Chapter 2: Milk Tea

8 2 0
                                    

"The program will start in one minute.."

Ayun! Ayun yung gold na poste!

Pagkatulak ko nung pinto, sakto!

"Hello students! Welcome to Elite's University!" Sabi nung nag sasalita sa unahan.

"I am Mrs. Jacob, your principal. Tonight, we will have a ball. Please go to your respective rooms."

Ahh. So Principal pala namin siya..  Tiningnan ko yung room number ko.

What!? 116!? Eh yung one ang layo pa. >_<

Nagsimula na akong mag lakad.

1....2......3....4....5....6.....7....8....9....

Argh.. ayoko na. Bakit kase ang lalaki nung rooms!? Parang isang bahay na eh.. Pumunta muna ako sa cafe ng school. Nadaan ko yun kanina nung hinahanap ko yung ball room.

"Ate, Milk Tea po." Sabi ko.

"Aaahh! Ang gwapo talaga niya.." sabi nung babae.

Pagka harap ko...

"F*ck" sabi nung lalakeng nasa likod ko.

"Oh my, sorry sorry, hindi ko sinasadya. Sorry!"

"Watch were your going nerd!" Sabi nung lalake.

Teka.. siya, oo siya! Siya yung tinanong ko kanina. Tsk. Nice move Angelica.

"Oh, tissue. Sorry." Sabi ko ng naka yuko.

"Tsk!" Sabi niya. Kinuha naman niya yung tissue.

"Next time kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo. Minsan, mali ang mababangga mo." Sabi nung isang lalakeng katabi nung nabuhosan ko ng milk tea.

Tango nalang ang nasagot ko. Ang lakas pa naman ng boses niya at lahat ng tao, ang atensyon, nasa amin.

Ayoko ng ganito. Ayoko ng pinapansin ng maraming tao.

"Ano? Magsasalita ka?" Sabi nung isang naka shades.

Umalis nalang ako na sa tabi nila dumaan.

"Ops ops, saan ka pupunta, ha?" Sabi nung isang naka cap

"Dapat magbayad to eh.. ano kaya ang pwede nating gawin sa kanya?" Sabi nung naka shades.

Oh no, hindi to pwede. Ayokong mapunta sa gulo.

Yung isang naka cap, binuhusan ako ng tubig na malamig.

"Hahahahahaha!" Tawa nung mga nasa canteen.

"Ayan! Yan ang bagay sayo!" Sabi nung natapunan ko ng milk tea.

Umiyak na ako.

"Ano ba ha!? Hindi pa ba sapat na nagsisisi na ako!?" Napsigaw na ako. Grabe naman eh. Akala ko pa naman mabait yung lalaking yun. Bagsak pala pag dating sa ugali.

Umalis na ako hila hila ang maleta ko. Bakit ba kase ang daming nilagay dito ni mommy? Tsk.

Hinanap ko nalang yung room ko.

114.....115......116! Yes! Nandito na ako! Pagka pasok ko,

"Welcome Roomate!!!!!!" Sabi nung babaeng maganda na kulot ang dulo ng buhok at may hawak na banner. Nag ayos pa siya ng lamesa at may candle sa gitna. Ano to? Date!?

"Oh roomate? Bakit ka basa?" Sabi niya.

"Teka lang ha, ano bang pangalan mo?" Sabi ko. Ang feeling close niya ha...

"Angelica." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Nice meeting you! I'm Nicca, at your service!" Sabi niya sabay parang sundalo. Ang hyper!

"Uhmm, saan ko ilalagay ang gamit ko?" Sabi ko.

"Ah, dun sa isang door." Sabi niya sabay turo dun sa parang slidding door.

Ahh. Walk in closet. Woo.

Inayos ko na ang gamit ko at may nakita akong gown.

"Yan yung gagamitin mo mamayang damit."

"Wwah! Nicca naman. Wag mo akong gulatin!" Sabi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sakit. Napahawak ko sa dibdib ko.

"Oh my gosh.. Angelica, are you ok? Wait lang, kukuha akong tubig." Sabi niya sabay labas.

Umupo ako sa parang bean sofa dun sa may gilid. Ininom ko ang tubig at medyo gumaan nama ang pakiramdam ko.

"Thankyou." Sabi ko.

"Sorry ah. Di ko alam na may sakit ka pala sa puso.." sabi niya.

Tiningnan ko siya sa mata. Ok, kahit ngayon lang niya ako nakilala, nakita ko ang pag aalala niya sakin.

"Hindi, ok lang. Ok na ako." Sabi ko.

"You sure?" Sabi niya sakin na sinilip pa ang mukha ko.

"Oo, ok na ok!" Sabi ko sabay thumbs up sa kanya kahit medyo masakit parin dibdib ko. Ayoko kaseng may nag aalala sakin.

The Nerd's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon