fifteen

350 24 3
                                    

"TULONG!!!" sigaw ko at tumingin ulit kay Darren

"please... gumising ka naman..." sabi ko at hinug siya

"CARA!! DARREN!!" sabi ni coach Edward at lumapit sa amin

"coach, bigla nalang siyang nag collapse, dalhin na natin siya sa school hospital please coach" sabi ko na naluluha

dinala namin siya sa school hospital at naghintay lang ako sa labas ng room

*ring ring*

kailangan malaman ni mommy at tita nel to

"mommy..." sabi ko na naluluha

"Cara anong nangyari?! bakit ka umiiyak?!"

"ma, si Darren bigla lang nag collapse, nasa school hospital kami ngayon"

"sige papunta na kami ni Marinel diyan, hintay ka lang ng konti"

pinatay ko muna yung phone ko at tinignan yung sahig...

bakit natatakot ako? parang sobrang affected ako sa nangyayari kay Darren, hindi naman kami pero...

hindi kaya...

mahal ko na rin siya?

YUN NGA!

"uhh, excuse me miss? nandyan po ba yung family ni Mr. Espanto?" tanong sa akin ng nurse

"ako nalang, ako ang girlfriend niya" sabi ko at tumango naman siya

sabi niya pinapapunta daw ako ng doctor sa loob so habang naglalakad ako palapit, mas lalo akong kinakabahan

"miss, Mr. Espanto is in a resting perios, we just don't know when he will wake up. We're gonna run some tests on why he collapsed and we'll notify you about it" sabi ng doctor at umalis na

ako nalang saka si Darren ang nasa hospital room niya

ngayon ko lang na realize na mahal ko na pala siya...

"Darren, gising ka na oh... kailangan ka pa ng mommy saka daddy mo... pati na rin yung kapatid mo... kailangan pa kita..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya

"Darren?" biglang may nagsabi

napatingin ako sa pinto at nakita si tita nel na medyo naluluha

"Cara..." sabi ni mommy at napatingin sa kamay ko na hawak ni Darren

"ma, bakit ganun? ngayon ko lang na realize na mahal ko na pala siya?" tanong ko na naluluha

niyakap nalang ako ni mama

"magiging okay rin ang lahat" sabi niya at inapis ang likod ko

"Good afternoon po... we ran some tests about his sickness and I'm sorry to tell but... he has stage 2 lunge cancer" sabi ng doctor

parang gumunaw yung mundo ko nng narinig ko yun

may cancer siya?

napaluha ako at napahagulgol ng malakas, kaya niyakap ako ni mommy

tumingin ako kay Darren at hinawakan ko lang yung kamay niya

bakit ngayon ko lang napansin na mahal ko siya kung kailan may cancer na siya? bakit hindi nalang noong 16 years old palang kami

"Cara... pupunta muna kami ng tita Marinel mo sa doctor's office..." sabi ni mommy at tumango nalang ako

sumara yung pinto at tinignan ko lang ng maiigi si Darren

hanggang sa napapansin ko na buubukas na yung mga mata niya

"Darren, buti nalang gising ka na" sabi ko at napaluha ng konti

"wag kang iiyak, ayokong nakikitang umiiyak ka..." sabi niya at pinunasan yung luha ko na nasa pisngi ko

"Darren... may sasabihin akong importante sayo..." sabi ko

"ano yun?"

"I love you"

"ha? Cara seryoso ka ba? baka may nainom ka saka--"

"seryoso ako... ngayon ko lang na realize na mahal na pala kita... nung sa sinabi mo kanina? sobra akong nasaktan nung sinabi mo na iiwan mo na ako... please Darren wag mo akong iiwan..." sabi ko at napaluha

doon sa huli kong sinabi, double meaning yun

sana hindi niya ako iiwan na hindi niya na ako pinapansin at iiwan niya ako dahil ayoko pa siyang mamatay

"hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon... sobrang tagal ko nang hinintay sabihin mo yun" sabi niya at napaluha na rin

"I love you too"

(not edited)

2019 ; darrenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang