1 #TheNewHome

687 14 5
                                    

Chapter 1: The New Home

Soundtrack:  Begin Again - Rachel Platten




I grabbed by backpack and hand carry bag when I stepped out of my room in Lola Charito's house. This will be my last glance bago pa mailipat sa bagong may-ari. Sina Auntie Mildred na kasi ang titira, uuwi daw ang anak galing abroad at ayaw ng may ibang kasama sa bahay.

Ako? Eto, susubukan kila Auntie Florida kung may space pa para sakin.

"Ani... eto ang address ng Auntie Florida mo. Magtanong ka na lang." Sabi ni Auntie Mildred habang binibigay sakin ang papel kung saan nakasulat ang address.

Nakarating na ko sa isang mayaman na syudad, ilang oras rin ang layo sa amin sa San Roque. Nahanap ko na ang Duhat Village, ang lugar na may malalaking bahay at malalawak ang pagitan. I was in front of a huge, three-storey house like a mini-mansion. There were elegant cars parked outside. I was hesitating in ringing the doorbell. Baka maistorbo ko pa sila sa party nila.

Tumalikod ako at napasigaw sa gulat sa lalaking nakatayo sa likod ko. He was taller than me at tila inuusisa ako. He was wearing plain shirt and jeans. Kasing edaran ko siguro, 23-24, I guess. Matangos ang ilong at maputi siya. Hindi maitatago ang kagwapuhan niya ngunit tila suplado ang peg.

"Dito po ba nakatira si F-Flo.. Florida Byrne?" Nauutal kong tanong dahil sa kaba. Trying to be polite.

He narrowed his eyes and cocked his head to one side.

"Florida?"

Tumango ako.

"She's not here, next month pa ang uwi niya." The guy answered.

Patay! Masyadong malayo ang Grand Bay para umuwi sa pamilya ni Mama at wala na kong pera pamasahe pabalik sa San Roque.

"Ako po... ako po.. yung pamankin ni Auntie... Mildred.." Nagbabakasakali akong nasabi na nila Auntie na pupunta ako dito.

Teka? Sino ba tong kausap ko? Nakaka-intimidate ang itsura niya at ang mga tingin niya sakin. Nakakakaba!

"Janica po..." pakilala ko sa sarili. I forgot, dapat magpapakilala sa kausap. I didn't bother to do a handshake sa itsura niyang mayaman baka mandiri pa siya sa kamay ko. Honestly, madumi talaga ang kamay ko ngayon mula sa maalinsangan byahe. Nakajeans ako at t-shirt, rubber shoes. Hindi naman kasi ako maporma.

He nodded then opened the white gate behind me.

"I'm Red. Red Byrne. Tinawagan na ko ni Tita Flor kanina about your arrival but... I didn't expect to have you tonight... As you see, we're having a little party." He explained while he ushered me inside at bitbit ko ang kagamitan ko.

Pagpasok ng mala mansyon na bahay ay hallway, may hagdan at mga pintuan. Pipili ka lang kung saan ka pupunta. Maingay ang sounds na nagmumula sa taas. Malamig sa bahay, in fairness. Para akong nasa mall.

"The party is upstairs." Sabi niya sabay bukas ng door sa left side.

It was kind of... bar? There was a lady in a blue dress seated and having her 'me' time. She frowns as she saw Red opened the door and turned her gaze to my direction.

"Who the hell is that?! Is she one of my guests?"

What a warm welcome! I certainly feel that I don't fit here. Para silang mga elite, no. Scratch the 'para'. Sila ay mga elite! At ako ay nasa lower class ng social stratification.

Hindi ako nagreact. Pinili kong manahimik at magtimpi. Kailangan kong kontrolin ang kamalditahan ko rito at makisama sa kanila.

"Janica..." Red introduced me. The lady's eyebrow went up. She doesn't like me. I can see it through her eyes, by the way she looked at me and examining my face.

"Lola Charito's grand daughter." Pakilala ni Red emphasizing the words grand daughter. Hindi ako umimik. Nakaramdam ako ng taong nakatingin sa likod ko at nilingon ito.

Isa pang lalaki in a rockstar look. Wait. 'yong face lang. The attire, it was simple but he rocks on it. He got thick eyelashes and brow that make his eyes attractive. He also have pointed nose and a pink pale lips. He narrowed his eyes as he met mine. He studied me from face to feet. This is awkward.

Red turn around to face him and didn't say a word. He turned his eyes to Red.

"Janica." Pakilala ulit ni Red sakin and he studied me again with his sharp gaze.

