#3: Camera

742 15 1
                                    

Hello mga tao! Andito nanaman ako, ang pinakaechusera at feelingerang writer sa balat ng watty world, well this is a real story shared by my Classmate Ate Maddy (hindi tunay na pangalan) base 'to sa experience ng kuya at bunso niyang kapatid. Thank you ate! God bless! o((*^▽^*))o

- - - - -
Mahalaga ang camera sa atin. Dahil sa tulong ng bagay na ito naca-capture natin ang mga 'Memorable Moments' natin sa ating buhay.

Ngunit..

Aakalain mo bang ang 'Camera' ay magiging daan upang makakita ng kaluluwang ligaw?

-----
Ilang taon na ang nakakalipas ng maganap ang pangyayaring ito sa kuya at sa bunsong kapatid ni Ate Maddy na itatago na lamang natin sa pangalang Kuya Johnson at Fernand.

Gabi na noon at nasa kwarto ang magkapatid na si Johnson at Fernand.
Nakaupo si Johnson sa kama, samantalang si Fernand naman ay nakahiga sa tabi ni Johnson at mahimbing na itong natutulog.

Sinimulang tingnan ni Johnson ang bagong biling camera sa kaniya ng kanilang magulang.

"Ayos pala 'tong camera na binili nila mama sa akin ang linaw!" Masiglang sabi ni Johnson at nagpicture-picture daw ito.

Sinubukan ni Johnson na izoom in and out ang camera at natuwa siya pagkat malinaw pa rin ito.

Tumalikod siya sa kapatid.

Habang nagkukutingting si Johnson sa kaniyang camera ay nakita niya raw si Fernand na humakbang sa kaniyang paanan upang  bumaba sa kama at umupo daw ito sa harap ng camera at walang emosyong tiningnan daw siya nito.

"Aist! Fernand naman alis diyan magpipicture ako!" Bulalas ni Johnson at pilit na pinapaalis si Fernand.

Bigla namang nakarinig ng ungol si Johnson sa kaniyang tabihan.

"Hmm.. Bakit kuya? Natutulog ako dito ang ingay mo!" Sabi ni Fernand na nasa kaniyang tabi.

Nilingon ni Johnson ang kapatid at napagtanto niyang nasa tabi parin pala niya si Fernand. Binalot ng takot ang buong katawan ni Johnson.

"Hi-hindi ka ba umalis diyan?" Tanong ni Johnson sa kapatid.

"Tsk. Oo bat ba ako aalis dito aish! Bahala ka nga diyan!" Yamot na wika ni Fernand at tinalikuran niya si Johnson.

Bumilis ang tibok ng puso ni Johnson, nilapag na raw nito ang hawak na camera sa lamesang katabi ng kanilang kama at nahiga sa tabi ng kapatid.

Hindi siya pwedeng magkamali..
Doppelganger ng kapatid niya ang nakita niya sa kaniyang camera.

--------

Tagalog Horror Stories II: The Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon