"Sometimes, the hardest person to get over is the person you never had."
Nandito ako ngayon sa park. Bumabalik sa akin ang nakaraan.
Naaalala ko ang nakakasilaw niyang ngiti, nakakatunaw na tingin at ang napakaganda niyang boses. Nakakainlove ang boses niya, nakikiliti ang tenga ko tuwing bubulungan niya ako. Di ko naman mapigilang maramdaman ang mga "chills" sa likod ko. Ibig sabihin pala nun ay mahal ko na siya.
Mahal ko siya. Pero best friends lang dapat kami.
Dahil nga lagi kaming magkasama, umasa ako. Akala ko pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Hindi pala. Akala ko lang pala iyon.
Inamin ko sa kanya, lumayo siya. Ganito pala ang pakiramdam ng narereject ka ng taong mahal mo. At ang mas malala, nag-assume ka na mahal ka rin niya kaya doble ang sakit.
"Mahal kita, pero di sa paraang gusto mo. Sorry."
Iyan ang sinabi niya sa akin. Niyakap niya ako pagkatapos. Di ko alam kung magiging masaya ako kasi magkayakap kami o malulungkot dahil di niya ako kayang mahalin. Mas pinili ng puso ko ang maging malungkot. Di ko namalayan na umiiyak pala ako. Nang naramdaman niya na umiiyak ako, bumitaw siya sa pagkakayakap. Imbes na punasan niya ang aking mga luha, alam niyo ginawa niya? He traced the tears from my eyes hanggang sa chin ko. Natawa naman ako sa ginawa niya.
"Huwag ka na umiyak. Tahan na. :)"
Tumango na lang ako at niyakap ko ulit siya.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, di na ulit siya nagparamdam. Lagi na lang ako nagkukulong sa kwarto. Wala na yung mga good morning texts galing sa kanya. Di niya na rin ako pinapansin sa school. Di na kami sabay maglunch. May iba na siyang kasamang babae. Girlfriend niya na pala yun. Di niya man lang sinabi sa akin na may nililigawan na siya. Best friend ako, diba? Ay, ex-best friend pala. Haha, ang cliché, ano?
Nagparamdam ulit siya noong graduation ko sa college. 25 years old na ako naka-graduate kasi nagdoktor ako.
Alam niyo kung bakit siya nagpakita sa akin?
Kasi napagtanto niya na mahal niya rin pala ako?
Nope. Binigay niya sa akin ang isang parang card na maganda ang pagkadisenyo. Wedding Invitation pala iyon. Ikakasal na siya. Sa dalawang linggo ang kasal niya. Gusto ko umiyak kasi wala man lang ako nagawa para mapasakin siya, kaso di pwede yun. Kailangan ko ipakita na sinusuportahan ko ang best friend ko. At nagawa ko naman yun ng maayos.
"Ikakasal ka na?! Ohmygosh, binata ka na best friend!!!"
"Oh siya, may mga imbitation pa akong kailangan ipadala eh. Sige, see you na lang sa kasal! :)"
Nang makaalis na siya, napansin ko na ang lungkot ng tingin ng mga magulang ko. Alam kasi nila ang nangyari sa akin dati.
"Ayos ka lang ba, anak?"
"Opo naman! Ma, cum laude ako oh! Sino ba hindi matutuwa dun, diba?"
"Hindi, anak. Tungkol sa kanya."
"Ma, wala na akong gusto sa kanya, ok? Tara na nga, gusto ko na matikman ang kare-kare mo!"
Nandito ako ngayon sa park. Ngayon ang araw ng kasal niya.
"Sige, see you na lang sa kasal! :)"
Dito na lang ako, kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan kami nagkakilala. Kung saan kami naging magkaibigan. Kung saan kami naging magbestfriends. Kung saan ako umamin ng pag-ibig ko. Kung saan natapos ang lahat.
Wala akong magagawa eh, mahal ko siya. Pero best friends lang dapat kami.
BINABASA MO ANG
Getting Over Him (One-Shot)
Roman pour AdolescentsMahirap din magmahal sa taong kahit kailan ay di ka kayang mahalin pabalik.