Chapter 2:
Medyo gabi na rin natapos yung praktis nila besty kaya Inihatid ako ngayon ni besty ko sa bahay namin gamit ang kotse niya. Mayaman kasi ang besty ko kaya can afford sila na bumili ng kotse samantalang ako commute-commute muna. hehe.
"Salamat besty sa paghatid ha at pati na rin sa pagbantay sakin kanina sa court habang tulog ako." Sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko.
"You're welcome." Nakangiting sabi niya. "sige na bumaba kana at baka hinahanap ka na ni tita."
"Ayaw mo bang pumasok sa bahay?" yaya ko sa kanya. nakakahiya na kasi sa kanya ginawa ko na nga siyang tagabantay ko, ginawa ko pa siyang driver.
"I love to, but I have some important to do, maybe next time oky?" sabi niya.
"Hayyy. Sige na nga. Kita na lang tayo bukas. Bye bye." Nakangiting saad ko sa kanya at bumaba na ng kotse.
Pagsarado ko ng pintoan ng kotse ay bumukas naman yung kabila at lumabas yung ulo ni besty.
"May Nakalimutan ka best o gusto mo munang pumasok sa bahay?" tanong ko sa kanya at hinanap yung susi ng gate namin sa bag ko dahil wala si mama ngayon dahil nagbabantay siya sa pwesto namin sa bigasan.
"Nothing, pumasok ka na muna bago ako aalis. Wala pala ngayon si tita. Mahirap na baka mapano ka pa dito sa labas."
"Ganun ba? Sige best pasok na ako. Mag-ingat ka sa pagdrive." Sabi ko nalang ng mabuksan ko na yung gate dahil ayokong makipagtalo sa kanya ngayon dahil hindi rin naman ako mananalo sa kanya.
"I will. Good night and sweetdreams." Nakangiting sabi niya ng makapasok na ako sa gate.
"Ikaw rin goodnight and sweetdreams. Basta wag masyadong pasikat sa pagdrive" paalala ko ulit sa kanya dahil medyo may pagka car racer din tong si besty ko.
"Yeah yeah, anything else MOMMY?" natatawang sabi niya at pinagdiinan talaga yung salitang MOMMY.
"Loko-loko ka talaga, sige na papasok na ako ng bahay." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at sinirado ko na yung gate dahil baka humaba pa yung usapan namin may lakad pa naman ata siya.
Pangiti-ngiti pa akong pumasok ng bahay ng bigla ko na naman nararamdaman yung kalungkutan sa puso ko. Yung ngiti ko kanina na malapad ay unti-unti ng nawawala dahil napapalitan ng hindi ko maipaliwanag na kalungkotan.
Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng pampatulog para matulog na. Hindi na rin ako kakain dahil busog pa naman ako.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa harap ng salamin at umupo. Sinusuklayan ko yung buhok ko ng Makita ko ang repleksyon sa labas na maliwanag. Tumayo ako at dahan-dahan na lumapit sa may bintana upang tanawin ang kabilogan ng buwan. Ang ganda ng buwan. Hinding hindi ako nagsasawang tingnan kung gaano kaganda ang liwanag niya sa gitna ng kadiliman, para siyang nagsisilbing ilaw sa isang madilim na sulok na kahit nakatago na si haring araw ay may nagsisilbi paring liwanag sa madilim na mundo.
Umupo ako sa may bintana at iniisip ko kung bakit sa bawat pagtawa ko ay agad akong nakakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko may kulang sakin parang hindi ako buo na parang may Kakaiba akong nararamdaman. Wala naman sana akong problema na dapat problemahin para makaramdam ako ng lungkot.
Haayyy. Simula ng magkaisip ako lagi ko ng nararamdaman to. Ang walang kadahilanan na kalungkotan.
Umalis na ako sa bintana at pumunta sa kama ko para matulog na. Hindi ko na hinihintay si mama dahil may susi naman siya sa bahay at hindi ko rin nilock yung gate kaya makakapasok pa rin siya dito.
BINABASA MO ANG
The World of Riza
FantasyPaanu mo matatawag na tahanan ang isang lugar kung alam mong hindi ka naman nagmula sa lugar kong nasaan ka ngayon? Paano kung papipiliin ka ng mundo na ililigtas, ang mundo kung saan ka lumaki at maraming kaibigan o ang mundo kung saan ka nagmula a...