Nakakatakot!!
Napaupo na lang ako habang umiiyak, nakatakip mga kamay ko sa tenga ko, ayoko na talaga dito. Please!
"Ynna!" May lalaking hinawakan ang braso ko, tas bigla na lang akong hinatak, my gosh! The who?!!
Nagtago kami sa may pader nakayakap sya sakin para di kami makita, may naghahanap padin samin eh.
"Hanapin nyo sya ngayon, dalian nyo na, di dapat makatakas yun!" Sabi nang isang lalaki na super panget and mataba, ito atang savior ko ang tinutukoy nya. Kinacarer ang savior nuh? Eh nakatatakot naman kasi!
"Tama na, wag ka ng umiyak" binigyan nya ko ng handkerchief, pagkatapos kong kunin handkerchief nya, tumingala ako.
Fudge, super gwapo nya, aaaaah! Nakakatunaw mga titig nya. Omo!! Aish! Tama na nga, ngayon pa ko lumalandi eh hahaha.
"sa-salamat pala" yumuko ulit ako pagkasabi ko sakanya, nakakatunaw kaya titig nya swear!!
"Sa susunod kasi wag ka ng uupo lang, tumakbo ka, yan tuloy muntik ka ng mapahamak." Salamat na nga diba, may attitude din pala to! Che!
"I'm Viniel, and you?" Ah, medyo pamilyar yung name but parang banal yung name nya hahaha. Makadiyos ang parents hahaha
"I'm ynna, thank you ulit. Sige aalis na ko bye!" Kumaway ako sakanya, tas sumakay na ko, nakita ko na kasi ang car namin, buti nga lang hindi si dad sumundo sakin, kung sya lagot na naman ako dun.
* sa bahay *
Sino kaya yun? Viniel?
Actually may nababanggit kasi samin si kate, kaya lang nakalimutan ko na eh, sorna, makakalimutin lang haha"Tok! Tok! Tok!" May kumatok sa pintuan.
"Sino yan?" Nakahiga ako sa kama, nakakatamad kaya tumayo para buksan,
"Ahm ma'am ynna kakain na po, hinihintay na po kayo ng parents nyo" ay oo nga pala, family dinner namin ngayon. Kasi naman eh masyadong pre-occupied ang isip ko dahil sa nangyari kanina.
"Yeah! Susunod na ko" tas nagbihis na ko, bumaba na din ako kaagad, baka mabungangaan pa ko ni dad eh.
Pagkaupo ko sa dining room.
"Who's that boy a while ago?" Hala!! Ano daw? Nakakainis naman si manong driver oh, nagsumbong pa na may kasama ko kaninang lalaki. Tsk."Nothing dad" tipid ko sagot kay daddy, kasi naman eh, hanggang school ang dami kong stalker / tagamasid ni dad. Hayst, para talaga kong grade 1 neto, nakakairita. Kaya ayaw na ayaw ko sa bahay eh.
Mabuti na lang tapos na kong kumain, nagpaalam na din ako kila dad para makatulog na ko. Hayst, ang dami kong ikekwento sa tatlong mga panget kong kaibigan! Gusto ko ng pumasok!
- - - - - -
Yes! Umaga na, wala na ulit ako sa bahay na to. HAHAHAHA *evil laugh*
Naligo na ko, tas nag umagahan, pagkatapos kong magumagahan nagpahatid na ko kay manong driver, duuh. Daily routine ko kaya to. Hayst
*at school*
Nakita ko agad si alyzza sa bench na pinagtatambayan naming apat, buti na lang maaga din sya, my gosh! ayoko kayang maging loner duuh!
"Alyzza!" Sigaw ko sakanya sabay kaway. Kumaway din sya sakin
"Oh bat ang aga mo ata?" Tanong nya sakin, para talaga tong aning, di naman ako laging nalelate eh. Hayst
"Naku may ikekwento ako sainyo waaaaah!! Tungkol kahapon hahaha" sabi ko sakanya with malawak na ngiti hahaha"Talaga lang ah?! Naku!! Lumalablayp ata si ynna. Hahaha" tas nakipag apir sakin.
"Hoy! Sino ang lumalablayp ah?" Sigaw samin ni jane. Naku nasa likod na pala namin si jane mukhang narinig pinaguusapan namin.