Kabanata 1.

62 0 0
                                    

Kabanata 1.

Nang nakarating na kami ni Mang Ray sa Mansion ay agad agad akong bumaba sa kotse at mabilis na tinahak ang daan papasok sa loob.

Nang nakapasok na ako ay nakita ko si Manang Leticia agad itong tumingin sa akin at ngumiti " Val, ang aga mo atang umuwi ngayon? " tanong niya sa akin tumingin ako sakaniya at bahagyang ngumiti " Di ba't nag paalam ka kahapon na may lakad kayo ni Anika? " tanong ni Manang Leticia. Oo nga pala sinabi ko iyon para magkaroon pa ako ng oras na umamin kay Kris na may gusto ako sakaniya, pero lahat nang yon ay nasayang lang dahil umalis agad siya at sa mahangin niya'ng kaibigan ko nasabi ang mga nararamdaman ko.

" Ah, ano ho kasi hindi po kami na tuloy Manang. May biglang lakad raw po sila ni Tita Leah " paliwanag ko sa matanda at tinignan ako nito, ako naman ay pasimpleng ibinaling ang tingin ko sa ibang lugar. Narinig ko siyang mag ' Hmmm ' kaya binalik ko ulit yung mga mata ko sakaniya at yung mga tingin ni Manang ay parang hindi ito naniniwala kaya nag salita ulit ako " N-Nasaan po pala sila Mom at Dad? " agad kong tinanong para mawala lahat nang atensyon niya sa akin.

Nag ayos ito nang flower vase na nakalatag sa center table at nag salita " Ay pumunta sila roon sa may BGC at may meeting raw sila ni Mr. Hector Pascual at Mr. Jacob Rivamonte " nang marinig ko ang Pascual ay agad bumilis ang tibok ng puso ko at agad naalala ang pag tatapat ko sakaniya, na nauwi naman sa kaniyang kaibigan! Iyong mga nararamdaman ko ay na sayang lang sa wala.

Pero ano yung isa? Rivamonte?

" Ah, ganon ho ba? Sige akyat na po ako. May gagawin pa kasi ako " pagkasabi ko nito ay nginitian ko si Manang at agad na umakyat sa aking kuwarto. Pag kabukas ko nung pinto ay agad na bumunggad sa akin ay si Dest na nakahiga sa kama ko, agad akong napangiti nang makita ko ang aking alagang aso.

" Hi baby! " sabi ko at agad na siyang tumayo at tumalon pababa sa kama ko. Tumahol siya at agad na tumakbo papunta sa akin ako naman ay lumuhod at malapad ang mga ngiti dahil sa napaka cute kong aso.

Nahawakan ko na si Dest at agad niyang dinilaan ang mga kamay ko at nakaramdam ako ng kaonting kiliti " Dest, namiss mo ba ako? " naka tawa kong tanong sakaniya at tinitigan niya lang ako habang ito'y tumatahol na para bang sinasabi niya ay gusto niya makipag laro.

Umayos na ulit ako ng pagkakatayo at nag lakad patungo roon sa kama ko at inilapag ko si Dest doon " Dest, d'yan ka na muna ok? May gagawin pa ako. Mamaya lalabas tayo ok? " sabi ko sakaniya at hinimas nang kaonti ang kaniyang ulo tumahol tahol ulit siya na para bang sumangayon na siya.

Iniwanan ko na muna siya doon sa kuwarto ko at ako naman ay nag bihis sa CR pagkatapos kong maligo at nag palit lang ako nang plain grey rounded shirt at nang white shorts. Lumabas na ako at napalingon ako sa bandang kaliwa kung nasaan iyong kama ko.

Napangiti ako.

Tulog na si Dest.

Lumapit ako sakaniya at umupo sa tabi niya at hinimas ko ang kaniyang mapuputing balahibo. " Dest ang cute mo talaga " sabi ko at napag isip na hindi ko na lang siya gigisingin, at na isip ko na rin na mag jojogging na lang ako para kahit papaano ay malimutan ko iyong lalaking mahangin na yon.

Agad kong kinuha ang aking jogging shoes at nag palit nang black running shorts ko, kinuha ko rin ang sauna suit ko na itim para naman ay pag pawisan talaga ako habang tumatakbo.

Tinali ko ang aking buhok sa isang pony tail at sinalpak ang earphones ko sa aking tainga at bumaba na agad ako. Tumingin ako sa bintana at nakitang kaonting minuto na lang ay mag gagabi na.

Pero napatingin ako sa may bandang garahe at nakitang nandoon na ang kotse ni Dad at agad kong naisip na nariyan na sila sa loob nang bahay.

Nang naka baba na ako ay agad akong dumiretsyo sa kusina at hinanap si Manang Leticia at sila Dad at Mom para mag paalam.

The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon