"Waahhh! Waaahhhh!"
Napatakip ako sa mga mata ko. Grabe! Nakabalandra sakin ang katawan nya!
Okay. I've seen a lot of abs. Pero sa mga TV, magazine or what so ever basta hindi sa personal.
"O-oh! Bakit ba?" Mukang nagulat din sya sa pagsigaw ko.
"Magdamit ka nga! Ang laswa."
Ngumisi sya. "Mas malaswa tingnan ng muka mo."
Makapal talaga ang muka nitong lalaking to kahit kelan ano? Kahit gaano kaganda ang katawan nya ganun naman kapangit ng budhi. Sobrang itim! Parang kanal.
Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko ng mata ko at deretsong nilagpasan sya papunta ng ref. Kelangan ng maging immune ako sa ganyang view dahil matagal ko pa syang makakasama dito.
Haayy! Gusto ko ng umuwi ng bahay namin.
Umakyat ako pataas habang bitbit ang ilang box ng cookies at one bottle ng fruit juice.
"Hoy pangit! Uubusin mo ba ang stock dito sa bahay ha!"
"Tse! Bahay ko din to!"
"Aba! Baba ka-"
"Tahimik!"
Tumahimik nga sya. Bago yun a. Nakinig sya sakin.
Nagmovie marathon ako sa sarili kong kwarto habang nadapa sa kama.
"Tabi!"
Nagulat ako ng tumabi sakin ang pangit na to. Sa kama ko pa ha! At pano sya nakapasok sa kwarto ko? Nasa akin namin lahat ng susi.
"Pano ka nakapasok ha?" Umusog ako palayo sakanya. Mahirap na mahawaan ng kasamaan ngayon.
Itinaas nya lang ang kamay nya at itinuro ang pintuan.
"Bobo."
"Di ka makakapasok jan kung lock yan ano!"
"E sa di nga lock e! Ang ingay!"
Narealize kong nakalimutan ko nga palang iconcider na talagang makakalimutin akong maglock ng pintuan.
Dumapa sya sa kama ko at tangan nya din ang isang box ng cookies. Wala na akong nagawa kundi nanuod na din. Mamimiss ko pa yung pinapanuod ko.
We are watching the movie Black buttler. Ang astig talaga ni Sebastian! Sabay pa nga kaming napapa 'Ohh' ng lalaking to kapag may nakakalaban sya. At mas nauna pa atang kinilig sakin ng hinalikan ni Sebastian ang amo nya. Grabe!
"Hay tapos na!"
"O-oyy! Lumayo ka sakin!"
"Yoko nga." He cuddle his feet at me. Balak nya pa ata akong sakalin dahil pinatong nya ang paa nya sa leeg ko.
"Ano ba! Mamatay na ako!"
"Di maganda. Wala na akong papakasalan. Yah!"
Isip bata din ang isang to e. Mamatay na talaga ako.
"Mumultuhin kita! Oy tama na!"
"Ngayon palang multo ka na. Di mo ba alam yun?"
Ang mean nya talaga sakin.
"Bitawan mo na ako! Magluluto ako."
"Sure!"
Sabay kaming bumaba at nagluto nga ako. All the time na nagluto ako ay nakabantay sya sakin. Mahirap na daw baka ipoisoned ko ulit sya. Gutom din kaya ako ngayon! Di kami kumain kaninang tanghali.
"Tapos na."
Tinikman nya yung luto ko and then he present to be the one to serve. As a payment daw for the good food.
"How did you learned to cook?" He asked after we are done eating.
"Pinabayaan ako ng nanay kong tumambay sa kusina noon pa man. And besides it runs to our blood."
"Ang yabang mo din e no."
"Mas mayabang ka kaya!"
Tumayo na sya at saka umakyat sa taas.
"Ligpit ka na tapos maglinis ka."
Pero pansin ko lang parang medyo bait nya sakin ngayong araw na to? Nabawasan ata energy kaya ang lumanay nyang manalita.
Ano kayang nangyari sakanya?
BINABASA MO ANG
ENEMY TAYO!
Novela JuvenilI really hate that boy! Hate to the max! Lagi nya akong pinapahirapan at pinapahiya. He's my greatest enemy at all. Kasalanan ko bang naging pangit ako at sobrang init ng ulo nya sakin? But one day.... Nalaman ko na sya pala yung lalaking nakaengage...