MTM[6]: Si Patrick.

27 4 1
                                    

Chapter Six.

Papalapit na ako sa pintuan nang, hinawakan niya yung kamay ko. At iniharap ako sa kanya.

Wala narin siyang uniform na pangitaas. At, kitang kita ko yung ABS niya!! Oo, may abs siya! woooh. Di naman sa malandi pero, kahinaan nang babae ang ABS! Syeeet. Bakit ganun? Ang, ang. Parang ang sarap hawakan?

HAWAKAN?!! JOKE LANG YUN! Ano ba yan, Ayen! gulp.

Nilapit niya ko sa kanya lalo. Ngayon, magkadikit na katawan namin. Grabe, ang init. Ah! Wooh!

"A-ahm. Ano ba ginagawa m-mo?! A-alis nga!" Sigaw ko. Pilit kong tinatanggal yung hawak niya sa dalawang balikat ko. Tinutulak ko siya, pero. Wala. Ang lakas niya.

Mas nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Ngayon, 1 inch na lang pagitan namin. Yung mga ilong namin magkadikit na. Dahilan na matangos ang ilong niya, at matangos din naman ang akin. Nararamdaman ko na ang paghinga niya.

A-ano bang balak niya? Hahalikan niya ba ako?! It's not my first kiss, pero. Ewan! Iba!

Mas nilapit niya pa yung mukha niya at, napapikit na lang ako.

"HAHAHAHAHA!" binitawan niya ako at, tumawa Nang pagkalakas lakas. Hawak pa niya yung tiyan niya, habang tumatawa.

"Akala mo ba hahalikan kita?! HAHAHA!" Sigaw niya. Tss. Nakakainis! Napahiya ako dun ah! Yumuko na lang ako at, ewan. May mainit na likidong tumulo. Ba't ba ko naiiyak?!

"HAHAHAHA! Hay nako Coleen. Hinding hindi ko gagawin sayo yun. ASA KA PA. Tss. Sa pagmumukha mong yan?! Come on." Puno niya pa. Naiinis na talaga ako! Pero, wala akong nagawang iba kundi umiyak. Eh sa nasasaktan ako sa pinagsasasabi niya eh!

"*sob* A-alis na ko." sabi ko. Tumalikod na ko sa kanya. Aalis na talaga ako! Pag di na ako nakapagpigil, papatayin ko 'tong lalaking 'to! Palabas na ako nang pintuan nang,

"Wait. Sabay na ako." Di ko na siya pinansin. Tuloy tuloy akong lumabas nang room. Naglakad papuntang hallway. At pag minalas ka nga naman, sinabayan niya ako. Hutaenna. (__ __")

"Hoy, coleen. Ang bilis mo naman. Hintayin mo naman ako." sabi niya. Hindi ko siya nililingon. Patuloy parin ako sa paglalakad ko. Naiinis ako sa kanya! As usual! :/

"HOY. Ano bang problema mo?" sabay hatak sa kamay ko.

"A-anong problema ko?! IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! SIMULA NANG DUMATING KA SA BUHAY KO, NAGKANDALECHE LECHE NA!!" sabi ko.

Joke.

How i wish na sana masabi ko yun. Pero hindi eh.

Di ko na lang siya sinagot. Kinuha ko pabalik kamay ko sa kanya. At naglakad uli palayo. Palayo sa demonyong yun.

Ngunit di na ko nakalayo ulit. Hinatak nanaman niya ako. At pinilit na hinarap sa kanya. A-ayokong tumingin sa kanya. Kasi, umiiyak ako.

Bakit nga ba ako umiiyak?! Bakit mo ba iniiyakan yung hinayupak na yun Ayen ha?!! Tss. Napahiya lang talaga ako. Oo, yun nga yun. Napahiya ako. Pero bakit nga ba ako nag aassume na hahalikan niya ko?! Tss!

"W-wala akong problema." sabi ko sa kanya. Di parin ako tumitingin sa kanya. Nakayuko ako. Habang nakaharap sa kanya.

"Umiiyak ka ba??" A-ako umiiyak? HINDE. Tss. Kelangan mong ipakitang matapang ka Ayen. Pinunasan ko ang luha ko. At.humarap sa kanya.

"Ako? Umiiyak? Hahaha! Hindi ah!" at tumawa lang ako. Natingin siya tuloy na parang weird na weird sakin. Sumobra ata pagpapanggap mo! Ha-ha.

"Uhm. Ehem. Saka bakit naman ako iiyak? Duh. As if naman gusto kong mahalikan mo noh?"

"Tss. Sasabihin mo lang naman kung gusto mong makatanggap nang halik nang isang poging katulad ko eh."

"Aba't ang kapal nang mukha mo! A-ayoko kaya! Tss! dun ka nga!" At tinulak ko siya. Di naman ganong kalakas. Sapat lang para mas lumayo siya sakin. At, naglakad ako papalayo. Nakakaasar siya! Kahit kelan!

"Haha. Sandali nga, oy. Hintayin mo ako." At tumakbo siya papalapit sakin.

Hmp. Hahahaha. Wag mo nang isipin yun Ayen. Di naman natuloy diba?

Saka, ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ngumiti nang ganun. Kapag pinagttripan talaga ako, tuwang tuwa siya. Hayy.

Pero ayos lang yun. At least napapatawa at napapangiti ko ang isang Patrick Liam Delarosa.

---- --------- ---

Vote, comment! :*

Make the Most. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon