Chapter [35]: Chasing Game

8.1K 168 60
                                    

Happy Anniversary! :*

Chapter [35]: Chasing Game

Justine's POV

Maaga akong nagising. Kaya naman napag-isipan kong dumaan mamaya sa isang flower shop para bilhan si Pauline ng bulaklak. I know, hindi siya mahilig doon. Mas gusto niyang makasama ang isang tao kesa sa mga binibigay na materyales. But, I'm courting her right? I know that this is just a game for her. Pero okay lang, at least may communication kaming dalawa. Hindi iyong dinadaan-daanan ako.

"Knock, knock."

Napatingin ako sa aking pintuan nang may kumatok. It's Eunice. Yeah. We live in together. Gusto kong sa bahay umuwi ngunit pinapalayas ako ng aking ama. Anong klase daw akong boyfriend at daddy sa dinadala niya? My father doesn't know that I'm not the father of her child. Pinapaikot niya ang tatay ko sa mga kasinungalingan niya. I'd have nothing to do. Naaawa ako para sa kaniya. How could that bastard did this to her?

"Breakfast is ready." Then she smiled.

I just nodded at her. Isinara naman niya ang pintuan ko. Everytime when I looked at her I'm trying my fucking best to fall inlove with her...again. But I guess, feelings really changes. Bumuntong hininga ako at kinuha ko ang aking towel para makaligo.

Wala akong nararamdaman kay Eunice kundi puro awa, at pagmamahal bilang isang kaibigan. She need me right now. Kaya naman kahit anong kagustuhan kong iwanan siya dito sa condo at bumalik sa amin kung saan kasama ko ang pinsan kong si Yunna. Hindi ko magawa. Dahil iniisip ko baka mamaya isang araw maisip niyang tapusin ang buhay niya. Walang kahit sinong may gusto sa nangyari sa kaniya. And I'm very very concern to her as her brother and ex-lover.

Lumabas naman na ako ng kwarto at nakita ko siyang nag-aayos ng hapag-kainan. Nagtungo naman ako agad doon at naupo. Umupo din naman siya sa harap ko at sinalinan ako ng kanin sa aking pinggan.

"Thank you."

Ngumiti naman siya sa akin. "Mukhang may lakad ka mamaya a,"

"Yep."

Tumango-tango naman siya.

"Yeah, I can see that Justine. Are you with Pauline?"

"Yeah, maybe? I don't know."

Hinawakan ko naman ang dalawang kurbyertos na nakalagay sa gilid ng pinggan ko. Tahimik naman siyang ganon din ang ginawa. Alam kong gusto niyang sumama kung nasaan man ako pero ayaw ko siyang payagan. She's pregnant. Kahit na di niya gusto iyon. May buhay sa sinapupunan niya.

"Don't forget to text me."

Tumango na lamang ako.

Nang matapos kaming dalawa kumain ay bumalik na ako sa kwarto at nag-sapatos. Nakita ko namang dumaan si Eunice sa aking pintuan at naka-uniform ng pang-laboratory sa Hrm. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto saka isinara ang pintuan.

"Are you going to use your car?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Are you sure? You can stay with me."

"How about after class?"

Napatango naman ako at natahimik. Oo nga pala. May lakad nga pala ako. Gusto ko mang isabay siya ngunit paano naman mamaya kapag pauwi na? Nag-iisip ako nang paraan ngunit hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Okay lang. Sige na, sasabay na ako sayo." Sabi niya at binuksan ang front seat ng aking sasakyan.

Sumunod naman ako sa kaniya. Pinihit ko ang makina at minaneho ang papuntang school. Habang nasa byahe ay tahimik kaming dalawa. Dahil may pinagtalunan kami noong nakaraang araw. Hindi na ako yung taong pinapalaki yung gulo. Natuto na ata talaga ako. Kaya kung ano man ang nangyari noon sa classroom ay kinalimutan ko na lang.

CCPP TWO: TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon