Chapter [1]: After months

31K 739 56
                                    

Chapter [1]: After months

Abigail's POV

After months. Ito! Okay pa naman. Hindi na nga lang kami masyado nagkakasama simula nung umalis si Pauline. Siguro, makukumpleto lang kami nila Cleofe at Cassandra kapag tatawag si Pauline via skype. Ayaw kasi ni Pauline na hindi kami makita sa iisang screen. Gano'n lang siguro! Kami naman ni Jin. Ito going strong and I wish. Magtuloy-tuloy na. Hindi ko ata kakayanin kapag nag-hiwalay kami. Sa dami ba naman naming pinagdaanan sapat na siguro yun para maging kami na talaga. Si Justine naman ay lumipad muna sa Italy kasama si Eunice. Well, mabuti na yun para sa kanya. Ito na nga! College na kami. Mas busy, mas stressful. Kinuha kong course ay Fashion designing. Feeling ko yun yung specialization ko. Bumuntong hininga ako. Namimiss ko na yung dati. Yung happy-happy lang. Namimiss ko na din si Pauline.

"Okay ka lang Bhie?" Tanong ni Jin. Magkasama kami ngayon dito sa bahay. Wala ang parents ko. Nasa states. Oops! H'wag kayong mag-isip ng masama. Mababait ata kami!

"Oo bhie. Namimiss ko lang yung dati." sabi ko.

"Hays! Mababalik din yun. Malay mo." sabi nito.

"Oo nga pala bhie. Malapit na ang pasukan nanaman. Ilang linggo nalang pasukan na ulit." sabi ko.

"Gusto mo ba sabay na tayo bumili ng gamit?" tanong nito.

"Oh sige ba! Basta libre mo." sabi ko. Kinurot naman nya ako sa pisngi.

"'Yan. D'yan ka magaling! Sa libre. Ikaw talaga." kiniliti niya ako sa leeg.

"ANO BA! BHIEEEEE. HAHAHAHA! AYAW KO NA!" Sigaw ko.

"Teka bhie. May tumatawag!" Sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

"Epal naman yan," ngumuso siya. Tampo nito.

"Baliw. Malay mo si Mommy to! Pagsasabihan nanaman tayo na ayaw ko pa magka-apo. Hahahaha!" Biro ko dito.

"Kahit kailan si Mommy." Sabi ni Jin. Nakiki-mommy na din po siya sa Mommy ko.

"Hello?"

"Hello Abby! Si Cassy ito! Hahahaha"

"Napatawag ka!" Sabi ko.

"Ayaw mo ata e. Hahahaha! Well, napatawag lang ako para sabihin na kailan ka mag-eenroll?"

"Ay. Siguro next week! Aayusin ko lang yung mga requirements." Sabi ko.

"Oh sige. Sabay-sabay na lang tayo ah!"

"Sure." Sabi ko.

"Sige. Ba-bye."

Natapos ang tawag. Napa buntong hininga ako. May napansin kayo? Oo. Gano'n nalang kami mag-usap. Parang may iba 'no? Parang nawala yung closeness niyo noon. Nakakalungkot nga e.

"Sino yun bhie?" Tanong ni Jin.

"Si Cassy! Nagtanong lang kung kelan tayo mag-eenroll." Sagot ko.

"Bakit sasabay siya?" Tanong nito.

"Oo daw. Kailan nga ba enrollan?" Tanong ko.

"Wait. Tingnan ko sa forum bhie." Sabi nito.

Inopen naman namin ang Forum ng school na papasukan namin. Balak kasi namin mag-aral sa Saint Harvest University. Yung University ng school namin dati.

"Good for us bhie." Sabi nito.

"Bakit bhie?" Tanong ko.

"Open na raw ang enrollment pero bukas punta na tayo sa school muna para sa requirement." Sabi nito.

CCPP TWO: TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon