A/N: Okay. Author’s note po muna. Before anything else, sino po ba ang fan ng She’s Dating the Gangster. Powtek… iyak na naman ako sa mga chapter, I was like super BOOO-HOOO-HOOOO. Hahaha. Arte lungs. . aba! Sadya naman kaya… salute p okay Ms. Bianca for making such an amazing story that inspired many writers and moved many readers. Kaya eto napo, karakaraka! Ang second chapter ng Your Picture in My Wallet. Bibigyan po natin to ng twist sa ending, nainspire ako kay Ate Bianca eh… hihihihi… pero not super identical na may sakit sa puso, sisiguraduhin kong magugulat lang kayo… ah basta…para nga pong gusto ko gawan ng… ah bahala na! hahahahaa…. salamat nga po pala sa mga nagbabasa, papindot din po nung vote ;) ayan lang po nasa right, pretty pleeaaaseee… hehe… alam ko namang tiis-tiis din pag may time kayo kakabasa nito… ^_^ kaya favor, paclick nung vote, kung akoy naaatim niyong garne eh,,, hahaha… ang haba na pala… thanks nga po pala sa nagcomment J pagpalain ka sana ng Poong Maylikha,
Para po sa inyo mga watty and lovatics.
>jHImsTiCkz<
Chapter 2
O.O
“PWEDE bang sumama ka dun sa mga yun?” tapos tinuro niya yung group ng girls na may hawak na tarp ata yun na malapit sa entrance ng cafeteria, I dunno kung anung nakalagay, nakafold kasi. Tapos yung iba naman may hawak na malaking bouquet ng roses.
Hinawakan ko yung kamay niya kasi naka-reach out siya kahit di ko alam ang gagawin ko. Teka, mukhang may isusurprise ah. O_O shete! OMG!!!! Baka para sa akin yun , Ay nako Helga, wag ka nga mag-assume! Pero mukha naming ready na yung set-up nila. Dun din bumalik sa akin yung sinabi kanina ni Jared kanina sa library, “ganun ba ? dapat sinabi mo agad para naprotektahan agad kita… hehe…” … Shet baka para sa akin nga!!! (Shunga! Binibigyang meaning!!!)
So ayun nga, sa kasagsagan ng pagtatalo ng aking mga thoughts ay pinuntahan na nga namin yung group ng mga babaeng halatang kinikilig sa mga katropa ni Jared (si Ethan, Colton, Shane at Ian) na napagtanto kong gwapo nga pero pinakagwapo talaga si Jared. ^_^V
Ewan ko ba pero si Shane mukhang taranta habang si Ethan tinatawanan pa siya. Si Colton naman at Ian inaayos yung mga girls, at si Jared. Well, kaholding hands ko siya.
*BLUSH* naginit yung cheeks ko nung pinisil niya ng bahagya yung hands ko!!!! Omfg, mamamatay ako ng hindi oras..
Hindi ko na alam ang gagawin kong pagpipigil sa kilig na rumaragasa sa aking mga nerves. I’m blushing with a tingling sensation-à Kinikilig in Englush. :-D
Pumikit ako dahil sa sobrang… ewan!... hindi ko na talaga alam ang nararamdaman kong kaba, saya at excitement! Sabay-sabay eh!
“O Helga…” pagmulat ko nakita ko si Jared na may iniabot na bulaklak sa akin. Natulala na naman ako. Sino bang hindi matutulala sa bunch ng Yellow Tulips. Shets!!!!!! ANG GANDAA KOOOO!
“Araaay!” hanubayan! May bumatok pa sa akin! Teka sino ba yun? Ang sakit nun ha!!! Hinde, I swear malakas ang pagkakabatok niya sa akin! Pag lingon ko, iisa lang yung nasa likod ko, si Carol. Ka-section ko nung 3rd year at 4thyearHigh School. Hindi naman kagandahan, hindi rin panget, at pinanlilisikan niya ako ng mata niyang pan-lobo! Inggiterang to! ! ! wait… may hawak din siyang flowers na katulad ng iniaabot sa akin ni Jared! Huh? Para sa akin din ba tong hawak ni Carol? “ Bakit mo ko binatukan?!”
“Kunin mo na yung flowers kay Jared! Padating na si Virginia!” sabi niya. Teka, Virginia? Isa lang naman ang kilala kong Virginia ditto sa school ah. Si Virginia Suason. Ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito. Isang part-time Teen model at ang pinakamagandang nilalang sa GPU.