Chapter 1: Rihanny Gann Garcia

72 7 0
                                    

-Rihanny Gann Garcia-

"Zarien Beil !" tawag ko.

"Oh?" sagot niya habang nagCla-Clash Of Clans.

"Hindi ka pa nga tapos sa pinapagawa ko, balik ka nanaman dyan sa laro mo! Gupitin mo pa to! Bakit ganto ito?? Di ba sabi ko triangle! Huy!!!" grabe kahit anong sabihin ko di pa rin siya lumilingon. GOSH! Nakakapang-init talaga ng ulo to oh!

"Zar! Nagagalit na si Leader sayo oh!" saway naman ni Haryl.

"I know." sagot niya pero nakatutok pa rin yung mata niya sa cellphone.

Nakiusap ako kay Chaerin kung pwede bang sawayin si Zarien. Nililigawan kasi ni Zarien si Chae, kaya susunod yan.

"Ayoko! Kaya mo na yan!" sabay balik sa ginagawa niya. Hay! Parehas talaga sila ng ugali, sarap pagsamahin! Grr!

"Zarien!! Kung hindi ka pa susunod, hindi ako magdadalawang isip na basagin yan!" pero wa epek pa rin. Kukuwain ko na sana yung cellphone ng biglang hawakan ni Haryl yung braso ko sabay saway kay Zarien.

"T-thanks!" sabi ko kay Haryl. Di naman kasi kami close eh.

Pinagawa ko na si Zarien sa mga gagawain niya. Gumagawa kasi kami ng project na by group. Actually, ayoko silang kagrupo dahil hindi ko sila masyadong close. Bunot kasi yung paggru-group kaya kasama ko yan.

Zarien Beil Donlia, isang lalaking tamad pero matalino. At crush ko siya. Oo, crush ko siya at di ko alam kung bakit nangyari yun. Sa dinami dami ng lalaki sa mundo, hindi ko alam kung bakit siya pa. At oo nga pala nililigawan niya si Chaerin pero walang gusto tong si Chaerin sa kanya. At huling huli sa lahat, hindi ako bitter sa kanilang dalawa, got it??

Haryl Dave Del Monte, kabarkada ni Zarien. Siya lang ang kabarkada ni Zarien na nasama sa group ko. 4 kasi silang magkakabarkada.

After naming natapos yung project, kanya kanyang uwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, 8:30 na kaya inalok ako ni Mama na kumain na.

"Rihan, gumagabi ka na ngayon ah!" sabi ni kuya Ravonny.

"Baka may boyfriend ka na?" sabi naman ni papa.

"Pa, unang una sa lahat, gumawa kami ng project na by group. Pangalawa, wala akong boyfriend. Pangatlo, ayoko pang magkaboyfriend." sagot ko sa kanila.

"Ay nako! Kapag may nanligaw sayo kailangan sa akin mo muna ipakilala para trainable na kapag dadaan na kay papa." sagot naman ni kuya.

"Trainable? Anu yun mag-a-army?" sabay tawa ko.

"Kasi papahirapan siya ng kuya mo at papayuhan, kapag dadaan na sa akin may experience na!" sagot naman ni papa.

"Ewan ko sa inyo! Trainable at may experience?? Psh." iling ko sa kanila.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko.

*May tumatawag sayo di mo lang alam~

May tumatawag sayo di mo lang alam~*

Hay nako.! Pinalitan na naman ng baklitang yun yung ringtone ko!

"He--"

"RIHANNY!! Sabi sa akin ni Mommy Gay, kasama mo daw si Baby Haryl!!!! TOTOO BA YUN?!? SINIRA MO ANG FRIENDSHIP NATIN!!" drama ni Rae.

"Huy baliw! Ikaw ang may sira!! Malamang magkagrupo kami kaya ko siya kasama at hindi lang siya ang kasama ko! Kasama ko rin si Chaerin, Zarien, Val--" putol niya nanaman.

"OMG! Kasama mo ang forever mo friend! Buti na lang kasama mo si Daddy mo kundi baka nachugi na kita!" sabi naman niya. Si Daddy ay secret name namin ay kay Zarien, may crush din kasi si Mommy Gay dun kaya naging Daddy.

My Bestfriend Boyfriend [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon