"Kailangan maisakatuparan ang propesiya at alam mo kung anu ang mga mangyayari kapag hindi ito natupad."
"Mga bata lang sila, wala silang alam tungkol dito at ... at magkaibigan din sila." naiiyak na sabi ng babae sa kausap niya.
"Kahit anung gawin natin ang konseho pa rin ang nasusunod."
"P-Pero nasa konseho ka rin naman hindi ba?"
"Oo, kaya nga hindi ako pwede magdisesyon na mag-isa at magulo ang konseho ngayon hindi natin alam kong sino ang kakampi o ang kaaway." Naaawang tiningnan niya ang babae sa harap niya at niyakap na lamang ito.
Napabuntong hininga na lamang ang lalaki dahil higit sa lahat ayaw niyang nakikita na nasasaktan ito.
"sige, gagawa ako ng paraan." Sabi niya at bumitaw na ito sa pagkakayakap.
"T-Talaga?" maluhaluhang nakangiti niyang sabi sa lalaki.
Nakangiti ring tumango ang lalaki at pinahiran ng kanyang mga kamay ang mga luha na dumadaloy sa pisnge ng babae.
----
Sa maliwanag na gabi, maririnig ang mga naglalaban-laban sa isang masukal na gubat, mga espadang nagliliwanag sa tuwing nagkakabanggaan, mga impit at daing ng mga nilalang na nakakaranas ng walang humpay na sakit, at mga nagpapalakasan ng kapangyarihan.
Samantala sa kabilang banda ay may apat na nilalang na tumatakbo papalayo sa mga humahabol sa kanila at ang isa sa kanila ay may hawak na apat na taong gulang na bata.
"aaargghh!!" sigaw ng isang babae na tinamaan ng isang pana sa binti niya at natumba ito. "Pinuno iligtas niyo na po siya! Wag niyo napo akong alalahanin kaya ko pa silang pigilan!" sigaw niya ng huminto ang mga kasamahan niya para sana tulungan siya.
" Sige, Mag-iingat ka ha? Babalikan kita pagnasiguro na ang kaligtasan niya!" sabi ng isang matipunong lalaki na hindi maipagkakaila na pinunu talaga ng mga kawal.
"Wag niyong hayaan na makatakas ang mga traydor! Pigilan niyo sila!" sigaw ng pinunu ng konseho sa mga kawal niya.
Dali-dali na namang tumakbo ang tatlong natitira kasama pa rin ang bata na karga-karga ng isang lalaki para hindi sila maabotan at para makarating kaagad sa lagusan.
Samantalang ang babaeng naiwan ay kinuha ang kanyang dalawang espada na nasa kanyang likod. hindi niya hahayaan na maabutan ang mga kasamahan niya at tinanggal niya ang pana na nasa binti niya. "Aahh!" impit na sigaw niya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Tumayo na siya at hinarap ang mga kalaban. Isa-isa niya itong pinapatumba at hindi niya namamalayan na may isang bagay ng nakaturo sa kanya.
Samantala. ng makarating sila sa lagusan ay agad nila itong binuksan. Parang isang salamin na nasa gitna ng dalawang malalaking puno ang lagusan at parang sikat ng araw ang liwanag nito. Nakakasilaw na hindi kayang tingnan kaya tinakpan nila ang kanilang mga mata para hindi masilaw sa liwanag nito.
Hindi pa man sila nakakapasok sa lagusan ay agad silang nahabol ng mga kawal ng kaharian.
"Isa ka talagang traydor sa konseho at saan mo balak dalhin ang bata? Alam niyu ba ang kaparusahan sa ginawa niyong pagtataksil?" sabi ng pinunu sa konseho.
"May hindi ka alam na alam ko. Kaya hayaan mo na kami!" Sabi ng lalaki na may hawak sa bata.
"Hah! Akala mo ba dahil may kung ano ka na alam ay hahayaan nalang namin na tumukas kayo? Nagpapatawa ka ba? Sige hulihin niyo sila!" utos niya sa mga tauhan niya at agad naman itong tumalima sa utos niya.
Pero hindi pa man nakakalapit ang mga kawal ay agad na nagpakawala ng isang malakas na hangin ang pinunu ng mga kawal para hindi makalapit sa kanila.
"Pinunu itakas niyo na po sila dito at ako na po ang pipigil sa kanila!"
"Hindi! Tutulongan kita. Hindi mo sila kaya."
"Pero pinunu ..." alam ng pinunu ng kawal na kahit malakas ang kanyang taglay na kapangyarihan ay wala parin siyang kakayahan na talunin ang napakaraming kasing lakas din niya.
"Ito kunin mo siya, pumasok na kayo ng lagusan dahil malapit ng magsara." Ibinigay niya sa katabi niya na babae ang bata at agad naman nitong kinuha sa kanya.
"Paano ka? Kayo?" tarantang tanong ng babae dahil nag-aalala siya sa mga kaligtasan nito lalong-lalo na sa lalaking pinakamamahal niya.
"Susunod kami, pangako" nakangiting tugon niya dito at hinalikan kaagad ang noo nito. "Pumasok na kayo."
"Pigilan niyo na hindi maitakas ang bata!"
Reveron Cromente! (isang chanting spell na nagsisilbing panangga sa paparating na mga atake) sigaw ng lalaki ng masigurong nakapasok na ng lagusan ang babae.
Dahil sa ginawa ng lalake ay maayos na nakatakas ang babae kasama ang isang bata na hangang ngayon ay tulog parin dahil sa pinainum nila ito ng pampatulog.
Naghanda na ang dalawang lalake na naiwan para makipaglaban para wala ng makapasok na iba pa sa lagusan, pero bago pa magsimula ay lumingon muna siya sa lagusan na unti-unti ng sumasara na unti-unti na ring nawawala ang subrang liwanag nito at nagbigay siya ng huling ngiti kong saan dumaan ang babaeng pinkamamahal niya.
BINABASA MO ANG
The World of Riza
FantasyPaanu mo matatawag na tahanan ang isang lugar kung alam mong hindi ka naman nagmula sa lugar kong nasaan ka ngayon? Paano kung papipiliin ka ng mundo na ililigtas, ang mundo kung saan ka lumaki at maraming kaibigan o ang mundo kung saan ka nagmula a...