Chapter Twenty Two

3.7K 112 9
                                    

Warning: SPG


Chapter Twenty Two

Christopher Ocampo

"You really did me proud son." Sabi ni Papa tapos napaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upoan. "Nang nalaman ko na ang team mo ang maghahandle ng investigation ng pagkamatay ni General Reyes, alam ko na dadating din ang araw na to."

"Are you really proud Pa?"

"Oo naman." Masayang sagot nito. "Sino ba ang hindi magiging masaya na ang taong aaresto sayo ay ang anak mo pa." There was a hint of sarcasm on his voice that made me doubt if what he had said was true or not.

"Hindi ako pumunta dito para arestohin ka Papa."

Tinaasan niya ako ng kilay. "At ang rason ng pagpunta mo dito? Para bumisita? I doubt that." Napailing ito at napa-isip tapos napangiti. "You're curious, you're curious why I had killed the four of them."

"Of course I am curious Papa!" I exclaimed. "At hindi lang nilang apat kundi pati na din ang ibang taong pinatay niyo. God, lumaki akong inaakala na ang aking ama ay isang mabuting pulis na halos hindi na makapagbigay ng oras sa pamilya niya dahil sa pagtatrabaho at pagbibigay ng hustisya sa mga taong naghahanap nito. Tapos yon pala isa din siya sa mga taong sumisira ng hustisya na yon." Napabuntong hininga ako tapos tinignan siya ng diretso sa mata. "Tell me Pa, alam ba to ni Mama?"

"Hindi." He honestly replied. "Hindi alam ni Tessa. Pero may mga pagkakataon noon na gusto kong sabihin sa kanya. Yong mga panahon na nakokonsensya ako sa ginawa ko, mga panahon na naririnig ko sa utak ko ang mga sigaw ng awa ng mga pinatay ko at yong panahon na tinitignan niya ako na may pagmamahal sa kanyang mga mata and I think to myself, "how could I deserve a woman like her?"." Ngumiti ito ng pagak.

"And after namatay si Tessa ay tumigil na ako at tsaka I am not fit to do the work anymore. Pero lumapit sa akin si Ramilo, hindi ko siya maayawan, may utang na loob kasi ako sa kanya." Umiiling si Papa. "Piece of advice son, as much as possible, lumayo ka sa utang na loob."

"Ano yong naging utang na loob mo sa kanya Pa?"

My father took a deep breath. "His family save me from the street."

Ngayon ay na intindihan ko na kung bakit nagawa iyon ni Papa. Ulila kasi si Papa at isang batang palaboy noon tapos isang araw ay may tinulangan siyang bata na ninanakawan ng kapwa din niya palaboy. Naawa ang pamilya ng batang tinulongan niya sa kanya at inilagay siya sa orphanage ng mga madre. Tinulogan din siya ng pamilya na yon for almost a year hanggang nabalitaan na lang niya na namatay sa isang car accident ang pamilya.

"Pero sabi mo ay namatay sa aksidente ang pamilya na--"

"Nakaligtas ang anak nila, yong tinulongan ko, si Ramilo."

Napailing ako sa impormasyon na yon. Tama nga naman ang kasabihan, masamang damo matagal mamatay.

"Arestohin mo na ako Christopher." Inilahad ni Papa ang mga kamay niya. "Magsasalita din naman si Ramilo and you will also be giving justice to all of those people that I had killed."

I look at my father in disbelief but I guess he is right. Magsasalita din si Senador Ramilo about sa kanya kaya siguro mas mabuti ngang ganito na lang.

Tumayo ako at kinuha ang posas sa aking bulsa tapos lumapit kay Papa at pinusasan ito. Tumayo naman si Papa at napangiti sa akin. "I am really proud of you son."

*****

"Congratulation Capt. Ocampo." Pagbati sa akin ng Pangulo.

"Thank you Mr. President."

Sorry, Hindi Kami Talo [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon