SOPHIA'S POV:
"AAAAY!" Buti nalang at nasalo niya ang lalake.
"TANYA TULUNGAN MO KO!" sigaw ko kay Tanya.
"Sino ba yan?" tanong ni Tanya sa akin.
Binuhat namin papuntang sala ang lalake. Ang bigat ha!
"May sugat ang lalake Sophia!" sabi ni Tanya. Kinuha ko ang first aid kit sa may kusina.
"Tanya tulungan mo kong hubarin ang pantalon nya." sabi ko.
"AYOKO NGA." pasigaw na sabi ni Tanya.
"ANO KA BA TANYA, NATUTULOG NA ANG MGA KAPITBAHAY NATIN. Huhubaran lang naman natin sya ng pantalon hindi naman natin sya rereypin! " sigaw ko sa kanya.
"Wala ka namang kapitbahay Sophia. Bakit pa kasi dito ka tumira, pwede ka naman doon sa bayan. At san naman tayo kukuha ng damit para sa kanya aber?" tanong ni Tanya sakin.
"May damit pa namang luma si Tatay jan, pwede na yan." sagot ko.
"Sige, kukunin ko lang." Tumango lang ako.
Sinimulan ko ng gamutin ang sugat niya. Ang lalim naman ng sugat nya. San ba nya to nakuha? Haaaay. Nang matapos na niya ang pag gamot sa sugat ng lalake ay kumuha siya ng bimpo at maligamgam na tubig.
Sinimulan nyang punasan ang mukha ng lalake. WAAAAAAAAAAAAAAAH! Ang gwapo naman neto. JACKPOT ata ako ha. HAHAHAHA! Ang haba ng mga pilikmata nya, ang tulis ng ilong nya at ang kanyang mapupulang la---
"HOY SOPHIA! ANONG GINAGAWA MO DYAN? WAG MONG SABIHING PINAPAPANTASYAHAN MO YANG LALAKENG YAN?" sigaw ni Tanya sa akin.
"Hindi noh. Tinitingnan ko lang sya." sabi ko.
"HAAAAY. Ewan ko sayo. Oh, eto na ang damit nya."sabay bigay ng damit sa akin at lumakad papalayo sa akin.
"WAG MONG TINGNAN MASYADO HA! BAKA MATUNAW. HAHAHAHA!" pahabol na sabi nya.
"EWAN KO SAYO TANYA! MATULOG KA NA NGA LANG DYAN." sagot ko sa kanya.
LANCE'S POV:
*TOKTOKAOK!* (manok po yan!)
Aaaaaargh! Ano ba yan? Ang ingay!
"MANAAAAAAAAAAAANG! ANO BANG INGAY YAN?" sigaw ko kay manang Linda.
*TOKTOKAOK* Patuloy pa rin sa pag-ingay ang manok.
"MANANG LINDA! ANO BA YAN? KE AGA-AGA ANG INGAY NA!" patuloy pa rin ako sa pag sigaw. Pero parang wala namang sumasagot sa kanya. Asan ba si Manang Linda?
Minulat ko ang aking mata. Nipa na bubong? Hindi naman nipa ang bubong namin ah. Asan ako?
Umupo ako ng diretso. Hindi ito ang bahay namin. Nasan ang mga damit ko kagabi? Anong oras na ba? Nasaan na sila Kris--
"Magandang umaga! Ayos ka na ba?" tanong ng babaeng kakapasok pa lang.
"Oo, salamat. Ano pala ang nangyari sa akin kagabi? Bat ako nandito?" tanong ko sa kanya.
"Ah, yun ba. Kasi kagabi kumakatok ka sa pintuan at bumagsak ka. Buti nalang at nasalo kita. Tapos nakita kong may sugat ka kaya ginamot ko na rin. Yung mga damit mo naman ay nilabhan ko na kannina kasi puno ng dugo kaya yan muna ang pinasuot ko sayo."
"Ahh." yun lang ang nasagot ko.
"Gutom ka na ba? Halika na, sabay na tayo kumain." aya nya sa akin.
Pa ika-ika akong lumakad papuntang kusina. Umupo ako paharap sa kanya.
"Kape at pandesal lang ang pagkain natin kasi hindi pa ako nakakapamalengke." mahinang sabi niya.
"Okay lang." sabi ko
At nagpatuloy na akong kumain.
