Carolling

211 3 0
                                    

   December 16 na, damang dama ko na ang diwa ng Pasko. Pansamantala muna akong naninirahan dito sa laguna. Di ko inaakalang ang laki ng bayad sa apartment buwan buwan 2,500 ang binabayaran ko. Balak kong umuwi sa pasko sa Baguio para doon magcelebrate kasama ang pamilya ko.

   Habang nagsasampay ako sa itaas, ay may tumawag sakin.

[hello anak!]

(Mama! Kamusta na po?)

[heto, medyo nalulungkot dahil wala ka pa. Umuwi ka na muna ha?]

(Balak ko nga hong umuwi diyan sa Pasko eh. Ilang araw na lang makikita ko na ho ulit kayo)

   Natigil ang usapan namin ng biglang humangin ng malakas, at nag umpisa nang umulan. Accidentally kong pinatay muna ang phone dahil nga sa mga isinampay ko, sinamsam ko muna ang mga ito.

*******

   Kinagabihan, habang nanonood ako ng balita ay sadya paring malakas ang ulan. Nabalitaan ko rin sa telebisyon na mayroong bagyo.

"Diyos ko, bagyo na naman. Kamusta kaya ang mama at ang papa, sana naman ay maayos lang sa Baguio"

   Nakaramdam ako ng uhaw, kaya pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat ako nang biglang mamatay ang ilaw sa kusina. Lalapitan ko na sana ang switch nang biglang.

   (Sa may bahay nang aming bati..merry christmas naluwaluwalhati, ang pag ibig ay siyang nag hari)

   Nakarinig ako ng mga batang nangangarolling mula sa labas, sa tingin ko ay maraming bata ang mga iyon. Umalis ako sa kusina at pumunta sa sala. Pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko ang mga batang basang basa ng ulan. Napaisip ako oo nga pala at 16 na, malapit na ang pasko. Subalit 10:00 na ng gabi ay may nangangarolling pa sa kalsada at umuulan pa ng malakas.

"Namamasko po" ang sabi ng pinaka batang babae sa kanila ang tingin ko ay anim na taon ito.

"Maligayang pasko sa inyo, bakit nangangarolling pa kayo? Eh, gabing gabi na?"

"Kailangan po namin ng pera. Dahil may mga bali po kami sa katawan at sugat sugat po kami. " ang sabi ng lalaking pinakamatanda sa kanila.

"Ha? Niloloko niyo ba ako? Eh ang aayos nga ng itsura niyo, ang iba lang eh, basang basa kayo." Ang sabi ko sabay abot ng bente pesos sa kanila.

"Thank you, thank you, ang babait ninyo thank you" ang sabi nila.

"Haha walang anuman, balik kayo ha? Sa susunod" ang sabi ko sa kanila. Teka may limang piso pa ako sa bulsa baka pwede kong ipang dagdag.

"Mga bata, heto at may limang piso pa ako dit..." Nagulat ako dahil bigla na lang nawala ang mga bata.

   Hindi ko na lang pinansin at dalidali na akong pumasok sa labas. Bahagyang nabasa rin ang suot suot kong pantalon. Dali dali akong pumunta sa kwarto at nagpalit ng shorts. Dito mas maayos ang pakiramdam ko, mas kaginhaginhawa. Pagkatapos kong magbihis ay biglang namatay ang ilaw at humangin ng malakas. Bigla akong kinilabutan dahil nakasara naman ang aking bintana, gayun ding wala namang magpapatay ng ilaw dahil ako lang mag isa ang tao dito. Paglabas ko ng kwarto ay biglang bumukas ang ilaw sa kusina. Dahil sa takot ay di ko na nagawa pang ilagay sa madumihan ang hinubad kong pantalon. Walang anu anoy..

   (Sa may bahay ng aming bati...Merry Christmas n..)

   Nangangarolling na naman ang mga bata kanina. Napaisip ako siguro ay babalikan nila ang limang piso. Napatingin ako sa orasan, 10:30 na ng gabi. Umuulan parin ng malakas. Pag bukas ko ng pinto ay wala namang tao sa labas.

  "Baka, inaantok lang ako. " pagpunta ko ng kwarto ay bukas na ang ilaw.

"Siguro nga ay inaantok lang ako"

   (NAMAMASKO PO!) sigaw ng mga bata sa labas. Tila ba galit na galit sila. Pero nagtatawanan sila (HAHAHAHAHA, NAMAMASKO PO) ang sabi muli nila. Teka? Pinaglalaruan ba ako ng mga ito? Baka mamaya, sindikato na ang mga ito.

   Pagbukas ko muli ng pinto sa ikatlong beses ay wala paring tao sa labas. Isinara ko muli at nilock ngunit may nagsalita boses ng batang babae na kaninang nakausap ko sa kanila.

(Namamasko po) mahina niyang sinabi, pero rinig na rinig ko. Sumilip ako sa butas ng pinto ngunit wala talagang tao. Tanging pagtulo lang ng mga naipong ulan sa bubong ang nakikita ko. Pagtingin ko sa orasan ay 10:47 na ng gabi.

   Nakaramdam na ako ng takot. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at isinara na ang mga pinto, iniwan kong bukas ang ilaw, ngunit namatay na naman ito. Nagtalukbong ako ng kumot. Nang biglang.

(We wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas and a happy new year. Sa paskong darating santa claus moy ako rin) ang mga boses nila ay papalapit ng papalapit sa akin, naramdaman kong basang basa ang ang kumot ko , pag alis ko ng kumot nakita ko ang mga batang pumapalakpak at nakangiti sa loob ng kwarto ko. Binalot ng kilabot ang buong katawan ko.

********

"Andrea! Andrea"

Nagising ako at naaninag ko ang kapitbahay ko na nakatira rin dito sa apartment. Ang pangalan niya ay Amira, biktima ng massacre sa school nila

"Nadatnan kitang nakahandusay diyan sa sahig kaninang umaga, manghihingi sana ako ng tubig. Kaya lang hiniga muna kita diyan sa sofa at kinumutan. Kumot ko pa ginamit ko basang basa yung kumot mo"

"Ano? Ang mga bata..."

"Anong mga bata?"

"May nangangarolling kasi kagabi tapos wala naman , kapag binubuksan ko ang pinto"

"Alam mo? Uso ngayon ang panloloko, pabata na sila nang pabata, Nabalitaam mo ba yung mga batang naaksidente kagabi mga alas 9:00 ng gabi yun. Nabangga raw ng bus diyan lang sa kabilang kalsada, tatawid raw ang grupo ng batang yun kagabi, pero sa dilim at basang kalsada ay hindi na nakita ng driver, kaya yung mga nangangarolling ng mga ganong oras ay di na dapat pinapayagan ng mga magulang. By the way salamat dito sa tubig ha? "

" sige salamat, ako na lang ang mag iimis dito, salamat"

   Nanahimik na lang ako at naalala ang mga batang nangangarolling kagabi.

   Pasko na at pag uwi ko sa Baguio ay ikinuwento ko ito sa pamilya ko, at di na muli nila ako pinabalik sa Laguna. Dahil sa mga misteryosong naganap.

*The end*

Pinoy Horror and Suspense StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon