"Dianne? Magready ka mamaya. Magkakaroon tayo ng dinner mamaya kasama ang mga Monterial."
Tumango tango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nasa bahay ako ngayon buong araw dahil bakasyon na.
"Yes, daddy."
"Kung maaari suotin mo ang pinakamaganda mong damit mamaya."
"Mmm. Okay! Ako na po bahala."
Dianne Kate Moises ang pangalan ko. 17 years old na ako. Incoming 2nd year college. Nagiisang anak ako. Si daddy na lang ang kasama ko sa bahay. Siya si Rommel Moises. Si mommy? Idunno. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang taon na siya. Ni hindi ko nga alam itsura niya. Ang alam ko lang wala siya sa tabi ko mula nung bata pa ako at galit ako sa kanya. Tinatanong ko si daddy kung nasaan si mommy pero ang nasasagot lang niya sa akin ay iniwan daw kami ni mommy ng walang paalam.
Si daddy ang nagpapatakbo ng business namin. May airlines din kami. Tourism student ako at kapag nakatapos na ako, ako ang magpapatakbo ng airlines namin.
"Aalis na ako. Itetext kita kapag ipapasundo na kita. Okay? I love you."
Tumayo ako para halikan si daddy sa pisngi.
"Opo. Ingat. I love you too!"
Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Nagiisip ako kung ano ang gagawin ko. Wala akong ganang umalis ng bahay. Hmm. Magfafacebook na lang nga ako.
Nagbukas ako ng Facebook at chineck ko yung mga notifications, messages at friend requests.
Nagselfie ako habang may hawak ko ang laptop ko at pinost ko agad na may caption na.. "my kind of summer"
Pagkapost ko ay madami ang naglike at nagcomment. Sa lahat ng comments may isang comment ako na talagang uminit ang ulo ko.
"Hindi ka maganda. Tss. Ang malas ko sayo."
Aba? Makapagreply nga.
"Wow. Ejay Pogi, pasensya ka na kung pangit ako. Pero ikaw? Malas sa akin? Sino ka ba?"
Wtf? Sino ba 'tong Ejay Pogi na 'to? Gahd.
Maya maya tumunog cellphone ko. Tumatawag si bessy.
"Yeah?"
"Bessy omg!!! SI EJAY! SI EJAAAAAAAY NAKAUSAP MO SA FACEBOOK? GOSH. ANG GWAPO GWAPO NIYAN."
"Sino ba yun? Sinabihan ako ng panget at malas daw siya sa akin. Ano bang problema niya?"
"BAKA NAMAN NANG-AASAR LANG BESSY PERO OMG TRENDING NA KAYO AGAD SA UNDERGROUND WEBSITE NG SCHOOL NATIN. Swerte mo!!"
"Swerte? Jusko! Paano? Eh nilait nga ako at sinabi pa niyang malas siya sa akin at yun ang di ko magets."
"BAKA NAMAN MALAS SIYA KASI MADAMING NAGKAKAGUSTO SAYO SA SCHOOL!!"
"Eh? Imposible. Di ko nga siya kilala."
Inistalk ko ang Facebook account niya at mabuti nalang ay nakapublic ito kaya malaya akong nakapang-stalk. Same university pala talaga kami? Kaso magkaiba kami ng year. Hm. Iba't ibang babae ang kasama niya sa mga pictures. Woah. May isang picture siya na may 10,000 likes. Infairness, gwapo siya. Pero playboy naman! Mapanlait pa! Walang galang! Useless din kagwapuhan. Tss. May ilang status na nakatag siya and.. nagulat ako sa nakalagay.
"May gang fight bukas bro. Punta ka ba? Patayin mo na agad pag dating mo dun. Hahahahahaha." - Ejay Pogi
"Bessy? Meron siyang gang?"
BINABASA MO ANG
My Gangster Fiancee
RandomHate at first sight. Posible nga ba yun? There's always a fine line between LOVE and HATE.