Bakit parang puro ako ang pinapakilala nila? Sila? Huhulaan ko na lang mga pangalan nila?

The rockstar look guy went upstairs without saying a word and the girl in the bar looked at me from head to toe then followed him with her feet stamping in each steps. Umiling lang si Red at naglakad na kami, sinundan ko lang siya, may nadaanan kaming sofa mukang sala nila at napansin ko ang nakabukas na pinto, may sofa rin at TV set sa loob nito, sala room ata ito. Napansin ko naman ang isang mahabang dining area, may glass table at elegant chairs. Ilang lakad pa ng lumabas kami sa glass doors, mayroon swimming pool. Saan ang kwarto ko?

We headed to the mini-forest sa kabilang bahagi ng mansyon. Baka sa barn o kaya kasama ng mga katulong? Ayos na 'yon! Sa gitna ng dalawang malalaking puno ng mangga, nagtungo siya sa isang mahaba at manipis na hagdan na gawa sa kawayan. It is a tree house. Tago ang puno na ito sa maraming puno sa mala mansyon na bahay na ito.

Umakyat kami rito. Kasing taas niya ng kaunti ang kisame ng tree house. Binuksan niya ang ilaw, mayroon itong maliit na kutson na kasya sa isang tao, unan, maliit na electric fan, built-in na cabinet at mga libro. Mukang matanda na ito at ang ilaw sy hindi stable, nakasabit lang ang yellow light bulb sa kisame at umuuga ito konting galaw lang.

"Okay na ba yan sayo?" Tanong ni Red.

I smile and nodded. Okay na to! Kesa sa wala. Magpapakachoosy pa ba ako? May sakit pa lang si Lola Charito, ramdam ko nang papaalisin ako ng mga anak nito at naghahanda na ko sa araw na 'yon, at eto na nga. Tila sinuri niya pa ang kwarto bago umalis at sinara ang pinto. Nahiga na ko sa kutson kahit medyo matigas. Amoy luma at mukang hindi na nagagamit ng matagal.

Naisip ko ang mga taong na-encounter ko sa bahay na 'to. Mula kay Red, sa babaeng nakadress sa bar at ang rockstar guy. Bakit parang ayaw nila sakin? Inaano ko ba sila? Magkaroon lang ako ng trabaho, mag-iipon ako para makahanap na ng sarili kong titirahan. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila Auntie Florida at Auntie Mildred pero handa akong magpaalipin sa bahay na 'to para lang may matulugan.

Hindi ko pa nakakasalamuha si Auntie Florida pero alam kong mabait naman siya kaysa kay Auntie Mildred. Maayos ang pakikitungo niya sa akin noong burol ni Lola, eh.

Hindi ko sila totoong kamag-anak, kahit sino sa kanila. Ampon ako ni Lola Charito sa dati niyang katulong na nabuntis at namatay sa panganganak sakin. Inangkin akong apo ni Lola dahil nagsipag-asawa na ang mga anak niya at ang katulong na lang ang nakasama niya sa bahay.

"Nate! Nate! Nate!"

Nakabalik ako sa realidad nang marinig ko ang tili ng babae. Nataranta ako at binuksan ang gawa sa kahoy na bintana ng tree house. Napalaki ang bukas nito dahil sa malakas at napakalamig na hangin. Kitang kita ko ang lawak ng pool area bagamat may dalawang puno pa na nakaharang, pati ang terrace ng bahay ay tanaw rin. At lalo na ang lampungan ng couple sa isang bench sa pool side. Naka-sideview sila sakin. Nakahiga ang babaeng halos hubad na at ang lalaki naman ay nasa ibabaw at hinahalikan ang babae. Napatingin sa pwesto ko ang lalaki. Si. Rockstar.

Napangiwi ako sa nakita ngunit nakakacurious. Sinara ko ang bintana ngunit nagtira ng space para makasilip pa rin. Naging wild ang lalaki. Naririnig kong umuungol na ang babae at tuluyan ko na itong sinara dahil hindi ko na kaya. Nagkakaron ng kasalanan ang mga mata ko!

Juskolord! Kung araw araw ganyan ang makikita ko, baka atakihin na ko. Bumalik na ko sa pagkakahiga at naririnig ko pa rin ang ungol ng babae. Grabe! Ang wild nila. Ibang iba ang mundo nila sa nakalakihan ko.

Nakatulog ako sa kakaisip sa mga taong nakakilala sakin ngayon, trabaho, pera, pagkain, anong mangyayari sakin bukas, si Rockstar at 'yong nakita ko.

---------------------------------------------------------------------

Edited: Oct. 6, 2016

The Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon