SOPHIA'S POV:
Haaaaaaay. Natapos na rin sa paglalaba. Makakain na nga. Teka lang, gising na kaya ang lalake? Mapuntahan nga. Pag akyat ko sa taas ay nakita ko syang nakaupo sa kama.
"Magandang umaga! Ayos ka na ba?" masiglang tanong ko sa kanya.
"Oo, salamat. Ano pala ang nangyari sa akin kagabi? Bat ako nandito?" tanong nya sakin.
"Ah, yun ba. Kasi kagabi kumakatok ka sa pintuan at bumagsak ka. Buti nalang at nasalo kita. Tapos nakita kong may sugat ka kaya ginamot ko na rin. Yung mga damit mo naman ay nilabhan ko na kannina kasi puno ng dugo kaya yan muna ang pinasuot ko sayo."
"Ahh." yun lang ang sinagot nya.
"Gutom ka na ba? Halika na, sabay na tayo kumain." aya ko sa akin.
Pa ika-ika syang lumakad papuntang kusina. Umupo sya paharap sa akin.
"Kape at pandesal lang ang pagkain natin kasi hindi pa ako nakakapamalengke." mahinang sabi ko.
"Okay lang." sabi nya.
Hmmmp. Hindi man lang nag pasalamat sa pag-aalaga ko sakanya.
Nagpatuloy nalang akong kumain.
Di ko talaga maiwasang hindi sya tingnan. Ang GWAPO GWAPO talaga nya! At kahit suot nya ang lumang damit ni Itay, gwapo pa rin sya! HAAAAAAAAAAY! SALAMAT SA REGALO NAY TAY. HIHIHI.
"May dumi ba ang mukha ko?" tanong ng lalake sa kanya.
"A-Ahh, w-wala." malapit na tayong mabuking don ah.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" pag-iiba ko ng tanong.
"Lance."
"Ahh. Ako nga pala si Sophia." your pyutur GIRLFRIEND. HIHIHI
"Ahh." Yun lang? Ang sungit naman.
Pasalamat ka at GWAPO ka kung hindi, nakooooooooo.