Prolouge

91 17 2
                                    

Dalawang magkaibigan...

Isang manhid...

At isang nagmamahal sa manhid.

Iba rin talaga ang nagagawa ng pagmamahal noh?

Kahit gaano pa siya kamanhid, gaano pa siya kabulag, at kahit gaano pa siya katanga para hindi mapansin yung pagmamahal mo sa kanya, still mahal mo parin siya.

Ganyan talaga ang pagmamahal.

Pero paano mo nga ba masasabi na pagmamahal nga 'yun kung hindi mo pa naibibigay yung the best mo?

Kahit na ilang beses ka pang magpapansin para lang mapansin ka niya, still mahal mo parin siya.

Kahit na ilang beses mo pa siyang buhatin para lang hindi siya mapagod kahit na nahihirapan ka na, still mahal mo parin siya.

At kahit na ilang beses mo ng ipinaramdam sa kanya na mahal mo siya pero hindi niya 'yun napapansin, still mahal mo parin siya.

Ang daya talaga ng pagmamahal na 'yan.

Sobrang daya...

Kahit na ilang beses mo pa siyang iligtas. Kahit na ilang beses mo pa siyang buhatin, at kahit na ilang beses ka ng nasasaktan para sa kanya.

Still...

Isa parin 'yang URI ng pagmamahal.
---

All rights reserved ©2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's A Kind Of Love (Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon