We're Over

19 6 1
                                    

Nag lalakad ako papunta sa library para mag hanap ng information na related sa report ko,nang maka pasok ako sa library napansin kong walang tao kaya mas mapapa dali ako sa pag hahanap ko ng kailangan ko, nang makarating ako sa shelf ng History books may nakita akong isang figure ng lalaki at babae ng tinignan ko nakita ko na nag me-make out sila agad akong nag tago baka makita nila ako, pamilyar yung figure ng lalaki sa akin parang siya si Carl, Carl is my Boyfriend for almost a year, but i doubt it's him, hindi nya ako kayang lokohin kaya i-pinag patuloy ko nalang ang pag hahanap ng librong kailangan ko.

Nang mahanap ko yung libro para sa report ko ay agad akong umalis para hindi ko sila maistorbo.

-----

Nag simula ang 2nd class,pero wala parin si Carl, Siguro masama ang pakiramdam, Wala ang focus ko sa lesson kung di nakay Carl nag aalala ako sa kanya baka kung ano na ang ng yari sa kanya. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase, nag masid masid ako sa paligid pero walang akong nakitang Carl. "Asaan na kaya yung ugok na yun.." habang inaayos ko ang gamit ko nilapitan ako ng kaibigan ni Carl."Amie,Hinahanap mo ba si Carl?"tumango ako bilang sagot "Nasa likod sila ng school.."tinignan ko saya ng may pag tataka, Sila? Eh halos lahat ng tropa niya nandito pa sa classroom eh.

----
Pumunta ako sa likod ng school kung saan daw naroon si Carl, Nang makarating ako doon nadatnan ko si Carl na may kahalikang babae,agad akong tumakbo hindi ko alam kung saan ako papunta basta tumakbo lang ako ng tumakbo at hinyaan ang mga paa ko kung saan sila tutungo, nakarating ako sa isang park malapit sa river side, or should i say 'our spot' "Sa kinarami rami ng lugar na pwede akong dalhin ng paa ko bakit dito pa!?" Hindi ko papigilan ang pag agos ng mga luha ko, at ang hirap ding kumbinsihin ng utak at isip ko na hindi niya ginusto yun,na hindi siya ang unang gumalaw kung di ung babae. Ilang minuto na rin akong umiiyak pero hindi parin tumitigil ang luha ko sa pag agos.

Tulala parin ako hanggang ngayon, iniisip kung ano ng gagawin ko dapat na ba akong makipag hiwalay sa kanya o patatawarin ko siya,sa mga oras na to litong lito ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

----

Halos buong gabi ko inisip king anong gagawin ko niwala nga akong tulog, dahil pag ipinipikit ko yung mga mata ko paulit ulit na nag a-appear yung ng yari kahapon, habang nag lalakad ako papunta sa classroom nakita ko si Carl kasama yung tropa niya, pati yung babae niya, para akong sinaksak multiple times sa puso,hindi ba niya alam na may girlfriend pa siya! Nag dirediretso ako para bungguin sila nabunggo ko yung babae.
"Ano ba!! Ang tanga tanga mo naman napaka lawak ng daan ohh!!"pag tataray niya tinignan ko siya tapos ibinaling ko yung tingin ko kay Carl walang nag bago sa reaksyon niya pero yung mga tropa niya parang nakakita sila ng multo,tinitigan ko si Carl. 'Amie wag kang iiyak sa harap nila iisipin nila na mahina ka pigilan mo yan'

"S-sorry"yun nalang ang nasabi ko at nag patuloy sa pag lalakad imbis na sa classroom ang punta ko sa girls restroom ako dumiretso at doon ako umiyak, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun, na totoo pala na niloloko niya ako! Buo na ang desisyon ko Makikipag hiwalay na ako sa kanya.

------

Uwian na tinext ko siya na makipag kita sa akin sa usual spot namin. Pag dating ko doon nandoon na siya agad ko siyang nilapitan. "Amie.."bulong niya."Carl bakit mo nagawa yun? Bakit? Hindi ko akalain na ganun karin pala akala ko iba ka sa kanila akala ko tapat ka yun pala parepareho lang kayo! Sana bago ka naghanap ng iba eh nakipag hiwalay ka muna sa akin hindi yung nag di-display ka ng ibang babae habang may girlfriend ka! Sana wag mong gawin sa babae mo yung ginawa mo sa akin ngayon."muli ko siyang tinignan,at tinalikuran ko na siya habang humahakbang ako palayo nasalita siya "Amie, I'm sorry"hindi ko na siya nilingon at nag salita nalang ako ng nakatalikod sa kanya " Sorry? Huh! It's too late, WE'RE OVER"

Random Stories (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon