Chapter 54

29 2 0
                                    

Brace POV

9 months na kami ni Jefryn and until now secret pa rin iyon. Morning ngayon at inaasahan ko na magtetext nanaman yung girlfriend kong si Jefryn.

Wala pa siyang text kanina ko pa siya hinihintay magtext eh. Maligo nga muna.

Katatapos ko lang maligo ayon morning routine ang inaatupag ko ligo, kain, punta sa sala, nood tv..

Pumasok si Mama sa kwarto namin. SAGLIT?!? Yung cellphone ko andun.

Pagpasok sa kwarto namin , hindi na ako kumatok katok agad kong binuksan yung pinto at bumungad sa akin si Mama hawak hawak yung cellphone ko at may ini-i-scroll. Naguat siya at tumingin sa akin.

"Brace ano to?" Mama.

"Y-yung a-ano po?"

"Girlfriend mo ba to? Si Jefryn Girlfriend mo?" Sumigaw si Mama kaya ayon naging center of attention kami ng bahay pumunta pati yung mga kapatid ko sa kwarto pati si Dada pumunta sa kwarto at nag-uusisa pa.

"Anong nangyayari dito?" Sabi ni Dada.

Pinalayo muna nila ate Kim yubg mga kapatid ko. At ayon, tatlo na lang kaming nandito sa kwarto .

"Hiwalayan mo siya kung di mawawala kami ng pamilya mo sayo.!"

"Pumili ka? Pamilya mo o yung babaeng iyon?"

Mga katagang naiwan sa isipan ko.

Hihiwalayan ko si Jefryn? Anong dahilan? Bakit ngayon pa? Anong dahilan ni Mama?

Hindi ko alam kung anong gagawin, ni hindi nga ako nakapagsalita habang sinasabi ni Mama yung mga katagang yun. Anong rason niya bakit niya kami pinaghihiwalay? Give me a sign lord.

Andito ako ngayon sa kwarto hours na rin ang nakalipas ng mangyari iyon, humiga ako, tumingin sa kisame, huminga ng malalim, at kasabay sa paghinga ko ang pagtulo ng luha ko.

"Lord! Bakit ganon?" Sabi ko sa hangin.

"Paano ako makikipaghiwalay?"

Hindi! No. Hindi ako makikipaghiwalay, kailangan ipaglaban ko si Jefryn.

**

Andit ako ngayon sa labas, nakatingin sa kalangitaan, naghahanap ng sign. Ganun pa rin tumutulo pa rin yung luha ko, ewan ko hindi ko kase mapigilan yung tubig sa mata ko eh.

Biglang may tumapik sa balikat ko "Anak? Okay ka lang ba?" Lumingon ako sa likod at nakita ko si Dada.

"Da, bakit ganon? Bakit anong rason ni Mama? Bakit kailangan mangyari iyon?" Tulo ng tulo yung luha ko. Para na akong batang umiiyak dito.

"Anak, sundin mo na lang ang sasabihin ng Mama mo. Alam mo naman yun." Dada

"Hindi da, mali po kase e."

"Gustong mo bang kausapin Mama mo?" Dada

"Opo da."

Niyaya niya akong pumunta sa kwarto nila para makausap ko si Mama.Oo, kinakabahan ako pero nawawala na iyon at napapalitan ng lakas ng loob.

"Ma, gusto kang kausapin ni Pot." Tumango lang naman si Mama sabay labas na rin ni Dada.

"M-ma?" Shemay! Wag kang umiyak brace.

"M-ma? Bakit?" Sabi ko.

"Anak! Isipin mo nga. Isipin mo yung career mo. And see you are only 15 years old. Ano nalang sasabihin ng mga fans mo, pag nalaman nila na may girlfriend ka, at ang girlfriend mo pa ay isang fan mo? MAGISIP KA NGA POT??!?"

"Pero ma mahal ko naman po siya eh! At 9 months naman na po kami." Medyo lumalakas lakas na yung boses ko.

"9 MONTHS BRACE?!?! 9 MONTHS KA NA RING MAY TINATAGO SA PAMILYA MO? Kinakaya mo ba yun? Dahil sa isang babae natuto kang magsinungaling ng ganyan katagal? 15 years old ka pa lang at sa ganong edad, hindi ka pa pwedeng mag ka gf. Hiwalayan mo na siya!!!" Mamam

"Ma naman! FOR GOD SAKE, mahal ko siya. At ganon nalang iyon? Hihiwalayan ko siya tapos ano? Walang dahilan."

"Malalaman mo rin ang rason sa tamang panahon. For now, makipaghiwalay ka na sa kanya." Sabi ni Mama at dinugtungan niya pa. "Kung hindi mo siya hihiwalayan mawawala kaming pamilya mo." Tumaas na ulit yung boses ni Mama.
"Within this week kailangan makapag decide ka na. At sa Sabado pupnta ka sa Subic , makikipagkita ka sa kanya, at MAKIKIPAGHIWALAY KA. Tandaan mo pamilya mo ang mawawala!!"

Hindi ko na talaga kaya. Sobra sobra na. Hihiwalayan ko siya ng walang dahilan. Buhay naman.... feeling ko pinapatay na ako...

••••••••

Alma's POV  ( Brace Mom )

Gusto ko man sabihin sa anak ko kung anong dahilan, pero hindi talaga pwede eh. Malalaman niya na lang to sa darating na mga panahon.

Oo, malayo pa naman ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya. Pero sa akin, mas mainam na, na ngayon palang makikipaghiwalay na siya.

Nallungkot ako sa anak ko. Dahil alam kong nasasaktan ko na siya pero it is for his future, a better future.

-----////-------

Author:

Sorry guys ginawa kong masama si Tita Alma. Sorry!

A Dream That Will Never Happen || Brace Arquiza & Joaquin ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon