The camp

150 3 0
                                    

   May camping kaming magkakaklase na sina James,Arnold, Anna, Lurranie at Ako. My name is Kathy. Nagready na kaming lahat para sa gagawin naming investigatory camp sa bundok, so naisipan naming dumaan sa Kalsada ng Minerva Academy. Ang aming driver ay si James na boyfriend ko.

"Hoy kayong mga nasa likod, wag nga kayong maingay, masyado yata kayong excited" sigaw ni James sa mga nasa back seat na sina Arnold,Anna at Lurraine.

"Haha, masanay ka na sa mga yan, haha" sabi ko

"Uhm, Kathy, pwede bang seryosohin muna natin ngayon?" Sabi sakin ni James.

   Bigla na lang kaming naging awkward..

"Uhmm, Kathy may gusto akong sabihin sayo..." Booogsh!

   My gosh! Nakabangga kami ng dalawang babae na tila ba naghahabulan. Oh my gosh, malaking kasalanan to, sana naman walang mangyari. Pag labas naming lahat ng van ay nagulat kami, dalawang babaeng sugatan at duguan ang tumambad samin.

"Anong, gusto mong mangyare pare? Ha? Gusto mo bang makulong tayo?" Akmang susuntukin ni Arnold si James ngunit pinigilan ito ni Anna.

"Da..dalhin natin sila sa ospital, isakay natin sila sa kotse" sabi ko

   Dali dali naman nilang isinakay ang dalawang babae sa kotse at isinugod namin sa ospital,

******

"Doc? Okay lang po ba sila?" Tanong ni Lurraine sa doctor, habang kinakabahan.

"Im sorry, pero hindi nakaligtas ang isa, ang pangalan niya ay Dianne Garcia, pero ligtas namang namamahinga si Amira" ang sabi ng doctor.

"Gu..guys pano yan? Hindi pala nakaligtas yung isa," sabi ni Anna na nagtataray pa.

"Umalis na tayo.." Sabi ni Arnold kay James

"Umuwi na tayo, wag na nating ituloy ang camping," ang sabi ni Lurraine

"No, para satin yun diba? Itutuloy natin"ang sabi naman ni Anna.

   Nagpaalam kami sa doctor at umalis na agad, at wala na kaming balak na bumalik pa, pero binabalot ng kunsensya ang katawan ko. Hindi ko akalain na makakapatay kami ng tao.

******

   Nakarating na kami sa gubat, habang ako ay tahimik na nakatulala sa tent.

"Kathy, wala ka bang balak na kumain? Luto na ang inihaw" ang sabi ni James, habang ngumunguya , siguro ay kumakain na siya

   Alas nwebe na ng gabi, habang sila ay gumagawa ng camp fire, feeling ko may katabi ako sa loob ng tent. Bigla biglang may parang humihinga sa likod ko tapos parang may humahawak sa paanan ko. Hindi ko na kinaya kaya lumabas na ako.

"Guys? I feel something weird" sabi ko

"What is it?" Sabi ni Lurainne

"Para kasing may katabi ako sa loob ng tent"

"You know? Hangin lang yun, ako parang nakakafeel ng something weird, naiihi ako" sabi ni anna

"Samahan  na kita" sabi ko, pero wala talaga akong balak na samahan siya, hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.

"San tayo iihi?" Sabi ni Anna

"Sa madilim" sabi ko na tila ba galit

"Galit ka? " tanong niya at di na ako umimik.

Anna's POV

   Habang umiihi ako, ay parang may kakaiba kay Kathy, nakasimangot siya sakin at parang galit. Nakita kong may para siyang pinupulot, parang batong matalas.

Pinoy Horror and Suspense StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon