six

419 24 15
                                    

2 years ago...

Marinel.

"don hindi ko na kaya, kailangan niya na pumunta ng canada para magpagaling" sabi ko at niyakap siya

"nel, si darren ang may gusto na dito nalang siya sa pilipinas magpagaling" sabi niya

hindi niya ako naiintindihan

"don bilang magulang niya alam ko ang mas nakakabuti para sakanya at yun ay siya pupunta ng canada para magpagaling" sabi ko tumahimik siya

"pero paano si Cara?" tanong niya

si Cara...

"sabihin natin na namatay na siya pero pang cover lang yun para makapunta siya ng canada"

"pwede rin pero nel, delikado to" sabi niya

"si pam na muna yung magaalaga sakanya duon habang tayo icoconvince muna natin si Cara" sabi ko kaya pumayag naman siya

sorry Cara pero namamatay na ang anak namin

---

"Mrs. Espanto, im sorry but your son has an amnesia, ngayon lang nag react yung brain niya nung nag collapse siya 8 months ago, actually nagkaroon na ng problems yung brain niya pero buti nalang nakayanan ito ng 8 months" sabi ng doctor

"doc favor please" sabi ko kaya tumingin siya sa akin ng parang nagtataka siya

"please doc, palitawin niyo na namatay na si Darren para pang cover na pupunta siya ng Canada para magpagaling, yung girlfriend niya kasi..." sabi ko

"Mrs. Espanto, im so sorry but that is illegal i might get fired"

pumayag ka na please...

"I'll pay you, name your price and I'll pay please, maawa ka naman sa anak ko... ayoko siyang mawala" pagmamakaawa ko

"fine, I'll make a way"

---

"tita bakit naka sara yung kabaong ni Darren?" tanong ni Cara

"uhh gusto ko kasi ganun nalang para hindi na sobrang sakit kapag ililibing na siya" sabi ko at nagsmike ng pilit

pero ang totoo, walang katawan yung nasa loob kaya nakasara lang

si Darren nasa Canada na, naaalala niya kaming pamilya niya pati yung ex niya pero si Cara hindi

which is nice para habang nagpapagaling siya hindi niya muna iniisip si Cara

kailangan niyang gumaling

--

"tita ang sakit na... ayoko na..." pang ilang iyak na ni Cara

2 years na ang nakakalipas pero ganyan parin siya

hindi ko naman inexpect na aabot siya ng ganito

kung alam ko lang sana sinabi ko na na nasa Canada lang si Darren

pero baka masaktan lang siya e

hindi niya naman alam na nakalimutan na siya ni Darren

at ang bakita ko si Darren na saka si Emma, yung ex niya

honestly ayoko talaga si Emma para kay Darren, ginamit niya kasi si Darren dati para sumikat siya and nagtagumpay naman siya

nung sumikat na siya kinalimutan na niya si Darren at siya naman yung bumagsak

kaya lumipat kami sa Philippines at namuhay ng tahimik

hanggang sa ayun nga, dumating ang mga Deighan na dati naming mga kaaway pero past is past

okay na kami ngayon

gumagawa ng assignment ngayon si Lynelle and sabi ni Cara tulungan niya na daw si Lynelle

habang naghuhugas ako ng mga plato naririnig ko sila

"ate what is your worst year and why?" tanong ni Lynelle

tumigil ako sa paghuhugas at lumapit sa kanila

"in the year 2019, my boyfriend died with cancer"

hindi ko na talaga kayang itago ito

"no he didnt"

end of flashback...

(not edited)

2019 ; darrenWhere stories live. Discover now