chapter: pangalawang pagkikita(part 11)

17 4 0
                                    

Marga ano naman yang tinawanan mo dyan ha?ako ba ang pinagtawanan mo? Malakas na pagkasabi niya na nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanyang kapatid.

Napailing lang ito sabay sabi.. hindi ah..bakit masama bang tumawa ngayon? Nakangising sagot nito sa kanya na lumingon sa kabila para hindi siya mahalata..

Magsasalita na sana si zel nang lumabas si aling lordes na dala ang tray kaya agad lumapit si kenth kay aling lordes.

Manang ako na po ang magdala niyan..sabi niya nito at kaagad naman binigay ni aling lordes kay kenth ang dala niyang tray..salamat ijo..ilagay mo nalang dun sa labas ha? Sila tristan na mag ayos basta ilapag mo lang dun..sabi ni aling lordes sa kanya. Tumango lang si kenth kay aling lordes.

Bago humakbang si kenth nilingonan niya si zelea at kinindatan niya ito.. una na ako sa inyo girls.

Sige po pogi susunod lang kami ni ate tutulongan lang namin si aling lordes..nakangiting sabi ni marga kay kenth.

Sige,dahan dahan lang pagdadala ng tray miss masungit ha baka mahulog mo yung pagkain.. nakangising sabi nito kay zel.. oh siya mauna na ako..

Lalong napatawa si marga sa sinabi ni kenth sa kanyang ate zel niya..

Hahahaha... nakakatawa no? Tumawa ng piki si zel na nakatingin kay marga.

At naglakad si zel at tinungo niya ang kusina kong saan bising bisi na naglalagay si aling lordes ng pagkain sa bowl..nilapitan niya ito..

Aling lordes sino ba yung impaktong lalaki na yun?tanong niya kay aling lordes na napatigil sa paglalagay ng pgkain

Ha?sinong impakto ba yang tinutukoy mo zel?naguguluhang tanong ni aling lordes sa kanya.

Ah..ehh.. este yung lalaki po kanina aling lordes,nahihiyang sabi niya.

Ahh..yun ba siya yung tinukoy ko sayo kanina zel.. mabait yun.. proud na sabi ni aling lordes.

Oo,mabait naman si mr. Pogi ate.. pag iinterrupt na sabi ni marga sa kanila.

Hahaha,yun mukhang bang mabait yun?lol..napataas ang boses nito kaya lalong nagulat si aling lordes sa ikinilos ni zel ngayon.

Parang galit ka ata dun kay kenth zel.?sabi ni aling lordes kay zel.

Ako,hindi po ah.. pagsisinungaling na sabi niya..

Naku,zel baka sa huli mag iba na yang nararamdaman mo niyan para kay kenth ang galit sa puso mo naku sa huli... paalalang sabi aling lordes kay zel..

Hindi po yun mangyayari aling lordes..sabi niya dito.

Haaay.. naku ate wag kang magsalita na hindi tapos.. diba tama po ako aling lordes?nilingonan ni marga si aling lordes na tumatango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Tama ang kapatid mo zel..hindi mo pa kasi nakilala nang husto si kenth..

Mama,asan na po yung pagkain malakas na tawag ni joan sa kanyang mama..

Oo andyan na..sige zel tulongan mo ako na dalhin ko ito sa labas ha?pakikiusap na sabi ni aling lordes sa dalawa.

Naku,hindi na kailangan pang pakiusapan kami aling lordes kasi andito kami upang tulongan ka namin..sabi ni marga kay aling lordes at kinuha niya ang ibang bowl na may lamang pagkain bitbit niya ito at lumabas sa kusina at tinungo niya kong saan naghihintay ang tatlo

Oh,andyan na pala si ate marga.. kuya tristan tulongan mo naman si ate marga para ka naman hindi gentlemen dyan ah... pakonsensyang sabi ni joan sa kanyang kapatid.

Tsss...oo na tutulongan ko si marj.. tumayo si tristan at nilapitan niya si marga na nahihirapan bitbitin ang dalawang bowl..akin na yan marj. Bakit ba kasi ito pa yung pinili mo.. sabi ni tristan na may halong pag alala sa kaibigan niya.

Dami mo pang sinabi dyan.. ano kaya kong tulongan mo ang mama mo hindi kana naaawa sa kanya andito ka lang nakaupo.. anya niya kay tristan.

Kayong dalawa kenokonsensya niyo talaga ako noh.. "tristan

Sabay sabay na tumatawa ang dalawa na sina marga at joan.

Kuya pogi tulongan mo naman ang ate ko na bitbitin yung pagkaing dala niya,pakikiusap na sabi ni marga kay kenth.

Ahh, si masungit ba?tanong ni kenth sa kanya.

Kuya kenth hindi po masungit si ate zel,sabi ni joan sa kanya.

Hindi ba? Mukha kasi siyang masungit eh laging nakataas yung isang kilay niya..

Napatawa si joan sa sinasabi nito sa kanya..naku hindi po siya masungit mabait po yun si ate zel..

Ahh,zel pala pangalan niya katunog nang gel para sa buhok...

Napahagikhik nang tawa ang dalawang babae sa kanyang sinabi..

Nakakatawa ka talaga kuya,marga po pala pangalan ko nilahad ni marga ang kamay niya kay kenth para mag shake hands.. at tinanggap naman ni kenth ang kamay nito at nakipagshake hands din siya.. I'm kenth Monte..

Sige pupuntahan ko muna sila sa loob ha?paalam niyang sabi sa dalawa tumango
Lang ang dalawa at tumayo siya at naglakad pumasok si kenth sa loob. Nakita niyang lumabas si zel na may dalang tray nilapitan niya ito.. ako na ang magdadala niyan zel,pag ooffer niya kay zel pero nilagpasan lang siya nito..

Kaya pumasok lang siya sa loob..aling lordes dalhin ko na po ito..turo ni kenth sa isang tray na nasa lamesa..

Nakakahiya nman sa iyo ijo na ikaw ang magdadala niyan..bisita ka pa namin dito.. nahihiyang sabi ni aling lordes kay kenth.

Naku,kayo tlaga wag ho kayong mahiya.. sige ho dadalhin ko na po ito sa labas.. ito lang kasi amg natitirang tray..

Sige kaw ang bahala ijo.. susunod lang ako..

Lumabas si kenth bitbit ang tray..

Ang Pusong NagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon