Chapter 1~ Mr.Stranger

38 2 0
                                    

Chapter 1 ~ Mr.Stranger

*alarm clock rings*

o.-

-.o

-.-

"urggg." anong oras na ba???

*tingin sa alarm clock*

O.O

"what?!?! 10:30 na?!?! kailangan ko pang pumunta sa school!!!" sabi ko sabay takbo sa CR. naligo ako. as in super bilis ko nga naligo eh!! 5 min tapos na ako! oh ha!! bilis ko noh!! syempre ako pa!! hehe XD tapos kumain ako ng isang pandesal tapos syempre nag toothbrush!! hehe XD

hellloooo!! Goodmorning everyone!! nagtataka siguro kayo kung bakit 10:30 pasok ko noh?? well sa totoo nyan wala pa kaming pasok eh. kailangan ko lang kunin yung UPCAT form 2 ko sa school. kailangan ko kasi yun para sa entrance. kung hindi niyo pa yan naranasan, for sure mararanasan niyo din yan!! hayz. nakakapagod na talaga!! di pa nga nag sisimula yung klase pero naiistress na ako.

"ummm. miss pwede ko na po ba makuha yung form 2 ko??" tanong ko sa registar sabay abot ng proof na bayad na ako ng 90 pesos para sa form 2.

"miss pasign na lang dito"

"okay miss" sabi ko tapos sabay sign dun sa tinuro sa akin ni miss

"thank you miss. sealed ko lang ito. hintay ka lang muna dyan" ayun!! naglaho na yung kausap ko. hayz. nakakastress na talaga toh!! buti na lang walang ibang istudyante dito kundi ako. so yun! umupo muna ako sa upuan dun.

"hayz" I sighed then run my fingers through my hair. nosebleed! umeenglish na ako!! wahaha XD

"woah!! gumaganon ka na pala Ms.Smith? hahaha" huh?? sino yun??? tumingin tingin ako sa paligid ko pero wala naman akong makitang tao except dun sa taong naka jacket tapos naka cap pa. weird...

"Ms.Smith nandito ako" biglang tinanggal nung lalaking nakajacket yung cap niya. wait. dito ba siya nag aaral sa Melodia?!?!?! O.O hala!! patay!! nakita niya ata yung action ko kanina!!! yung alam niyo na!! yung pag sighed at pag takbo ng mga fingers ko sa buhok ko!! eh kasi naman eh!! kilala nila kasi ako bilang isang happy go luck girl!! pero sa totoo lang hindi naman ako yung klaseng tao na always positive yung iniisip. actually puro negative nga yung iniisip ko eh. kaya nga nakakapag taka na tingin nila sa akin na ganun ako. so yun!! naki go with the flow na lang ako. weird ba?? eh weird ako eh XD wahaha. ang gulo ko noh??? :D

"hello?? hehe. sino ka po??" tanong ko dun sa lalaki. shocks!! ang gwapo!! para siyang anghel!! hala hala hala!! kung anu-ano na pinag iisip ko!! >.<

"ayy. di mo ako kilala??" sabi niya. hala!! bakit parang gulat na gulat siya?? close ba kami?? kilala ko ba siya?? malamang hindi, kaya mo nga tinatanong Lyssa di ba?? hayz. di talaga ako nag iisip....

"umm. sorry. hindi ata eh. hehehe" sabi ko sabay bow. alam niyo yun?? yung mga nasa k-drama?? nag bobow sila pag nag sosorry. hehe XD

"ayy. oo nga pala. ako si umm. basta!! tawagin mo na lang muna akong Mr.Stranger. I'm a transferee here at Melodia Academy" ehhhh. bakit Mr.Stranger?? wait bago lang siya??

" huh?? transferee ka dito?? ehhh. pano mo ako nakilala??" ehhh kasi naman eh. kung kakalipat niya lang dito, edi pano niya ako nakilala?? di naman ako sikat sa school. I mean kilala naman nila ako pero di ako yung sikat.

Make Me SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon