1- Little Mermaid

259 2 0
                                    

**********************************************************************

"Ariel.. Ariel? Ariel? Ariel! ARIEL!!!"


Sigaw ng mga tauhan ng palasyo sa Atlantis. Nawawala nanaaman si Ariel, ang bunsong anak ni King Neptune. Natataranta sila dahil sila nanaman ang mapagiinitan ng ari pag nalamang nawawala nanaman ang prinsesa, kilala kasi ito bilang rebelde, maldita at walang kinakatakutan.


"Duon tignan nyo baka nagtago lang sa malalaking bato."

banggit ng isa.

At saka naman pumunta ang mga tauhan sa malaking bato pero ang totoo nyan sa kabilang direksyon pumunta si Ariel.


"Okay, malayo na sila. Akala ba nila hindi ko sila matatakasan? Hmp. Hindi naman ako tanga kagaya nila."

maarteng banggit ni Ariel at umirap sa mga tauhan saka mabilis na lumangoy palayo. Hanggang makarating sya sa isa nanamang shipwreck, Hilig kasi ni Ariel maghanap ng mga lumubog na barko at ipunin ang mga gamit na nakuha nya doon. Hindi nya alam kung bakit pero sobrang fascinated sya sa buhay sa kabilang side.


 *****************


Marami rami ring nahalungkat si Ariel mula sa barkong lumubog na iyo at dinala nya yung mga yon sa isna kweba sa ilalim ng dagat, sa loob ng kweba ay mababaw nalang ang tubig kaya hindi nya napupuntahan ang loob ng kweba. Doon nya inilalagay ang mga bagay bagay na nakukuha nya sa mga barkong pinupuntahan nya. Halos mapuno nya na ang bukana ng kweba pero muka parin syang hindi kuntento, actually hindi pa talaga sya kuntento. Kaya naman umalis ulit sya para maghanap ng barkong lumubog.

Kalauna, hindi na nya alam kung nasaan sya, hindi sya ganoon kapamilyar sa lugar. Madilim ang paligid, mukang may bagyo kaya dahil nacurious sya  sa itsura ng ibabaw ng dagat kapag may bagyo kaya lumangoy sya hanggang mailabas nya na ang kalahti ng katawan nya at makahinga ng hangin.

 Ngunit pagdilat nya isang malaking barkong ang muntikan tumama sa kanya, buti nalang nakaiwas kaagad sya. Sobrang lakas ng bagyo at kumikidlt pa na halos mawasak na ang malaking barko.


"Hindi ko inaakalang ganoon kalakas yung bagyo. Hintayin ko nalang lumubog ng tuluyan yang barko, puro bako at siguradong makiinis ang mga gamit dyan." banggit ni Ariel.


Ngunit bago pa sya lumangoy pabalik sa ilalim biglang may kidlat na dumama sa barko kaya nasunog ito (*AN: gawa po kasi sa kahoy yung barko, yung ano, parang sa one piece, makaluma.).

At ang magaling nating prinsesa natuwa sa nakita dahil first time nya palang makakita ng apoy, kahit puro sigawan na ang naririnig nya wala syang paki basta ang sa kanya masatisfy lang yung gusto nya kaya lumangoy sya palapit, ng palapit ng palapit ng-


"Aray!" sigaw ni Ariel.


nahulugan sya ng baso sa ulo kkinuha nya yun at napakamot sa ulo nya. At para makaiwas sa mga gamit na mahuhulog naisip nyang hintaying tuluyan na nga itong lumubog ng tuluyan.


Pirapiraso lang ang mga lumulubog kaya nainip na sya.

"Antagal naman lumubog non, nakakataman na." myamaya sabi ni Ariel at lumangoy ulit paakyat.

Nang pagangat nya nagulat sya sa mga nakita nya, mga bangkay na sunog, sunog na mga gamit at piraso ng barko. Pero may isang nakakuha ng atensyon nya.

The Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon