"Mama naman.."
Maktol ko kay mama habang nag uumagahan kami bago ako pumasok sa school at bago sila pumasok sa opisina.
"Bakit? Alam naming nahihirapan ka sa pagbabyahe. Kaya naisipan namin na bilhan ka ng condo unit na malapit sa school mo. Fully furnished na din yun. Ayaw mo ba?"
Sabi niya sakin with her pleasing eyes.
Jan magaling si Mama. Kahit ayaw mo basta nagamitan ka ng mahika ng mata niya, mapapa-oo ka na lang.
"Oo nga hija. Infact, secured naman dun. Bibista naman kami paminsan minsan dun. Kaya sige na hija tanggapin mo na"
Sabay inom ng kape ni Papa.
Mag asawa nga sila.
"Haaaayy. Sige na nga"
Sabi ko sabay tayo at beso sa kanila para makaalis na at pumasok sa school.
Hi! Ako nga pala si Amber Mavis Fuentes. 17 years old. 1st year college taking Bachelor of Science in International Hospitality Management. Para mas maintindihan HRM pero mejo mas high class. It's our 3rd week sa school. Di pa naman ganun kabusy.
Kasama ko din ang 2 bestfriend ko. Si Tasha Cruz at si Leira Ignacio. IHM din sila. Kaya okay naman.
Di ako sikat sa school. Kumbaga ako yung simpleng nakikisalamuha lang. Hindi yung mga famous o nagpapafamous. Si Tasha kasi ay kasali sa dance group ng school kaya kilala siya. At si Leira naman ang president ng student council ng college.
Sa DFU o Don Facundo University kami nagaaral simula Highschool. Kaya nakasali sila. Ako? Kasali ako sa student council as Secretary pero di ako sikat. Promise. Hahaha
Andito na ko sa school sa unang klase namin. CAS. O sa pagluluto yun. Alphabetical ang arrangement ng seats namin boys girls pa.
*bzzzt
"Later ah. Sa lunch. May kwento ako ;)"
- TashaNapatingin ako sa kanya na nakatingin sakin. Nakangiti ang gaga. Lalake nanaman.
"Gordon.." tawag ni Ms. Pun.
"Miss sino po ba yun? Last week wala din yun diba?" tanong ni Leira.
"He's from London. So expected na rin." sagot ni miss. Grabe especial treatment -___- Pero okay na rin. Kasi kapag dumating yun. Magkakaron na ko ng kalapit. Okay na yung wala muna akong kalapit. Hahaha
*toktok
"Come in" sabi ni miss Pun.
"Good Morning Miss. I'm late." sabi ng nakayukong lalaki. Parang nahihiya. Matangkad siya parang mga 5"11 ang height. Samantalang ako.. Shet 5"2 lang.
Nagbulungan ang mga babae. Grabe nakakita lang ng matangkad baka naman pangit o kaya pangit ang ugali.
"And you are?" tanong ni Miss Pun
Tumingin siya sakin- este samin sabay..
"Ahm.. I'm Pr-- excuse me. I'm Drake Joshua Gordon miss"
Eto ang magiging kalapit ko?! Juice ko!! Baka duguin ako! English accent pa naman!
Lahat sila napatingin sakin ng di ko alam.
"Miss Fuentes, are you with us?" tanong ni Miss Pun sakin.
"H-ha? Yes miss." sagot ko.
"As what I've said. I will assign you to tour Mr. Gordon to our school after your class. Your schedule is same as Mr. Gordon's sched. Can you please assist him?"
*gulp
Masama na tingin sakin ng mga girls. Parang papatayin na nila ako para sila na lang ang ma assign sa inutos sakin. Kaso kapag tumanggi naman ako nako alam kong may kapalit yan. So...
"Yes miss. Copy"
BINABASA MO ANG
Truly Madly Deeply
Teen Fiction"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo..." - Tadhana (Updharma Down) Aksidente o isang tadhana? Infatuation ba o True love na? Eto ang gumugulo sa utak ni Amber simula ng makilala niya si Ethan. Magulo. Paikot ikot. Nakakainis. Daming extra...