Chapter Twenty Three

3.8K 113 5
                                    

Chapter Twenty Three

Alexandra Mendoza

"Ano ba Alex kanina ka pa ha!" Saway sa akin ni Jessica. I pouted and gave her my best puppy dog eyes. "Wag mo akong ganyanin na babae ka ha!" Dinuro niya ako. "Ang sakit sakit na kaya ng braso ko sa kakapisil mo."

Napangiti ako. "Ang sarap kasing pisilin ng braso mo Jess, parang unan na ang lambot."

"Aba!" She exclaimed. "Bumili ka na lang kaya ng unan noh? Oh di kaya stress ball kaysa pagdisketahan mo yong braso ko." She rolled the sleeve of her blouse. "Mabuti nga at wala pang pasa itong braso ko sa pagkabrutal mo."

"Grabe ka naman." Tinignan ko yong braso niya. "Hindi naman ganun kadiin ang pagpisil ko sayo ah."

Nabuntong hiniga ito. "Hindi nga pero halos minu-minuto mo kaya pinipisil mo yong braso kaya may possibility na magkakapasa tong braso ko no at masakit na kaya bruha ka."

I just rolled my eyes at her. "OA ka lang talaga Jess."

Just as I said that our lunch bell rang. Ngumiti ako at binaba ang monitor ng laptop ko tapos tumayo na. Gutom na kasi ako at gusto ko na talagang kumain. Tumayo na din si Jess at sabay kaming pumunta sa canteen.

"Ano ba yan, wala man lang masarap na ulam." Reklamo ko.

Tinaasan ako ni Jessica ng kilay. "Alam mo ang weird mo na talaga this past few days, hindi ka naman nagrereklamo noon sa ulam ah."

Napasimangot ako. "Eh sa may gusto akong kainin. Tsaka ano ka ba matagal na kaya akong weird kailan ba ako naging normal?"

"Point taken." Sang-ayon naman nito. "Pero mas weird ka pa din ngayon."

"Ai ewan ko sayo Jess, ikaw nga itong weird kasi puna ka ng puna sa mga kilos ko." Luminya na kaming dalawa.

"Kasi naman Alex para kang.."

Napalingon ako sa kanya. "Parang ano?"

Lumapit siya sa akin ng konti tapos bumulong. "Para kang buntis na naglilihi."

Parang bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Shit, ganun na ba ako kaobvious?

Tumawa ako ng pagak tapos mahinang hinampas siya sa braso. "Ang galing mo talagang magjoke Jess, saan mo naman nakuha ang tsismis na yan ha?"

Napatigil muna kaming dalawa at nag order. Pagkatapos magbayad at dumiretso kami sa usual na pwesto namin sa canteen.

"Alex." Panimula ni Jess pagkaupo namin. "Be honest with me."

Napatigil ako sa pagsubo. "Honest about what?"

"Buntis ka ba?"

Halos mabilaokan ako sa sinabi niya at uminom agad ng tubig. She looks at me curiously as I did so.

"Saan mo naman nakukuha na mga tsimis na yan ha Jessica, kanina ka pa." Umubo ako. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano sabihin kay Jessica ang sitwasyon ko. I had keeping my pregnancy a secret at the office dahil plano ka na ding umalis. I already had my resignation letter at my table and I am just waiting for the right time to give it to our manager.

"Kilala kita Alex." Sabi nito. "I know that there is really something strange going on with you. Kaya wag ka nang magsinungaling. Plus the sign of you being preggy is in your movement now a days."

Patay.

Napabuntong hininga ako. "I am that obvious?"

Napangiti ito, ngiting abot tenga. "So I am right you are--"

Sorry, Hindi Kami Talo [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon