Chapter 2: After Party
Soundtrack: Face Down - Red Jumpsuit Apparatus
Nagising ako ng around 6 am, kahit napuyat ako dahil sa tilian at ingay ng party.
Bumaba ako ng tree house at nakita ang itsura ng paligid ng pool. Napakaraming kalat! Balat ng chips, pieces of chips, cigarette butts, plastic cups, and even women undies!
I decided to clean their mess, pick up the pieces at inipon sa isang tabi. Nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok sa loob ng bahay para kumuha ng plastic.
Sinilip ko ang loob ng bahay. Juskoday! Mas makalat rito at tila binagyo. Kawawa si inday. Kaya sinimulan ko na rin linisin ang mga ito. Nakita ko ang trash bins sa likod ng kusina at doon inipon na lahat ng basura. Nakakuha pa ko ng mga cellphones at gadgets at tinabi ko sa isang plastic. Narinig kong may nagriring ang isa pero hindi ito pinapansin.
Mabilis akong naligo sa shower sa likod ng bahay at nagpahinga muna sa grass area.
Patuloy sa pagring ang cellphone at narinig kong may bumababa sa hagdan.
"Ate..." a pretty woman wearing black lace sleeveless and shorts called me. She was holding a phone and putting it on her ear from time to time. She has a model type body, makinis at maputi pa ang kutis. At ang muka? Panalo! Pauleen Luna ang kamuka!
"Where's my phone?!"
Lahat na lang ba ng tao dito tatarayan ako?! Nakataas pa ang kilay at nakahawak ang left hand sa hips niya. Walang salita akong naglakad at nagpunta sa kitchen, agad rin siyang sumunod sakin.
"Hanapin mo na lang dyan." Inabot ko sa kanya ang plastic na puro cellphone at gadgets. Her reaction was surprised when she checked it piece by piece on the top of the marble center table. Even the chargers and cords nasa plastic.
"Have you found it?" Sigaw ng lalaking nasa living room pa.
"Yes. I'm in the kitchen, Nate." She said while checking her phone. Nanatili akong nakatayo sa kitchen nang dumating ang rockstar looking guy. So, his name is Nate.
Nang iangat ko ang tingin, his eyes narrowed as he studied me from head to toe. Okay, sa tuwing magkikita kami ganyan siya?! I shifted my gaze to the gadgets nang may kakaibang thought ang pumasok sa isip ko--ang nakita ko kagabi sa pool area. Napayuko ako at kinagat ang labi dahil sa naiisip kong kapilyahan.
"Your maid found it." Inangat ni ate girl ang phone at pumulupot na sa leeg ni Nate.
He frowned as he look to the girl.
"She's not our maid." he said while his eyebrow went up.
A loud tap of footsteps caught my attention, I looked at the girl-in-the-bar last night, she was furious.
"Have you seen my phone?!" She shouted while walking towards our direction. She looked at Nate and raise her eyebrows to the girl na nakapulupot kay Nate.
"Check it here." Nate's girlfriend give the plastic of gadgets to her. The girl in the bar last night grabbed it.
"Uyyy!" I gasped nang walang ka-ingat ingat na sinabog ni girl-in-the-bar ang mga gadgets sa marble na table. I caught their attention. She looked at me and roll her eyes then shifted to Nate.
"How long do you plan to keep her here, Nathan?!" She asked him. Nate cocked his left eyebrow as he looked at her and pressed his lips.
"I don't know. A week will do."
Lagot na. Nasintensyahan na ang paglalagi ko dito. After one week, palaboy na ko. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho.
"That's too long!" Reaction ng babae at bumalik na sa paghahanap ng phone niya. Nakita niya na ito, pati ang charger. Dahan dahan kong nilikom ang mga gadgets na kinalat niya.
"What are you doing?!" My heartbeats race as I caught Nate's full attention and he was angry. I stopped what I was doing and keep my hands away from the valuables.
"Aayusin ko lang ulit." Nakakatakot naman 'to, nagbi-beastmode agad.
"Don't. Don't touch anything. I want you out here." diin niyang sabi.
Is he kicking me out? Now?
"Now." madiin niyang sinabi. Tila gulat din ang itsura ng babae sa tabi niya at naging maligaya naman ang isa pa.
Nagmadali na kong umalis dahil sa pagkapahiya, I really don't let myself cry in front of everybody.
I ran back to the tree house. Pagdating ko sa pool area ay hindi ko na napigilan ang luha ko pero pigil ang hagulgol. Nagmadali akong makaakyat nang hindi sila nililingon. Napahagulgol na ko ng tuluyan sa kumot na hinihigaan ko. Ayaw nila sakin. Hindi ko sila kilala pero ayaw nila sakin. Bakit?
BINABASA MO ANG
The Sweet Revenge
Storie d'amoreBagamat pinaghandaan na ni Janica ang panibagong yugto ng kanyang buhay mula ng mamatay ang nag-ampon sa kanya, hindi niya napaghandaan ang malamig na pakikitungo sa kanya ng mga Byrne nang lumipat siya sa mansyon ng mga ito. Kasama niya ang nakatat...