AARONSPOV
Bwiset talaga! Bwiset! Bakit ba kailangan naming hanapin yang miguel na yan! E hindi naman namin kaano ano yan!"Faith! Kuhanin mo nga yung cellphone ko sa drawer"sabi ko
"Aba? Sino ka?"tanong nya
"Hindi ako sinuka!"sigaw ko
"Binge ng ugok na to!"sigaw nya
"Aba ako pa ang binge at ugok!" Sigaw ko
"Hooooy! Puta naman! Hindi ko marinig yung tv sa kaingayan nyong dalawa!"sigaw ni jolo
"Ano nanamang gulo nyo?!"sigaw ni ella
"Eto kaseng dalawang to! Ang iingay taga bundok ata!"sigaw ni jolo
"nakakahiya naman sa unggoy na kagaya mo!"sigaw ni faith
"Anong sabi mo!!!!"sigaw ni jolo
"Sabi ko,! May paradahan ng binge bukas! Sumama ka!"sigaw ni faith sabay alis
"Yang kapatid mo talaga,may sapak!"sabi ni jolo saakin
"Hahaha! Masanay kana!"sabi ko
"KIAN KIAN!"sigaw ni janiel na hindi maintindihan ang mukha.
"Hoy neil! Bakit ganyan na lang mukha mo?"tanong ko
"Asan si kian?"tanong ni janiel
"O bakit?"tanong ni kian
"Ilipat nyo sa balita! Bilis!"sigaw ni janiel.nataranta naman si jolo kaya bigla nyang nilipat sa balita
News:
"Mga pasahero sa eroplano patay matapos maganap ang aksidenteng pagsabog nito""Diba ngayon dapat ang uwi ng lolo mo..kian?"tanong ko.
"O....o"sabi ni kian
"Mga nakasama sa aksidente"
"Francis casabuena"
"Marie de guzman"
"Aries pena"
"Diego mendoza"
"Nancy dimaculangan"
"Christian cruz"
"Antony Fernandez""Nang marinig namin ang "antony Fernandez" bilang pinatay ni kian ang tv
KIAN'SPOV
hindi ako makaimik at lalong hindi makapaniwala sa news.ang lolo ko? Kasama sa aksidente..lumabas ako ng bahayBakit? Bakit ang lolo ko pa? Nangako pa sya na babalikan nya kami pagkatapos nyang asikasuhin ang trabaho nya sa italy.pero? Wala na sya..nagumpisang tumulo ang mga luha ko
Ngayon nalang uli ako umiyak..ang huling iyak ko kasi,nung nalaman ko na patay na ang nanay ko..:(.bakit? Ganito ba ako kamalas? Una si mama sunod si lolo:( bakit ang mga mahal ko sa buhay ang namamatay.wala naman silang ginagawang masama:("Kian?"lumingon ako,si janell pala
Tumabi sya saakin"Alam kong emosyonal ka dahil sa nangyare.."
"Magisa na lang ako"
"Hindi yan totoo kian..hindi ka nagiisa.nandito pa ang papa mo.kami..hindi ka namin iiwan"tumingin ako sa kanya..ang bait pala nito? pero dedma na!
Niyakap ko sya
