na ba? Iniisip mo rin kaya ako? Yan ang mga tanong na gusto kong itanong sayo, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala tayong komunikasyon sa isa’t isa.

Nakikipag-usap ka sa mga kaibigan mo dun sa gazebo ngayon.. Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?

 

 

Mukhang mula dito ay di mo ko nakikita. Masayang masaya ka habang nakikipagtawanan sakanila eh.

Ako naman, nakatayo lang sa di kalayuan. Siguro di mo nakita ang pangalan ko sa list of sections kanina. Oo tama, bakit mo nga ba hahanapin ang pangalan ko? Hindi ba?

Maya maya nagsialisan na rin ang mga kaibigan mong mga babae sa may gazebo. “Bye bye sa inyo! Ingat sa pag-uwi!” Narinig kong sigaw mo dun sa mga kaibigan mo, lumingon lang sila atsaka ngumiti tapos ay umalis na.

Maya maya ay napatingin ka sa direksyon kung nasan ako, nakita mo ako at nagulat. Hindi mo siguro akalain na lumipat ako sa eskwelahan kung saan ka nag-aaral, hindi ba?

 

Kahit nga ako ay nagulat dahil hindi ko akalain na mapapatingin ka pala sa direksyon kung nasaan ako. Pero agad mo ring pinalitan ang pagkagulat mo ng isang ngiti. Ang ngiti na laging nagpapatigil ng oras ko. Hindi ka ba nagsasawang gawin yun ng paulit ulit sa harapan ko?


Nagising nalang ako sa katotohanan ng mapansin kong papalapit ka na sa akin na suot suot ang bag mo. “Uy Patrick! Dito ka na pala nag-aaral?” Masaya mong sabi habang nakatingin sa akin.

“Oo taba, dito na ako mag-aaral!” Sabay gulo ng buhok mo habang tumatawa. Masaya akong sawakas ay nakausap na rin kita. Ikaw din ba?

 

“Heh! Tigilan mo yung paggulo mo sa buhok ko! Di porket malaki ka eh ganyan ka dapat!” Natatawa mong sabi sa akin sapay tapik sa kamay kong gumugulo sa buhok mo.

“Bakit ba? Ang saya kaya! Try mo minsan!” Natatawa kong sabi sayo. Di ko akalain na masaya kang nakikita mo ako at inaasar kita. Sana ganto nalang palagi.

“Bwisit ka talaga eh no? Tara na nga! Hatid mo ‘ko.” Tapos ay hinila mo na ako papaalis.

“Osige tara!” Pagkasabi ko nun ay binitawan mo na ako sa pagkakahawak sa kamay ko. Tapos ay umiiwas ka ng tingin sa akin. Namumula ka ba?

 

 

Maya maya ay parang di ka na namumula tapos tumingin nalang sa dinadaanan natin. Medyo mahaba haba rin kasi yung lalakarin natin papuntang gate eh.

“Pat, thank you ha?” sabi mo sakin habang nakatingin lang sa daan. “Huh? Para san Georgina?” Tanong ko sayo kasi hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin.

“Kasi di ko inexpect na lilipat ka pala dito, kung alam mo lang kung gano ako kasaya ngayon.” Hindi ko na narinig yung mga huli mong sinabi dahil sobrang hina na nun. Habang sinasabi mo yun ay napapangiti ka. Ayan ka nanaman. Di mo ba alam na pinapaasa mo ako sa pagngiti mo?

 

 Pero bat mo nga ba i-eexpect na lilipat ako? Diba? “Bakit naman?” Yan nalang ang nasabi ko sayo. Baka kasi wala naman akong karapatang magtanong.

“Eh kasi..” Tapos ay huminto ka at tumingin sa akin. Huminto na rin ako. “Ang alam ko kasi wala kang dahilan para lumipat dito.” Sabi mo sa akin sa malungkot na ekspresyon.

 “Ahh.” Tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sumunod ka nalang din. Ano nga ba ang dapat kong sabihin? Wala naman diba? 

  “Paano ba malalaman kung torpe sayo yung isang lalake?” Out of the blue mong tanong sakin. Saang lupalop mo naman yan nakuha, ha?    

“Paglagi daw nakatingin sayo yung lalake, paglagi siyang nagpapapansin, may times na sweet siya sayo. Mga ganun..” Tapos ay tumingin ako sayo. “Bakit? May pinaghihinalaan ka ba?” Tanong ko sayo.  

Baka kasi napaghihinalaan mo na akong may gusto sayo. Dati kasi araw araw akong nagpapansin sayo tapos minsan binabanatan pa kita ng pabiro.    

Tumingin ka rin saakin. “Naranasan mo na ba iyon?” Pag-iiba mo ng topic. Napabuntong hininga nalang ako. “Minsan.” Napakunot naman agad ang noo mo. “Huh? Panong minsan?”    

Napaisip rin ako.. Kahit ako hindi ko alam kung paano intindihin ang salitang minsan. Isang beses sa isang linggo? Paano nga ba?  

“Kasi..” Tapos ay tumingin ako sa langit “Pagkasama ko siya.. Mahal na mahal ko siya.. Pero nung nawala siya ng dalawang taon sa buhay ko, akala ko nakalimutan ko na siya..” Tapos ay tumingin na ako sayo..    


“Hindi pa pala.”

“Alam mo, may gusto akong tao.. At sa tingin ko, gusto niya rin ako.” Habang sinasabi mo yun ay nakatingin ka lang sa daan pero napapangiti ka. 

“Sino naman?”

“Ikaw.” Tapos ay tumingin ka sa akin at ngumiti.


Hindi Pa Pala [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon